Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Basketbol"

m
Pagdagdag ng referee at pangalang ng imbentor ng basketbol
Tatak: Pagbabagong ginawa sa pamamagitan ng mobile Pagbabagong ginawa sa pamamagitan ng mobile web
m (Pagdagdag ng referee at pangalang ng imbentor ng basketbol)
Ang '''basketbol''' ay isang larong [[pampalakasan]] na binubuo ng dalawang [[koponan]] ng limang manlalaro bawat isa. Layunin ng laro na maihulog ang bola sa net na may sukat na {{convert|18|in|cm}} diyametro at may taas na {{convert|10|ft|m}} na nakasabit sa [[Backboard (basketbol)|backboard]] sa bawat dulo. Isa ang basketbol sa pinakatanyag at pinapanood na laro sa daigdig.<ref>{{cite news|url=http://www.bbc.co.uk/news/world-us-canada-11348053|title=The Canadian who invented basketball|accessdate=September 14, 2011|date=September 20, 2010|work=BBC News | first=Sian | last=Griffiths}}</ref>
 
Ang isang koponan ay makakapuntos ng isang [[Field goal (basketbol)|field goal]] sa paghulog ng bola sa basket habang naglalaro. Ang ''field goal'' ay may dalawang puntos para sa koponang nakahulog ng bola kung ang manlalaro ay nasa o malapit sa basket kaysa sa linya ng tatlong puntos, at ang tatlong puntos (higit na kilala bilang ''3 pointer'') kung ang manlalaro ay makapuntos sa labas ng linyang ito. Ang koponang may pinakamaraming puntos sa pagtatapos ng laro ay mananalo, subalit maaaring magdagdag ng oras (overtime) kung naging tabla ang puntos. Maaaring isulong ang bola sa loob ng kort sa pamamagitan ng pagtalbog nito habang naglalakad, tumatakbo o sa pagpasa sa kakoponan. Mayroong isa o higit pang mga referee sa bawat laro ng basketbol. Sa mas malalaking laro gaya ng sa ''[[National Basketball Association|National Basketball Association (NBA)]],'' kailangang walong buwang nagtrabaho ng ''full-time'' sa isang ''season'' ang isang propesyunal na referee bago ito matanggap bilang opisyal na referee ng NBA.<ref>''"[https://lowkeynba.com/much-nba-refs-make/ NBA Referees.]"'' Low Key NBA. Hinango noong 06 Mayo 2019.</ref>
 
Simula ng naimbento ni Dr. James Naismith ang laro sa [[Springfield, Massachusetts]] sa Estados Unidos noong 1891<ref>''"[http://www.thebasketballworld.com/history.htm Basketball History.]" The Basketball World.'' Hinango noong 06 Mayo 2019.</ref>, sumulong ito bilang isang tunay na pandaigdigang palakasan. Nagsimula ang mga organisadong paliga sa [[YMCA]]; nabuo ang mga naunang liga sa mga kolehiyo. Sa kalaunan, naging [[palakasang propesyunal]] ang basketbol. Kahit na isang pampalakasang Amerikano sa una, mabilis na kumalat sa mundo at makikita ang mga kilalang manlalaro at koponan sa ngayon sa buong mundo.
 
==Talasanggunian==
340

edit