Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Pamimili"

252 byte added ,  1 year ago
m
walang buod ng pagbabago
m
m
Tiyak na namamahagi ng produkto at/o serbisyo ang isang negosyo kapalit ng pera. Sa pamamahagi ng mga produkto at serbisyo, dapat bigyan nang pansin ng isang negosyante o manedyer ang apat na "P" sa pamimili. Nariyan ang:
 
:::1.# [[Produkto]] (''Product'')
:::2.# [[Presyo]] (''Price'')
:::3.# [[Pagmamahagi]] (''Distribution''/''Placement'')
:::4.# [[Pagpapalaganap]] (''Promotion'')
 
=== Merkado o market ===
=== Pangangailangan at hinihingi ===
Ang pangangailangan (''Needs'') ay mga produkto o/at serbisyong hinahangad ng mga tao sa isang market. Ang hinihingi (''Demands'') naman ay ang mga hinahangad na produkto o/at serbisyo na kayang gastusan ng mga tao sa isang market.
 
Ang hinihingi (''Demands'') ay ang mga hinahangad na produkto o/at serbisyo na kayang gastusan ng mga tao sa isang market.
 
Kung titingnan ang kahulugan ng Needs at Demands, halos hindi nagkakalayo ang dalawa. Tanging ang pariralang "kayang gastusan" ang siyang magpapaliwanag sa kaibahan ng dalawa. Ito ay dahil sa ang pangangailangan ng mga tao ay posibleng hindi kayang gastusan ng mga tao at ang mga hinihingi sa makalawa'y kinakailangan ng mga tao at nais nilang paggastusan ng kanilang mga salapi. Kinakailangan ng bawat pamilyang Pilipino ang isang "malinis na palikuran", ngunit masgugustuhin pa ng mga pamilya na makapagkarga sa kanilang mga teleponong selular. May mga rason kung bakit ganuon na lamang ang desisyon ng mga pamilya ukol sa paggastos. Maaaring hindi nila kakayanang gumasta ng malaking halaga para sa isang malinis na palikuran ngunit nagagawa nilang gumasta ng pamiso-miso para sa kanilang mga pang-araw-araw na mga "text message" (tingnan ang pahina ng [[Ugali ng mga Kumukunsumo]] o ''[[Consumer Behavior]]'' para sa mas malawak na pagpapaliwanag). Ang pag-intindi ng Needs at Demands ang makakapaglapit ng iyong mamimili sa iyong produkto o serbisyo.<ref>"''[https://www.techpally.com/starting-small-business-guide/ Starting Any Successful Small Business.]''" ''Techpally.'' Hinango noong 20 Nobyembre 2018.</ref>
 
=== Konsepto ng pagmamarket ===
Ito ang pangunahing pilosopiya sa negosyo na ginagamitan ng mga paniniwala at mga konsepto sa pamimili. Pinahahalagahan ng konseptong ito ang market o mga mamimili. Ang mga desisyon sa produkto o serbisyo ay napapalibot sa mga pangangailangan at hinihingi ng market. Binibigyan diin din ng konseptong ito ang apat na "P" ng Pagmamarket na tinatawag nating Produkto, Presyo, Pamamahagi at Pagpapalaganap (promotion or advertising).<ref>Anon. "''[https://adfluencer.de/en/why-companies-should-better-believe-in-influencer-marketing Influencer Advertising.]"'' Adfluence. Hinango noong 27 Setyembre 2018.</ref> Dahil dito sinasabi ng konseptong ito na kinakailangan na ang produkto o serbisyo ay tumutugon sa pangangailangan ng market, mabilis makita at mabili sa mga tindahan at abot-kaya ng market ang presyo. Ito ang konsepto na kung saan ang pagbuo sa produkto ay naaayon sa mga mamimili, kung kaya tanyag ito sa lahat ng uri ng produkto o serbisyo. Ngayon, laganap ang ''affiliate marketing'' o and estratehiyang ''online'' na nakakatulong sa pag-''advertise'' ng produkto.<ref>''"[https://www.advertisepurple.com/what-is-affiliate-marketing/ What is Affiliate Marketing?]" Advertise Purple.'' Hinango noon 23 Enero 2019.</ref> Kabilang din dito ang pagmamarket gamit ng mga ''social media'' tulad ng [[Facebook]], [[Instagram]] at [[YouTube|Youtube]]. <ref>''"[https://www.diemediax.com/social-media-management-2/ Social Media Management.]" Diemediax.'' Hinango noong 06 Mayo 2019.</ref>
 
