Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Pamimili"

m
walang buod ng pagbabago
m
m
 
Ang '''Merkado o Market''' ay isang grupo ng mga mamimili na hindi nagkakaiba ang mga ninanais at
pangangailangan na napapaloob sa isang natatanging lugar. Ang mga "Babae sa Pilipinas" ay isang market na naiiba sa mga "Babae sa Tsina".
ay isang market na naiiba sa mga "Babae sa Tsina".
 
Naiiba ang merkado na "mga babae sa Pilipinas" at "mga babae sa Tsina" dahil may malaking pagkakaiba sa pangangailangan nila. Ang market ng sabon na "[[Safeguard (tatak)|Safeguard]]" ay naiiba sa merkado ng "Likas Papaya" dahil ang "Safeguard" ay tumutugon sa kabuuang pangangailangan ng pamilya laban sa mikrobyo na dulot ng hindi paggamit ng sabon sa pagligo man o paghugas ng kamay. Ang "Likas Papaya" naman ay tumutugon sa pangangailangan ng mga babaeng ninanais na pumuti ang kanilang kutis. Makikita nating pareho silang sabon na may kakayahang maglinis ng katawan, ngunit may kanya-kanya silang merkado o market na binibigyan ng pansin.
== Mga punto ng estratehiya sa pamamahala na pangmerkado ==
=== Pananaliksik na pangmerkado ===
Ang layunin ng [[Pananaliksik na Pangmerkado]] o "Pagsasaliksik sa Market" ay alamin ang mga pangangailangan, kaugalian, paraan ng pamimili at paniniwala ng isang market. Ginagamit din ito sa pagtuklas ng mga bagong market sa isang lugar. Kadalasang ginagamit ang pagtatanong, pakikipanayam, at diskusyong panggrupo sa Pananaliksik na Pampamilihan. Maari ring gawing basehan and mga rebyu ng mga mamimili upang mapataas ang posibilidad ng kita.<ref>''Gough, Mollie. "B[https://removify.com.au/blog/responding-to-bad-reviews-the-business-owners-ultimate-guide/ ad Reviews: The Business Owners’ Ultimate Guide."] Removify.'' Hinango noong 01 Hunyo 2019.</ref>
 
Sa pagtatanong na pampamilihan, ginagamit din ang dalawang pangunahing pamamaraan ng pagkalap ng impormasyon. Ito ay ang mga pamamaraang ''kuwantitatibo'' at ''kuwalitatibo''.
Ginagamit din sa pananaliksik na pampalihan ang mga interbyu upang mas makilala ng mga marketer ang kanilang mga mamimili. Dito isa-isang sinasagot ng iniinterbyu (mamimili) ang mga tanong ng interbyuwer o tagapanayam (marketer o nagtatanong). Kung kaya maspersonal ang dating ng mga impormasyon. Hindi ito madalas nagagamit ng mga marketers dahil may pagkamahal ang gastusin para maisagawa ang mga interbyus. Liban dito ay ang oras na dapat ibigay ng interbyu para sa mga kinakapanayam.
 
Ang diskusyong panggrupo ay tulad nang sa Interbyu ngunit imbes na isa, mga lima pataas ang kasapi sa mga interbyuwees. Ang paraang ito ay magbibigay sa marketer ng mga sagot na karaniwan sa buong grupo kung kaya't masmainam ang paggamit ng Diskusyon Panggrupo kaysa sa pag-iinterbyu.
 
Ang mga nakalap na impormasyon sa mga surveys at interviews ay maaaring gawan ng mga ''trends'' o gabay ukol sa market. Ginagamitan ito ng pamamaraan sa [[estadistika]] o mga ''Statistical Tools'' upang magamit ng isang ''marketer''. Sa simpleng statistika, ginagamit ang mapaglarawang estadistika. Sa mas pinalawak na pananaliksik at estadistika ginagamit ang imperensiyang estadistiko.
 
Kapag natapos na ang pagkalap at pag-unawa sa mga impormasyong ukol sa market, maaari nang malaman ng marketer ang mga posibleng market na papasukin at ang mga kaugalian, kinakailangan at hinihingi ng naturang market.
Ang [[segmentasyon ng merkado]] o paghahati sa market ay ginagawa ng mga marketer upang malaman nang husto ang tutugmang target market para sa kanilang produkto o serbisyo. Ginagamit din ang stratehiyang ito upang malaman ang mga market segment o parte ng market na hindi pa natutustusan ng angkop na produktong kanilang hinihingi. Halimbawa, ang "Young's Gel" na isang sikat na pamada ay isa sa nagpauso sa pagbebenta ng tingi sa nasabing produkto. Nang malaman nilang mabigat para sa mga kabataang lalaki ang bumili ng isang buong bote ng gel, nagawa nilang bigyan sila ng pagkakataon na makapag-ayos ng kanilang buhok na sumusunod sa uso at modernong fashion. Tulad din ng produktong ''feminine wash'' (Lactacid at PH Care), nalaman ng mga kompanya na ang imahe ng feminine wash sa mga kababaihang Pilipino ay gamot at hindi pang-araw-araw. Sinubukan ng mga naturang produkto na ipatalastas ang feminine wash bilang isang paraan ng paglilinis sa katawan ng isang babae na walang kaibahan sa paggamit ng ''shampoo'' sa buhok. Nagdulot ito ng malawakang paggamit ng mga kababaihan sa feminine wash bilang isang pangangailangan upang maging malinis sa katawan.
 
Maraming pamamaraan ang ginagamit upang mahati ang isang market sa iba't-ibang mga ''segment''. Madalas gamitin ang Demograpiko, Heograpiko, Sikograpiko, at Sosyo-kultural na segmentasyon.
:<b>Demograhiya</i>
:Tinutukoy ang isang puntiryang merkado ayon sa kanilang kasarian, edad, halaga ng suweldo, edukasyon at trabaho.
340

edit