Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Ngalan"

Ang isang '''ngalan''' o '''pangalan''' ay isang katawagan na ginagamit para sa pagbibigay ng pagkakakilanlan. Nakikilala sa mga pangalan ang isang uri o kaurian ng mga bagay, o isang bagay na natatangi o nasa binigay na konteksto. Sa [[lingguwistika]], ang isang entidad o tao na kinikilala sa pamamagitan ng isang ngalan ay tinatawag na ''referent'' o reperente, ang bagay o tao na tinutukoy. Ang [[pangalan|pansariling pangalan]] ay kinikila na hindi kinakailangang katangi-tangi ang isang ''partikular'' na indibiduwal na tao. Tinatawag na pangalang pantargi (''proper name'') ang isang partikular na entidad (bagaman mayroon din na kahulugang [[pilosopiya|pampilosopiya]] ang katawagan na iyon) at kapag binubuo lamang ng isang salita, tinatawag itong [[pangngalang pantangi]] (''proper noun''). Ang ibang [[pangngalan]] ay tinatawag minsan bilang "'''karaniwang pangalan'''" o (di na ginagamit) "'''pangkalahatang pangalan'''". Ang isang ngalan ay maaring ibigay sa isang tao, lugar, o bagay; halimbawa, nagbibigay ng pangalan sa kanilang anak ang mga magulang o nagbibigay ng pangalan ang isang siyentipiko sa pangalan ng isang [[elemento]].
==Mga indibiduwal na pangalan ==
Ang isang buong pangalan o [[pansariling pangalan]] ay kumikilalang isang salita o mga salita na kung saan ang isang indibiduwal ay malapit na nakilala o tinawag katulad ng "Andre," "Sophia-Grace," or "[[Mohammed]]."<ref>{{cite web |title=personal name |url=https://www.merriam-webster.com/dictionary/personal%20name |website=Merriam-Webster.com |publisher=Merriam-Webster |accessdate=18 Hunyo 2018|language=Ingles}}</ref> Tradisyunal na sa mga indibiduwal ang magkaroon ng pansariling pangalan (tinatawag din na "[[ibinigay na pangalan|unang pangalan]]") at isang huling pangalan (tinatawag din na "pangalan ng angkan" o "[[apelyido]]" dahil pare-pareho ito sa mga kasapi ng parehong pamilya)).<ref name="general">{{cite web |title=General words for names, and types of name |url=https://www.macmillandictionary.com/thesaurus-category/british/general-words-for-names-and-types-of-name |website=macmillandictionary.com |publisher=Macmillan Dictionary |accessdate=18 Hunyo 2018|language=Ingles}}</ref> Ginagamit din ang [[gitnang pangalan]] ng maraming tao bilang ikatlong pakakakilanlan, at maaring piliin para sa pansariling kadahilanan kabilang ang pagpapakita ng ugnayan, pagpapanatili ng pangalan bago ikasal o pangalan sa pagkadalaga (isang tanyag na kasanayan sa [[Estados Unidos]]), at panatiihin ang pangalan ng angkan.
==Mga sanggunian==
{{reflist}}