=== Konsepto ng pagmamarket: panlipunan ===
Ang konseptong ito ay hango sa Konseptokonsepto ng ''pamimili''. Ngunit binibigyan ng diin ng konseptong ito ang kapakanan ng lipunan. Binibigyan ng pansin ang kapakanan ng lipunan bago mabuo at ibenta ang mga produkto at serbisyo. Pumapasok din sa konseptong ito ang tinatawag nating [[Pamamahala ng Kapaligiran]] (o ''[[Environmental Management]]'') sa larangan ng Pagnenegosyo. Isang halimbawa dito ang paglabas ng mga ''unleaded'' o walang [[tingga]]ng gasolina sa pamilihan. Hindi maganda ang naidudulot ng paglaganap ng mga sasakyang gumagamit ng diesel at gasolina sa lipunan dahil ang [[mono-oksidong karbon]] na ibinubuga ay unti-unting sumisira sa [[Saping Osona]] ng [[daigdig]] na siyang sumasangga sa atin laban sa mga [[sinag na ultra-biyoleta]] ng araw. Sa pagimbento at pagpapalaganap ng gasolina walang tingga, naipakita ng mga kompanya ng gasolina na sila ay tumutulong at nagiisip din para sa kapakanan ng lipunan. Kadalasan ito ang sinusundan ng mga kompanya na sa paggamit o pagbenta ng produkto'y may negatibong epekto sa lipunan. Ngunit madalas din itong ginagamit ng mga kompanyang nais mapalapit sa puso ng kanilang market. Tulad ng "Colgate", nagsagawa ito ng programang libreng pagpapatingin ng mga bata sa dentista at ang kanilang Sambayanang Pagsisipilyo o sabay-sabay na pagsisipilyo ng mga bata sa iba-ibang lugar sa Pilipinas.
 
== Mga punto ng estratehiya sa pamamahala na pangmerkado ==
Sa pagtatanong na pampamilihan, ginagamit din ang dalawang pangunahing pamamaraan ng pagkalap ng impormasyon. Ito ay ang mga pamamaraang ''kuwantitatibo'' at ''kuwalitatibo''.
 
Ang paraang kuwantitatibo ay ginagamit sa mga impormasyong nabibilang tulad ng edad, kasarian at ginagamit na tatak. Inaalam natin kung ilang porsyento ang lalaki at babae na bumubuo sa mga naservey,kung ilang porsyento ang matanda,binata o dalaga. Maaari rin malaman sa paraang ito kung ilan ang mga lalake na gumagamit ng Tatak A laban sa mga lalakeng gumagamit ng Tatak B. Limitado ang mga maaaring makuhang impormasyon sa Paraang Kuwantitatibo dahil hindi nito kayang alamin ang ugali, pagkilos at pag-iisip ng mga tinatanong. Dito pumapasok ang kahalagahan ng Paraang Kuwalitative. Ang paraang kuwalitatibo ay ginagamit upang malaman ang saloobin ng isang market. Sa tulong ng Paraang Kuwalitatibo, maaari nating malaman kung ano ang kadalasang dahilan ng market kung bakit Tatak A at hindi Tatak B ang kanilang binibili at ginagamit. Nalalaman din natin ang paraan ng mga mamimili sa paggastos ng kanilang mga salapi, ang kanilang pang-araw-araw na buhay at ang nakikitang nilang imahe sa mga kilalang Tatak ng mga produkto o serbisyo.
Ang Paraang Kuwalitatibo ay ginagamit upang malaman ang saloobin ng isang market. Sa tulong ng Paraang Kuwalitatibo, maaari nating malaman kung ano ang kadalasang dahilan ng market kung bakit Tatak A at hindi Tatak B ang kanilang binibili at ginagamit. Nalalaman din natin ang paraan ng mga mamimili sa paggastos ng kanilang mga salapi, ang kanilang pang-araw-araw na buhay at ang nakikitang nilang imahe sa mga kilalang Tatak ng mga produkto o serbisyo.
 
Ginagamit din sa pananaliksik na pampalihan ang mga interbyu upang mas makilala ng mga marketer ang kanilang mga mamimili. Dito isa-isang sinasagot ng iniinterbyu (mamimili) ang mga tanong ng interbyuwer o tagapanayam (marketer o nagtatanong). Kung kaya maspersonal ang dating ng mga impormasyon. Hindi ito madalas nagagamit ng mga marketers dahil may pagkamahal ang gastusin para maisagawa ang mga interbyus. Liban dito ay ang oras na dapat ibigay ng interbyu para sa mga kinakapanayam.
 
=== Segmentasyon ng merkado at puntiryang merkado ===
Ang [[segmentasyon ng merkado]] o paghahati sa market ay ginagawa ng mga marketer upang malaman nang husto ang tutugmang target market para sa kanilang produkto o serbisyo. Ginagamit din ang stratehiyang ito upang malaman ang mga market segment o parte ng market na hindi pa natutustusan ng angkop na produktong kanilang hinihingi. Halimbawa, ang "Young's Gel" na isang sikat na pamada ay isa sa nagpauso sa pagbebenta ng tingi sa nasabing produkto. Nang malaman nilang mabigat para sa mga kabataang lalaki ang bumili ng isang buong bote ng gel, nagawa nilang bigyan sila ng pagkakataon na makapag-ayos ng kanilang buhok na sumusunod sa uso at modernong fashion. Tulad din ng produktong ''feminine wash'' (Lactacid at PH Care), nalaman ng mga kompanya na ang imahe ng feminine wash sa mga kababaihang Pilipino ay gamot at hindi pang-araw-araw. Sinubukan ng mga naturang produkto na ipatalastas ang feminine wash bilang isang paraan ng paglilinis sa katawan ng isang babae na walang kaibahan sa paggamit ng ''shampoo'' sa buhok. Nagdulot ito ng malawakang paggamit ng mga kababaihan sa feminine wash bilang isang pangangailangan upang maging malinis sa katawan.
 
Maraming pamamaraan ang ginagamit upang mahati ang isang market sa iba't-ibang mga segment. Madalas gamitin ang Demograpiko, Heograpiko, Sikograpiko, at Sosyo-kultural na segmentasyon.
340

edit