Arianismo: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
m Ibinalik ang mga pagbabago ni 122.53.249.79 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni Legobot
mNo edit summary
Linya 1:
Ang '''Arianismo'''<ref>Williams, Rowan, Arius: Heresy and Tradition, rev. edn. 2001, ISBN 0-8028-4969-5</ref> ang katuruang teolohikal na itinuturo kay [[Arius]](236-250 CE) na isang presbiterong Kristiyano sa [[Alexandria]] Ehipto. Ito ay nauukol sa relasyon ng mga persona ng [[Trinidad]](Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espirito Santo) at ang tiyak na kalikasan ng Diyos Anak bilang nagpapailalim na entidad sa Diyos Ama. Si Arius ay itinuring na [[heresiya|heretiko]] ng [[Unang Konseho ng Nicaea]](325 CE) ngunit napawalang sala sa pang-rehiyong Unang Synod ng Tyre(335 CE) at pagkatapos ng kanyang kamatayan, ay muling idineklarang [[heretiko]] ng [[Unang Konseho ng Constantinople]](381 CE). Ang mga emperador na si [[Constantius II]] (337–361) at Valens (364–378) ay mga Arian o Semi-Arian. Ang konseptong Arian ng Kristo ay ang Anak ay hindi palaging umiiral ngunit nilikha at kaya ay natatangi mula sa Diyos Ama. Ang paniniwalang ito ay nakasalig sa Juan 14:28 "''ang Ama ay mas dakila sa Akin"''. Ang Arianismo ay nilalarawan na mga katuruang itinuturo kay Arius na sumasalungat sa kasalukuyang doktrinang [[Trinitarianismo]] na inilarawan ng unang dalawang konsehong ekumenikal at kasalukuyang tinatanggap sa [[Simbahang Katoliko Romano]], [[Silangang Ortodokso]], [[Oriental na Ortodokso]], [[Simbahang Assyrian ng Silangan]], mga itinatag sa Repormasyong simbahan(Lutherano, Reformed/Presbyterian, at Anglikano) gayundin di nang mga tumatawag sa sarili nitong Protestante(gaya ng Metodista, Baptist, karamihan ng mga Pentekostal) maliban sa ilang mga pangkat gaya ng Oneness, Mormonismo at Saksi ni Jehovah. Ang Arianismo ay kadalasang ginagamit upang tukuyin ang ibang hindi trinitarinismong paniniwala ng ika-4 siglo CE na tumuturing kay Hesus na Logos na isang nilikha(gaya ng sa Arianismo at Anomoeanismo), o hindi hindi-nilikha o nilikha sa kahulugang ang ibang mga nilalang ay nilikha gaya ng sa semi-Arianismo.
==Kasaysayan==
Noong mga 319 CE, nang si [[Athanasius]] ay isang deakono ng [[Alexandria]], Ehipto, ang presbiterong si [[Arius]] ay nakipag-alitan kay [[Alexander ng Alexandria]] na nagbigay ng isang sermon tungkol sa pagkakapareho ng Anak sa Ama. Binatikos ni Arius si Alexander sa kanyang paniniwalang mali at [[heresiya|heretikal]] na tinuturo nito.<ref>Kannengiesser, Charles, “Alexander and Arius of Alexandria: The last Ante-Nicene theologians”, Miscelanea En Homenaje Al P. Antonio Orbe Compostellanum Vol. XXXV, no. 1-2. (Santiago de Compostela, 1990), 398</ref> Pinakahulugan ni Arius ang sermon ni Alexander bilang muling pagbuhay ng [[Sabellianismo]]. Kanya itong kinondena at nangatawirang "''kung ipinanganak ng Ama ang Anak, siya na ipinanganak ay may isang pagsisimula ng pag-iral; at mula dito ay ebidente na may isang panahon nang ang Anak ay hindi. Kaya kinakailangang sumunod na ang anak ay may substansiya mula sa wala''".<ref>{{cite book|last=Socrates|title=The Ecclesiastical Histories of Socrates Scholasticus|url=http://www.ccel.org/ccel/schaff/npnf202.ii.iv.v.html|accessdate=2 May 2012|chapter=The Dispute of Arius with Alexander, his Bishop.