Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Websayt"

m
walang buod ng pagbabago
m
m
Ang '''websayt''', '''pahinarya''' o '''web sayt''' ([[Wikang Ingles|Ingles]]: ''website'' o ''web site'') ay isang koleksiyon ng mga magkakaugnay na ''[[pahinang Web|web page]]'', na tipikal na matatagpuan sa isang partikular na ''domain name'' o ''subdomain''. Ang isang '''websayt''' ay bahagi ng ''[[World Wide Web]]'' na isa sa mga serbisyong gumagamit ng [[Internet]].
 
Sa kasalukuyan, mayroon ng mahigit sa 80 milyong websayt sa buong mundo na may nakarehistrong ''domain''. Sa pangakalahatan, ang websayt ay isang dokumentong [[HTML|(X)HTML]] na maaaring matingnan at mabasa sa pamamagitan ng [[HTTP]] gamit ang ''[[web browser]].''
 
Maaaring makita ang isang websayt mula sa ''root URL'' na tinatawag na ''homepage'' o pangunahing pahina, at karaniwang nakalagay sa kaparehong pisikal na server. Nakaayos ang mga URL sa isang klasipikasyon, bagaman ang mga ''hyperlink'' o ''kawingan'' sa pagitan nila ang nagku-kontrol kung paano natitingnan ang pangkalahatang istraktura at kung paano dumadaloy ang ''traffic'' sa pagitan ng mga iba't ibang bahagi ng isang websayt.
 
Hinihiling ng ibang websayt ang isang subskripsiyon upang makita ang ilan o lahat ng mga nilalaman. Kabilang sa mga halimbawa nito ang maraming pornograpikong mga sayt, ilang bahagi ng mga maraming [[balita]], mga sayt para sa mga laro, mga ''online'' na magasin, ''[[Forum|internet forums]]'', ''web mail'' at mga sayt na nagbibigay impormasyon sa mga datos ng [[pamilihang sapi]] na tama-sa-oras.
 
[[Kategorya:Mga website| ]]
340

edit