Beauty and the Beast (pelikula noong 1991): Pagkakaiba sa mga binago

m
walang buod ng pagbabago
No edit summary
mNo edit summary
Ito ang ikatlong pelikulang animasyong ipinalabas sa panahong tinawag na ''[[Disney Renaissance]]'', na nagsimula noong 1989 nang ipalabas ang ''[[The Little Mermaid (pelikula noong 1989)|The Little Mermaid]]'' at natapos nang ipalabas ang ''[[Tarzan (pelikula noong 1999)|Tarzan]]'' noong 1999. Maraming pelikulang animasyon na sumunod dito ang naimpluwensiyahan ng paghalo nito ng tradisyonal na animasyon at ng imaheng ginawa ng [[kompyuter]].
 
Isinulat ni Linda Woolverton ang [[dulang pampelikula]] nito, mula sa istoryang isinulat nina Roger Allers, Brenda Chapman, Chris Sanders, Burny Mattinson, Kevin Harkey, Brian Pimental, Bruce Woodside, Joe Ranft, Tom Ellery, Kelly Ashbury, at Robert Lence, sa direksiyon ni Gary Trousdale at Kirk Wise, at produksiyon ni Don Hahn. Ang musika ng pelikula ay linikha ni [[Alan Menken]] at Howard Ashman, na mga sumulat din ng musika at mga kanta ng ''[[The Little Mermaid]]'' ng [[Disney]].
 
Naging matagumpay sa takilya ang ''Beauty and the Beast'' nang ito'y ipalabas at kumita ng $403 milyon sa buong mundo. Ito rin ay naging nominado sa maraming gawad-parangal at nanalo ng [[Golden Globe Awards]] para sa ''Best Motion Picture – Musical or Comedy'' at dalawa pang parangal para sa musika nito. Ang ''Beauty and the Beast'' din ang kauna-unahan at huling pelikulang animasyon na naging nominado sa [[Academy Awards]] para sa ''Best Picture,'' hanggang 2009. Umani ito ng anim na nominasyon, kasama rito ang ''Best Picture, Best Original Score, Best Sound'' at tatlo pang nominasyon para sa kanta nito. Napanalunan nito ang dalawa, para sa ''Best Original Score'' at ''Best Original Song'' para sa kantang [[Beauty and the Beast (kantang Disney)|na may kaparehong pamagat]].