Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Timog Emisperyo"

Navbox
(Navbox)
Ang '''Timog Emisperyo''' ('''Timog Hating-Daigdig'''; Ingles: ''Southern Hemisphere'') ay ang bahagi ng [[Daigdig]] (Mundo) na nasa timog ng [[ekwador]]. Ang salitang "[[emisperyo]]" (mula sa [[wikang Griyego|Griyego]]ng σφαιρα [espero o bilog]+ ημι [kalahati]) ay literal na may kahulugang 'kalahati ng bola' o 'kalahati ng bilog'. Ito rin ang kalahati ng [[esperong selestiyal]] na nasa timog ng ekwator na selestiyal. Ang '''Timog Emisperyo''' ang naglalaman ng lahat o mga kabahagi ng apat na mga [[kontinente]] ([[Antarktika]], [[Australia (kontinente)|Australia]], karamihan sa mga bahagi ng [[Timog Amerika]] at katimugang hati ng [[Aprika]]), apat na mga [[karagatan]] ([[Karagatang Atlantiko|Timog Atlantiko]], [[Karagatang Indiyano|Indiyano]], [[Karagatang Pasipiko|Timog Pasipiko]], at [[Katimugang Karagatan|Pangtimog na Karagatan]]) at ang karamihang bahagi ng [[Oceania]]. Ilang mga pulo na mula sa pangkontinenteng punong lupain ng [[Asya]] ay nakapaloob din sa Timog Emisperyo. Dahil sa pagkiling ng rotasyon o pag-inog ng Daigdig na kaugnay sa [[Araw]] at sa [[ecliptic plane|tapyas na ekliptiko]], ang [[tag-araw]] ay magmula sa Disyembre hanggang sa Marso at ang [[taglamig]] ay magmula Hunyo hanggang Setyembre. Ang Setyembre 22 o 23 ay ang [[ekwinoks]] (panahon kapag ang araw at gabi ay magsinghaba) na [[pangtagsibol]] (bernal) at ang Marso 20 o 21 ay ang ekwinoks na [[pangtaglagas]].
 
{{Mga emisperyo ng Daigdig}}
==Tingnan din==
*[[Hilagang Emisperyo]]
 
{{usbong|Heograpiya}}
15,698

edit