Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Araw ng Kalayaan"

m
Kinansela ang pagbabagong 1703702 ni 112.207.208.7 (Usapan): rv-v
m (Kinansela ang pagbabagong 1703702 ni 112.207.208.7 (Usapan): rv-v)
Tatak: Undo
[[File:Php bill 5 back.jpg|thumb|Ang Pagpapahayag ng Kasarinlan ng Pilipinas noong 12 Hunyo 1898, na isinasalarawan sa likod ng limang pisong papel.]]
 
Ang araw ng mga pusopaggunita ng kasarinlan ay nag-iba-iba sa buong kasaysayan ng bansa. Ang pinakaunang tala ay noong 12 Abril 1895, kung kailan tumungo sina Emilio Jacinto, Restituto Javier, Guillermo Masangkay, Aurelio Tolentino, Faustino Manalak, Pedro Zabala at iba pang mga Katipunero sa Kuweba ng Pamitinan sa [[Montalban, Rizal]] upang tanggapin ang mga bagong kasapi ng [[Katipunan]]. Sinulat ni Bonifacio ang ''Viva la independencia Filipina!'' o ''Mabuhay ang kasarinlan ng Pilipinas'' sa pader ng kuweba upang ipahayag ang layunin ng lihim na samahan. Namuno din si Bonifacio sa [[Sigaw sa Pugad Lawin]] na siyang naghudyat sa [[Rebolusyong Pilipino]]. Dito pinunit ng mga kasapi ng Katipunan sa pamumuno ni Bonifacio ang kanilang mga sedula bilang pagtutol sa pananakop ng mga Kastila.
 
Noong 1896 ay sumiklab ang Rebolusyong Pilipino at noong Disyembre 1897 ay nagkasundo ang mga mananakop na Kastila at mga rebolusyonaryo sa ilalim ng [[Kasunduan sa Biak-na-Bato]]. Bilang pagsunod sa kasunduan, pinatapon sa [[Hong Kong]] sina [[Emilio Aguinaldo]] at iba pang mga pinuno ng himagsikan.<ref>{{cite book |last=Halstead |first=Murat |url=http://books.google.com/?id=lIQcwt7g2wkC|title=The Story of the Philippines and Our New Possessions, Including the Ladrones, Hawaii, Cuba and Porto Rico|page=[http://www.gutenberg.org/catalog/world/readfile?fk_files=58428&pageno=126 126] |year=1898}}</ref>