Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Mga wika sa Pilipinas"

m
Reverted 1 edit by 122.54.205.118 (talk) to last revision by 120.29.94.200. (TW)
(asdawea)
m (Reverted 1 edit by 122.54.205.118 (talk) to last revision by 120.29.94.200. (TW))
Tatak: Undo
[[Talaksan:Phillanguages.jpg|thumb|250px|Mapa ng mga pinakasinasalitang wika sa bawat rehiyon sa Pilipinas.]]
Isa ang [[Pilipinas]] sa mga bansang may pinakamaraming [[wika]] sa buong daigdig. Maliban sa pambansang wikang [[Wikang Filipino|Filipino]], kasama nang mahigit sa sandaang katutubong wika. Sinasalita rin ang mga wikang banyaga tulad ng [[Wikang Ingles|Ingles]], [[Wikang Mandarin|Mandarin]], [[Fookien]], [[Cantonese]], [[Wikang Kastila sa Pilipinas|Kastila]], at [[Wikang Arabe|Arabe]].
== Secret ==
 
Ang mga [[katutubong wika]] sa [[Pilipinas]] ay napapaloob sa [[pamilya ng mga wika]] na kung tawagin ay [[mga wikang Austronesyo]]. Ang mga ito ay ang pangkat ng mga wika na ginagamit ng mga tao mula sa [[Tangway ng Malayo|Tangway ng Malay]] hanggang sa mga watak-watak na pulo ng teritoryong [[Polynesia]] sa karagatang Pasipiko. Tinatayang ito ang may pinakamalaking [[pamilya ng mga wika]] sa buong daigdig. Ngunit mas maraming wika ang kasapi ng pamilyang ito, maliliit lamang ang bilang na pangkalahatan ng mga taong gumagamit nito.
 
Sa mga [[katutubong wika]] sa kapuluang [[Pilipinas]], ang mga sumusunod ay tanyag at malimit gamitin sa bawat rehiyon ng bansa;
 
*[[Wikang Filipino|Filipino]]: Ang pangunahing wika sa bansa. Ito ay nakasalig sa pangunguna ng [[Tagalog]] kasunod ng iba pang umiiral na mga pagbigkas sa Pilipinas.
*[[Wikang Tagalog|Tagalog]]: Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Katimugang bahagi ng [[Luzon]]. Sinasalita ng 24% ng kabuuang bilang ng mga Pilipino sa buong kapuluan. Taal na gamit sa mga lalawigan ng [[Cavite]], [[Laguna]], [[Bataan]], [[Batangas]], [[Rizal]], [[Quezon]] (kilala rin sa tawag na [[CALABARZON]]). Ginagamit rin ito sa mga lalawigan ng [[Mindoro]], [[Marinduque]], [[Romblon]], at [[Palawan]] (kilala rin sa tawag na [[MIMAROPA]]). Ito rin ang pangunahing wika ng [[Pambansang Punong Rehiyon]] na siyang kabisera ng bansa.
*[[Wikang Iloko|Ilocano]]: Kilala rin sa tawag na '''Iloko'''. Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Hilagang Luzon. Gamit sa Rehiyon 1 at 2.
*[[Wikang Panggasinan|Panggasinan]]: Gamit sa lalawigan ng [[Pangasinan]] at ilang bahagi ng Hilagang Luzon at Gitnang Luzon.
*[[Wikang Kapampangan|Kapampangan]]: Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Gitnang Luzon.
*[[Bikolano]]: Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Timog-Silangang Luzon.
*[[Wikang Sebwano|Sebwano]]: Tinatawag ding '''Bisaya'''. Pangunahing wika ng Lalawigan ng [[Cebu]], [[Silangang Negros]], [[Bohol]] at malaking bahagi ng [[Mindanao]]. Tinatayang sinasalita ng 27% ng kabuuang populasyon ng bansa.
*[[Hiligaynon]]: Tinatawag ding Ilonggo. Gamit sa mga lalawigan sa pulo ng Panay at [[Kanlurang Negros]].
*[[Waray-Waray]]: Gamit sa [[Silangang Visayas]] tulad ng mga lalawigan sa mga pulo ng Samar at Leyte.
 
== Pambansang Wika ng Pilipinas ==
 
Ayon sa Konstitusyon ng Pilipinas:
 
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
 
Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang medium ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
 
Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga't walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.
 
Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon.
 
Dapat itaguyod ng kusa at opsiyonal ang Kastila at Arabic.
 
Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles, at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila.
 
Dapat magtatag ng Kongreso ng isang komisyon ng wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba't ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, maguugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap, at pagpapanatili.
 
== Tala ng mga Wika ==
Mayroong 175 wika sa [[Pilipinas]], 171 dito ay nanatiling gamit pa at 4 ay tuluyang lumipas na.
 
76

edits