Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Pangngalan"

Added "Gamit ng Pangngalan" and some more things
m (Kinansela ang pagbabagong 1647045 ni 112.202.171.149 (Usapan): rv-v)
Tatak: Undo
(Added "Gamit ng Pangngalan" and some more things)
 
Maaaring mahimay ang pangngalan nang ayon sa kaurian, katuturan, kasarian, kailanan, kaanyuan, kalikasan, at katungkulan.<ref>[http://matangdilis.moodle4free.com/file.php/4/balarila/kab11.htm Kahulugan ng pangngalan sa Balarila ng Wikang Pambansa, noong 1944 ng Surian ng Wikang Pambansa]</ref>
 
=== Ayon sa Uri ===
Tungkol ito kung ang mga pangngalan ay pantangi o pambalana.<ref>[https://philnews.ph/2019/02/18/uri-ng-pangngalan-pangngalang-pantangi-pangngalang-pambalana/ URI NG PANGNGALAN: Pangngalang Pantangi, Pangngalang Pambalana] ''philnews.ph'' Retrieved 20 June 2019</ref>
 
* '''Pantangi''' - tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, pook, pangyayari, at iba pa. Karaniwang nagsisimula sa malaking titik. Halimbawa: Pilipinas, BigHit, Panagbenga
* '''Pambalana''' - tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, pook, hayop, bagay, pangyayari, at iba pa. Karaniwang nagsisimula sa maliit na titik. Halimbawa: bansa, korporasyon, pista
 
=== Konkreto at Di-konkreto ===
Ang mga pangngalan ay maaari ring pangkatin sa kongkreto at di-kongkreto.
 
* '''Kongkreto''' - pangngalang nahahawakan, nakikita, nalalasahan at iba pang nagagamitan ng pandama. Halimbawa: gatas, kapatid, kotse
* '''Di-konkreto''' - pangngalang tumutukoy sa kalagayan o kundisyon. Halimbawa: pagmamahal, gutom, kapayapaan
 
=== Ayon sa Gamit===
 
Naayon sa sakop o uri ng katuturan ang mga pangalanpangngalan. Maaari itong tahas, basal, hango, lansak o patalinghaga.
* '''Tahas''' - pangngalang nararanasan ng isa sa mga limang pandamdam (paningin, pandinig, panlasa, pakiramdam at pang-amoy) at may [[katangiang pisikal]]. Halimbawa: [[tubig]], [[bundok]], [[pagkain]]
* '''Basal''' - pangngalang tumutukoy sa mga kaisipan o konsepto na hindi nararanasan ng limang pandamdam at walang pisikal na katangian. Nasa anyong payak ang lahat ng pangngalan basal. Halimbawa: [[wika]], yaman, [[buhay]]
* '''Lansak (o lansakan)''' - pangngalang tumutukoy sa isang kalipunan o karamihan. Maaaring maylapi ito o wala. Halimbawa: madla, [[sangkatauhan]], [[kapuluan]]
* '''Hango''' - pangngalang nakabatay sa isang salitang basal. Halimbawa: [[pag-iisip|kaisipan]], [[salawikain]], katapangan
* '''Patalinghaga''' - pangngalang hindi tuwirang patungkol sa bagay na pinangangalanan sa halip inihahambing lamang sa bagay na kamukha o katulad lamang. Halimbawa: buwaya (imbis na kurakot), langit (imbis na ligaya), kababuyan (imbis na kasalaulaan) tanga(imbis na mangmang)
* '''Denominasyon''' - pangngalang hango at lansak. Halimbawa: blocke, pulutong
 
=== Ayon sa kasarian ===
 
Mayroon din namang mga salitang hindi na kailangang lagyan ng mga salitang "lalaki" o "babae" kung likas na matutukoy ang kasarian ng isang pangngalan. Kadalasang matutukoy din ang kasarian sa pangngalan o palayaw. Halimbawa, kadalasang lalaki ang mga pangngalang tunog "o" at babae naman kapag tunog "a". Tingnan ang sumusunod na mga halimbawa:
* '''Panlalaki''' - pari, hari, tatay, kuya, manong, tandang (lalaking manok), kalaykan (lalaking kalabaw), atbp.
* '''Pambabae''' - madre, reyna, nanay, ate, libay (usang babae), dumalaga (hindi pa nanganganak na babaing hayop), sirena, atbp.
* '''Di -tiyak''' - tumutukoy sa ngalang maaring babae o lalaki - magulang,pinsan, bata, kaibigan, atbp.
* '''Walang Kasariankasarian''' - ngalang tumutukoy sa bagay na walang buhay - bagay, laruan, mesa, sasakyan,manika, atbp.
 
=== Ayon sa kailanan ===
 
Tungkol naman sa bilang kung isahan, maramihan, o lansakan ang kailanan ng pangngalan.
* '''Isahan''' - pangngalang gumagamit ng pantukoy na ''si'', ''ni'', o ''kay'' kapag mga tao ang tinutukoy, at ''ang'', ''ng'' (nang), o ''sa'' kapag mga pangngalang pambalana. Ginagamit din ang pamilang ''isang'' o ''sang'', ''sam'', at ''son'' na mga hangong salita nito. Halimbawa: Ang ''[[burol]]'' ay ''isang [[anyong lupa]].''
* '''Dalawahan''' - pangngalang gumagamit ng pantukoy na ''sina'', ''nina'', ''kina'', at ang ''mga'' (manga, ng mga, sa mga) at gumagamit din ng mga pamilang nagmula sa dalawa. Halimbawa: ''Sina Roberto at Rowena'' ang bumato sa ''mga ibong'' lumilipad.
* '''Maramihan''' - pangngalan na pinagsama-sama ang mga bagay na magkakatulad. Kadalasang may magkabilang panlapi itong "ka" at "an" o "han". Halimbawa: [[Bahay|kabahayan]], kabukiran, [[Kabisayaan]]
 
