Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Poland"

m
walang buod ng pagbabago
Tatak: Pagbabagong ginawa sa pamamagitan ng mobile Pagbabagong ginawa sa pamamagitan ng mobile web
m
Ang '''Polonya''', opisyal na '''Republika ng Polonya'''<ref>{{cite web| url = http://warsawpe.dfa.gov.ph/index.php/december-2013/189-dalawang-parol-ng-pilipinas-iluluklok-sa-opisyal-na-tahanan-ni-pangulo-at-gng-komorowski-at-sa-new-town-square-ng-warsaw | title = Dalawang Parol ng Pilipinas Iluluklok sa Opisyal na Tahanan ni Pangulo at Gng. Komorowski at sa New Town Square ng Warsaw| publisher = Pasuguan ng Pilipinas Warsaw, Poland | accessdate = Pebrero 20, 2015}}</ref> ([[Wikang Polako|Polako]]: ''[[Rzeczpospolita]] Polska'') ay isang bansang matatagpuan sa gitnang [[Europa]], sa pagitan ng [[Alemanya]] sa kanluran, ang [[Republikang Tseko]] at [[Eslobakya]] sa timog, [[Ukranya]] at [[Belarus]] sa silangan, at ng [[Dagat Baltiko]], [[Litwaniya]], at ng [[Oblast ng Kaliningrad]] ng [[Rusya]] sa hilaga. Ang kabisera at gayundin ang pinakamataong lungsod nito ay ang [[Warsaw]].
 
Unang itinatag ang Polonya noong 966 sa [[Kristiyanisasyon]] nito. Inabot ng Polonya ang rurok nito noong ika-16 siglo sa pagkatatag ng [[Komonwelt ng Poland at Lithuania|Komonwelt ng Polonya at Lithuania]] hanggang sa paghahati-hati nito sa pagitan ng [[Imperyong Ruso]], [[Austria-Unggarya]] at ang [[Prusya|Kaharian ng Prusya]] noong ika-19 siglo, kung saan tumigil ang pag-iral nito bilang hiwalay na bansa. Muling itinatag ang Polonya noong 11 Nobyembre 1918, pagkatapos ng [[Unang Digmaang Pandaigdig]], na kilala bilang [[Ikalawang Republika ng Poland|Ikalawang Republika]].
 
== Etimolohiya ==
Maaaring nagmula ang pangalang "Polonya" sa [[mga Polano]] ({{lang-pl|Polanie}}), isang tribong Kanlurang Eslabo. Hindi alam ang etimolohiya nito, pero maaaring nagmula ito sa salitang "''pole''" (parang):<ref name="dictionary">"fr. pal, pele, altd. pal, pael, dn. pael, sw. pale, isl. pall, bre. pal, peul, it. polo, pole, pila, [in:] A dictionary of the Anglo-Saxon languages. Joseph Bosworth. S.275.; planus, plain, flat; from Indo- Germanic pele, flat, to spread, also the root of words like plan, floor, and field. [in:] John Hejduk. Soundings. 1993. p. 399"; "the root pele is the source of the English words "field" and "floor". The root "plak" is the source of the English word "flake" [in:] Loren Edward Meierding. Ace the Verbal on the SAT. 2005. p. 82</ref> nagsisimula ang mga kaparangan sa mga lupaing Polako mula sa dalampasigan ng Dagat Baltiko hanggang sa paanan ng [[kabundukang Carpatos|Carpatos]] sa timog.
 
Sa ibang mga wika, nagmula naman ang mga eksonimo para sa Polonya mula sa pangalan ng ibang tribo, ang [[mga Lekito]] ({{lang-pl|Lechici}}, {{Lang-en|LechiteLechites}}).
 
Maaari ring nagmula ang pangalang "Polonya" sa isang alamat ng [[mga Hudyo]], kung saan naghanap sila ng isang ligtas na lugar kung saan maaari silang manirahan. Narinig nila umano ang salitang [[Wikang Ebreo|Ebreong]] "''po-lin''" ("dito kayo magpahinga") mula sa langit, at dito umano nagmula ang pangalan ng bansa.<ref name="jewishmuseum">''The Museum of the History of Polish Jews: Asking, Exploring, Discovering'' (''Ang Museo ng Kasaysayan ng mga Hudyong Polako: Nagtatanong, Naghahanap, Nagtutuklas'')</ref>
 
== Politika ==