}}</ref> Ang mga pananaw teolohikal ni Arius ay pinaniniwalaang nag-ugat sa [[Simbahan ng Alexandria|Kristiyanismong Alexandrian]].<ref>Williams, Rowan, Arius: Heresy and Tradition (London: Darton, Longman and Todd, 1987),175</ref> Si Socrates ng Constantinople ay naniwalang si Arius ay naimpluwensiyahan ng mga katuruan ni Lucian ng Antioch. Si Arius ay mabigat na naimpluwensiyahan ng mga Alexandrianong gaya nina [[Origen]] <ref>Williams, 175</ref> na isang karaniwang pananaw Kristolohikal sa [[simbahan ng Alexandria]] sa panahong ito.<ref>Williams 154-155</ref> Gayunpaman, bagaman humango siya mula sa mga teoriya ni Origen tungkol sa Logos, ang parehong ito ay hindi magkaayon sa lahat ng bagay. Ikinatwiran ni Arius na ang Logos ay may pagsimula at kaya ang Anak ay hindi walang hanggan. Salungat dito, itinuro ni Origen na ang relasyon ng Anak sa Ama ay walang pasimula at ang Anak ay "walang hanggang nalikha". Ang suporta kay Arius mula sa mga makapangyarihang obispo gaya nina [[Eusebius ng Caesarea]] <ref>Arius letter to Eusebius of Nicomedia</ref> at [[Eusebius ng Nicomedia]],<ref>Alexander of Alexandria's Catholic Epistle</ref> ay karagdagang nagpapakita kung paanong ang Kristolohiyang pagpapailalim ni Arius ay pinagsasaluhan din ng ibang mga Kristiyano sa Imperyo Romano. Si Arius at ang kanyang mga tagasunod ay gumamit ng mga talata upang suportahan ang kanilang paniniwala gaya ng Juan 14:28 "''Ang ama ay mas dakila sa akin"'' at Kawikaan 8:22 "''Nilikha ako ng Panginoon sa pasimula ng kanyang gawa"''. Ang Ama ay nakikita ng mga ito na "ang tanging tunay na Diyos" gaya ng nasa 1 Corinto 8:5-6 "''ngunit para sa atin ay may isang Diyos, ang Ama na mula sa kanya aangang lahat ng mga bagay..."'' Salungat dito ang Juan 10:30 "''Ako at ang Ama ay iisa''" ay naghahatid ng doktrinang [[Homoousian]]. Si Arius ay kalaunang itinawalag ni Alexander. Si Arius ay nagsimulang humimok ng suporta ng maraming mga obispo na umaayon sa kanyang posisyon.
===Konseho ng Nicaea(325 CE)===
Sa panahon na itinawalag ni Alexander si Arius, ang doktrina ni Arius ay kumalat na ng lagpas sa diocese ng Alexandria, Ehipto. Ito ay naging paksa ng talakayan at kaguluhan sa buong Simbahan. Ang simbahan sa panahong ito ay isa ng makapangyarihang pwersa sa daigdig Romano na ginawang legal ng emperador Constantine I noong 313. Ang emperador ay nagkaroon ng sariling interest sa ilang mga isyung ekumenikal kabilang ang kontrobersiyang [[Donatismo]] noong 316 CE. Kanyang ninais na wakasan ang alitang Arianismo. Maaring sinamahan ni Athanasius si Alexander sa [[Unang Konseho ng Nicaea]] noong 325 na lumikha ng Kredong Niseno at nag-[[anatema]] kay Arius at kanyang mga tagasunod. Ang konsehong ito ay pinatawag at pinangasiwaan ng mismong emperador [[Constantine I]] na lumahok at nanguna sa ilang mga talakayan. Sa Konsehong ito, ang mga 22 obispo na pinamunuan [[Eusebius ng Nicomedia]] ay dumating bilang mga tagasuporta ni Arius. Nang basahin ng malakas ang ilan sa mga kasulatan ni Arius, ang mga ito ay kinondena ng karamihan ng mga kalahok bilang mapamusong. Ang mga naniniwala na ang Kristo ay kapwa-walang hanggan at [[konsubstansiyal]] sa Ama ay pinamunuan ni [[Athanasius]]. Ang mga naniwala na ang Anak ay dumating pagkatapos ng Ama sa panahon at substansiya ay pinamunuan ni [[Arius]].