Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Kabayo"

194 bytes added ,  1 year ago
m
walang buod ng pagbabago
Tatak: Pagbabagong ginawa sa pamamagitan ng mobile Pagbabagong ginawa sa pamamagitan ng mobile web
m
Ang '''kabayo''' ([[Wikang Ingles|Ingles]]: ''Horse'' ; ''Equus caballus'', kung minsan ay kinikilalang ''subspecies'' ng [[mailap na kabayo]]ng ''Equus ferus caballus'') ay isang malaking [[ungulate na may di-karaniwang daliri sa paa]] na [[mammal]], isa sa sampung mga makabagong ''species'' ng ''genus'' na ''Equus''. Isa sa mga pinakamahalagang hayop sa larangan ng kabuhayan ang mga kabayo; kahit na ang kanilang kahalagahan ay bumaba dahil sa [[mekanisasyon]], nakikita pa rin sila sa buong mundo, na nakatutulong sa buhay ng tao sa ilang mga paraan. Prominente ang kabayo sa [[relihiyon]], [[mitolohiya]] at [[sining]]; gumanap ito ng mahalagang papel sa [[transportasyon]], [[agrikultura]] at [[digmaan]]; pinagkukunan rin ito ng [[pagkain]], [[gatong]] at [[damit]].
 
Halos lahat ng lahi ng kabayo, ayon sa isang teorya, ay nagsasakay ng mga tao sa kanilang likod at ginagamit sa pagtutulak ng mga bagay tulad ng mga kariton at paragos. Ngunit, sinasanay at pinaparami ang ilang mga lahi ng kabayo upang gumanap sa isang gawain, gaya ng magaang mga kabayo para sa karera<ref>''"[https://www.betwithus.com.au/how-to-pick-the-right-horse-to-bet-on-in-australia/ Picking the Right Horse.]" Be With Us.'' Hinango noong 26 Abril 2019.</ref> o pagsasakay, at mga mabigat na kabayo para sa pag-aararo at ibang mga gawaing nangangailangan ng paghihila. Sa ilang lipunan, pinagkukunan ng pagkain ang mga kabayo, parehong [[karne]] at [[gatas]]; sa ilan ito ay masangsang na pagkain. Sa ilang mga [[mauunlad na bansa]], inaalagaan ang mga kabayo para sa pagpapahinga at pampalakasan, bagaman ginagamit pa rin sila sa pagtatrabaho sa maraming bahagi sa mundo.
 
== Sa Tanakh at Bibliya ==
340

edit