2,954
edits
Zollerriia (usapan | ambag) m (+ Menstrual Hygiene Day.) |
Zollerriia (usapan | ambag) m |
||
<!-- PLEASE NOTE: Ang mga Ape [Bakulaw] ay kasapi ng superpamilyang "Hominoidea" ng mga unggoy, na kinabibilang ng mga tao. -->
Ang '''sapanahon'''<ref name=JETE>{{cite-JETE|Sapanahon, regla, mens, ''menstruation''}}</ref>, '''regla'''<ref name=JETE/> o '''mens'''<ref name=JETE/> (Ingles: ''menstruation'') ay isang yugto sa [[menstrual cycle|siklo ng pagsasapanahon]] kung kailan naglalagas o nangungulag ang ''[[endometrium]]'' o kahabaan ng panloob na kapatagan ng [[uterus|bahay-bata]].
Tumitigil magregla ang mga babae tuwing sila ay buntis o [[nagpapasuso]]. Kung ang pagregla ng isang babae ay tumigil ng higit siyam na pung araw nang hindi siya buntis o nagpapasuso, nangangailangan siya ng '''medikal na pagsusuri''' dahil maaari itong magdulot ng maraming problema sa [[kalusugan]]. Ang regla ay tumatagal mula sa simula ng [[pagdadalaga]] hanggang sa [[paglayag]] sa mga babaeng hindi pa buntis.<ref name=TAS/>
Ang siklo ng pagsasapanahon ay kabilang sa pagunlad ng isang [[masustansiyang]] “''lining''” (''[[endometrium]]'') sa loob ng bahay-bata na nagsisilbing unan at tagapagbigay ng sustansiya sa nabubuong sanggol kung ang babae ay [[buntis]]. Sa pagkakataon na hindi siya buntis, ang “''lining''” na ito ay inilalabas. Ito ay kilala natin bilang '''regla''', o ang '''buwanang-dalaw'''.
Ang regular na '''regla''' (na tinatawag ring bilang ''eumenorrhea'') ay tumatagal ng ilang araw, mula 3 hanggang 5 araw, ngunit ang pagtagal nito ng 2 hanggang 7 araw ay itinuturing pa ring normal. Ang karaniwang '''siklo ng pagreregla''' ay tumatagal ng 28 araw mula sa unang araw ng isang buwanang dalaw hanggang sa unang araw ng sumunod.
Ang karaniwang dami ng regla kada buwanang-dalaw ay 35 millilitro (2.4 na kutsarang menstrual fluid) kung saan ang 10-80 millilitro (1-6 na kutsarang menstrual fluid) ay itinuturing pangkaraniwan. Ang tamang termino para sa daloy na ito ay '''“menstrual fluid”''' bagamat marami ang tumatawag ditong buwanang dugo. Ang menstrual fluid ay naglalaman ng dugo, pati na rin ng ''“cervical mucus”'', ''“vaginal secretions,”'' at ''“endometrial tissue.”'' Ang kulay ng menstrual fluid ay may pagka-pulang kayumanggi, bahagyang mas maitim sa karaniwang dugo.
==Tingnan din==
*[[Paghinto ng pagreregla]]
*Ang [[:en:Menstrual
==Mga sanggunian==
|
edits