{| class="wikitable"
 
Maaaring iuri ang pangngalan sa kalikasan o pinagmulan nito.
* '''Likas''' - pangngalang natural na sa isang bagay at kadalasang hango sa kalikasan. Halimbawa: [[apoy]], [[lindol]], ligaya
* '''Likha''' - pangangalang hinango ng mga dalubhasa dahil sa pangangailangan. Maaaring bagong likha at lumang salita na may bagong kahulugan ang pangngalan na ito. Halimbawa: [[agham]], [[talatinigan]], [[sining]]
* '''Ligaw''' - pangngalang hiniram o hinango mula sa mga salitang banyaga. Halimbawa: [[demokrasya]], [[relihiyon]], butones
 
=== Ayon sa lapi ===
 
Tungkol paglalapi ang kaanyuan ng pangngalan.
* '''Payak''' - pangngalang hindi inuulit, walang panlapi, o katambal. Halimbawa: talumpati, watawat, ligalig
* '''Maylapi''' - pangngalang binubuo ng salitang-ugat na may panlapi sa unahan, gitna, hulihan o magkabila. Halimbawa: [[sinigang|s''in''igang]], ''in''ihaw, tinda''han'', [[palakasan|''pa''lakas''an'']]
* '''Inuulit''' - pangngalang inuulit na maaaring may panlapi o salitang-ugat lamang. Halimbawa: tau-tauhan, bagay-bagay, bali-balita
* '''Tambalan''' - pangngalang binubuo ng dalawang salitang magkaiba na pinagsasama upang maging isa at may gitling sa pagitan nito. Halimbawa: kisap-mata, bahay-kubo, bantay-salakay, bukas-palad
 
=== Ayon sa katungkulan ===
Sa karaniwang katungkulan sa pangungusap, nagiging simuno o layunin ang isang pangngalan. Subalit maaaring gumanap din ang pangngalan bilang pagka-pandiwa, pagka-pandiwari, pagka-pang-uri, pagka-pang-abay at iba pa sa tulong ng ilang panlapi o pananalita.
 
*Nasa sumusunod ang ilang mga halimbawa:Pangngalang malapang-uri - nagbibigay ng tiyak na kaurian kapag pinagsama sa kapuwa pangngalan. Halimbawa: [[Andres Bonifacio]], Kay [[Huseng Batute]], dalagang anak, baboy-ramo
Nasa sumusunod ang ilang mga halimbawa:
 
* Pangngalang malapang-uri - nagbibigay ng tiyak na kaurian kapag pinagsama sa kapuwa pangngalan. Halimbawa: [[Andres Bonifacio]], Kay [[Huseng Batute]], dalagang anak, baboy-ramo
* Pangngalang malapandiwa'''Malapandiwa''' - gumaganap bilang isang pandiwa na nagsisimula sa "pa", "pag", "pang", "paki" o mga iba't ibang anyo nito at may kasamang "an" o "han". Halimbawa: Ang ''pahayag'' (ipinahayag) ng [[Senado ng Pilipinas|Senador]] ay mahalaga sa bayan.
* Pangngalang malapandiwari'''Malapandiwari''' - kung ang pagganap ay alangang pandiwa at alangang pang-uri. Matitiyak kung malapandiwari ang pangngalan sa pagtatanong ng "ano ang...?" Halimbawa: Ano ang ''dala'' (dinala) mo? Ang dala ko ay...
* Pangngalang malapang'''Malapang-abay''' - kadalasang nauukol sa panahon na bahagi ng isang araw o gabi. Halimbawa: Nilalagnat sa ''[[hapon (panahon)|hapon]]'' ang may tuberkulosis.
 
== Gamit ng Pangngalan ==
Ang pangngalan ay may iba't ibang gamit.
 
=== Simuno o paksa ===
Ang pangngalang pinag-uusapan sa pangungusap. Ito ay nakikita sa unang bahagi ng pangungusap kung may ''ay'' at sa gitna o hulihan kung walang ''ay'' o nauuna ang panaguri.
 
Halimbawa: "Ang <u>''buhok''</u> niya ay tuwid na tuwid"
 
=== Panaguri ===
Ang pangngalang tumutukoy sa simuno; dapat walang kilos o pandiwa sa pangungusap para ang simuno at panaguri ay tumutukoy sa iisang pangngalan lamang.
 
Halimbawa: "Si Raul ay isang ''<u>pintor</u>''."
 
=== Layon ===
Ang pangngalang tumatanggap ng kilos o pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na "''ano?''" at laging may ''ng'' sa unahan.
 
Halimbawa: "Nagluto ng <u>''sinigang''</u> si Ate Lina." ''(Ano ang niluto ni Ate Lina?)''
 
=== Pinaglalaanan ===
Ang pangngalang pinaglalaanan ng isang bagay o gawain. Ginagamitan ng ''kay'', ''kina'', ''para sa'' at ''sa'' sa unahan nito.
 
Halimbawa: "Ang papel ay ipinasa <u>''kay Minna''</u>."
 
== Mga sanggunian ==
 
=== Mga Sipi ===
{{reflist}}
 
=== Mga Pinagkukunan ===
 
* ''Bagong Likha: Wika at Pagbasa 4'', by Ester V. Raflores ISBN 978-971-655-331-4, pp. 121, 136-137
 
[[Kategorya:Balarila]]
57

edit