Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Yemen"

m
walang buod ng pagbabago
m
m
}}
 
Ang '''Republika ng Yemen''' o '''Yemen''' ([[wikang Arabo|Arabo]]: الجمهورية اليمنية), binubuo ng dating [[Hilagang Yemen|Hilaga]] at [[Timog Yemen]], ay isang bansa sa [[Tangway ng Arabia]] sa [[Timog-kanlurang Asya]] at bahagi ng [[Gitnang Silangan]], napapaligiran ng [[Dagat ng Arabia]] at [[Golpo ng Aden]] sa timog at [[Dagat na Pula]] sa kanluran, [[Oman]] sa timog-silangan at [[Saudi Arabia]] sa mga natitirang hangganan. Kabilang sa teritoryo nito ay ang Pulo ng [[Socotra]], mga 350 km ang layo sa timog. Ang isang tao o bagay na nagmula sa Yemen ay tinatawag na '''Yemeni'''. Ang [[kabiserang lungsod]] ng Yemen ay ang [[Sana'a]]. Bagaman ang ipinahayag na kabisera ng Yemen ay ang lungsod ng Sana'a, ang lungsod ay nasa ilalim ng kontrol ng [[:en:Houthi_movement|rebeldeng Houthi na rebelde]] mula noong Pebrero 2015.
 
Ang Yemen ay ang pinagmulang lupain ng lahat ng [[mga Arabo]] na nasa Gitnang Silangan. Noong sinaunang panahon, ang Yemen ay isang mahalagang sentro ng kalakalan at kapangyarihan. Maraming mga kahariang makapangyarihan ang dating nasa Yemen, kabilang na ang mga [[Sabaean]]. Mahalaga rin ang Yemen sa pangangalakal ng mga [[pampalasa]]. Nakikilala ang Yemen ng [[Imperyong Romano|sinaunang mga Romano]] bilang ''Arabia Felix'' ("Masayang Arabia") sa [[Wikang Latin|Latin]] dahil ang pook ay maganda at makapangyarihan.