Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Depresyon"

m
walang buod ng pagbabago
m (Ibinalik ang mga pagbabago ni 49.147.68.48 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni WayKurat)
Tatak: Rollback
m
|MeshID = D003865
}}
Sa mga larangan ng [[sikolohiya]] at [[sikyatriya]], ang '''depresyon''' na kilala sa Ingles bilang '''Major depressive disorder (MDD), recurrent depressive disorder, clinical depression, major depression, unipolar depression''', o '''unipolar disorder''' ay isang [[sakit sa pag-iisip]] na inilalarawan ng malawakang mababang [[mood]] na sinamahan ng mababang [[pagtingin sa sarili]] (nawala ang [[pagpapahalaga sa sarili]]), kawalan ng interes o kasiyahan sa mga normal na nakasisiyang mga gawain. Ang kumpol ng mga sintomas o sindromang ito ay inilarawan at inuri bilang isa sa mga diperensiya ng mood ng 1980 [[Diagnostic and Statistical Manual of Mental Disorders]]. Ang salitang "depresyon" ay hindi malinaw. Ito ay kalimitang ginagamit upang tukuyin ang sindromang ito ngunit maari ring tumukoy sa ibang mga diperensiya ng mood o sa mababang mga estado ng mood na walang kahalagahang klinikal. Ang pangunahing depresibong diperensiya ay isang nakapipinsalang kondisyon na labis na nakaapekto sa pamilya ng pasyenteng meron nito, sa trabaho, sa pag-aaral, sa pagtulog, pagkain at sa kabuuang kalusugan. Sa [[Estados Unidos]], ang mga 3.4% ng mga indibidwal na may pangunahing depresyon ay [[pagpapatiwakal|nagpapakamatay]] at halos 60% ng mga nagpapakamatay ay may depresyon o may iba pang diperensiya ng mood. Ang diagnosis ng pangunahing depresyon ay batay sa sariling karanasan ng pasyente, sa pag-aasal na iniulat ng mga kamag-anak o kaibigan at sa pagsisiyasat ng estado ng kaisipan ng pasyente. Walang pagsubok laboratoryo para sa pangunahing depresyon, bagaman ang mga doktor ay humihiling ng mga pagsubok para sa mga kondisyong pisikal na maaaring magsanhi ng parehong mga sintomas. Ang pinakakaraniwang panahon ng pagsisimula nito ay sa pagitan ng 20 hanggang 30 anosgulang na may kalaunang sukdulan mula sa pagitan ng 30 hanggang 40 anosgulang. Sa karaniwan, ang mga pasyenteng may depresyon ay ginagamit ng mga [[antidepressant]] at sa maraming mga kaso ay ng [[sikoterapiya]] o pagpapayo. Ang hospitalisasyon ay maaaring kailangan para sa mga kasong kaugnay ng kapabayaan sa sarili o malaking panganib sa sarili o sa ibang tao. Ang maliit na bilang ng mga pasyenteng may depresyon ay ginagamit ng [[elektrokonbulsibong terapiya]]. Ang panahon ng sakit na ito ay iba iba mula sa isang episodyong tumatagal ng mga linggo hanggang sa pang habang buhay na kapansanan na may paulit ulit na episodyo. Ang mga indbidwal na may depresyon ay may inaasahang maikling buhay kumpara sa mga wala nito sanhi sa isang bahagi ng pagiging marupok sa mga sakit at pagpapatiwakal. Hindi pa maliwanag kung ang mga antidepressant ay umaapekto sa panganib ng pagpapatiwakal ng mga indibidwal na umiinom nito. Ang pag-unawa sa kalikasan at mga sanhi ng depresyon ay nagbago sa loob ng mga siglo bagaman ang pagkakaunawang ito ay hindi pa kumpleto at maraming pang mga aspeto ng depresyon ang paksa ng talakayan at kasalukuyang pagsasaliksik. Ang mga minungkahing sanhi nito ay kinabibilangan ng sikolohikal, sikososyal, [[hereditaryo]], ebolusyonaryo at mga biolohikal na paktor. Ang ilang mga uri ng pangmatagalang paggamit ng droga ay maaaring parehong magsanhi at magpalala ng mga sintomas na depresibo. Ang mga paggamot na sikolohikal ay batay sa mga teoriya ng personalidad, komunikasyong interpersonal at pagkatuto. Ang karamihan sa mga biolohikal na teoriya ng depresyon ay nakapokus sa monoaminong mga kemikal na [[serotonin]], [[norepinephrine]] at [[dopamino]] na likas na matatagpuan sa [[utas]] at tumutulog sa pakikipagugnayan sa pagitan ng mga [[neuron]].
== Mga sanhi ==
Ang [[modelong biosikososyal]] ay nagmumungkahing ang biolohikal, sikolohikal at mga paktor na panlipunanay lahat gumagampan ng papel sa pagsasanhi ng depresyon.<ref>{{vcite web |author=Department of Health and Human Services |year=1999 |url=http://www.surgeongeneral.gov/library/mentalhealth/pdfs/c2.pdf |title=The fundamentals of mental health and mental illness |work=Mental Health: A Report of the Surgeon General |accessdate=2008-11-11| format=PDF}}</ref> Ang [[modelong diathesis–stress]] ay nagsasaad na ang depresyon ay nagreresulta kapag ang isang umiiral na pagiging marupok o diathesis ay napagana ng mga pangyayari sa buhay na nakaka-stress. Ang umiiral na karupukang ito ay maaaring [[gene|henetiko]],<ref name="Caspi">{{vcite journal |author=Caspi A, Sugden K, Moffitt TE |title=Influence of life stress on depression: Moderation by a polymorphism in the 5-HTT gene |journal=Science |volume=301 |pages=386–89 |year=2003|pmid=12869766 |doi=10.1126/science.1083968 |issue=5631}}</ref><ref>{{vcite web |author=Haeffel GJ; Getchell M; Koposov RA; Yrigollen CM; DeYoung CG; af Klinteberg B; ''et al.''|year=2008 |url=http://www.nd.edu/~ghaeffel/Resources/Haeffel%20et%20al.,%202008.pdf |title=Association between polymorphisms in the dopamine transporter gene and depression: Evidence for a gene–environment interaction in a sample of juvenile detainees |work=Psychological Science |accessdate=2008-11-11| format=PDF}}</ref> na nagpapahiwatig ng interaksiyon sa pagitan ng [[kalikasan kesa pagpapalaki]] o [[schema (sikolohiya)|skematiko]] na nagreresulta mula sa mga pananaw ng mundong natutunan sa pagkabata.<ref>{{vcite web |author=Slavich GM|year=2004 |url=http://www.psychologicalscience.org/observer/getArticle.cfm?id=1640 |title=Deconstructing depression: A diathesis-stress perspective (Opinion) |work=APS Observer |accessdate=2008-11-11}}</ref>
340

edit