Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Likas na pagpili"

m
Ibinalik ang mga pagbabago ni 203.160.161.46 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni WayKurat
m (Ibinalik ang mga pagbabago ni 203.160.161.46 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni WayKurat)
Tatak: Rollback
Ang '''Natural na seleksiyon''' o '''Pagpili ng kalikasan''' (Ingles: ''natural selection'') ay isang prosesong hindi dala ng pagsuling o hindi dahil sa pagkakataon lamang (tinatawag na ''nonrandom'') kung saan ang mga [[trait|likas na gawi]] o katangiang pambiyolohiya ay nagiging humigit-kumulang karaniwan sa isang [[populasyon]] bilang isang tungkulin ng reproduksiyong diperensiyal o pangpagkakaiba-iba ng kanilang mga tagapagdala. Isa itong susing mekanismo ng [[ebolusyon]].
 
Umiiral ang pagkakaiba-iba sa loob ng lahat ng mga populasyon ng mga [[organismo]]. Bahagiang nagaganap ito dahil sa ang [[random|masuling]] na mga [[mutasyon]] ay nagsasanhi ng mga pagbabago sa ''[[genome]]'' o henoma ng isang indibidwal na organismo, at ang mga mutasyong ito ay maaaring maipasa sa supling. Sa kahabaan ng mga buhay ng mga indibidwal, ang kanilang mga henoma ay nakikipag-ugnayan sa kanilang mga kapaligiran upang makapagdulot ng mga baryasyon o mga kaibahan sa mga katangiang pambiyolohiya. Kabilang sa kapaligiran ng henoma ang biyolohiyang pangmolekula sa [[sihay]], iba pang mga sihay, iba pang mga indibidwal, mga populasyon, mga [[uri]] o espesye, pati na sa kapaligirang [[abiyotiko]]. Ang mga indibidwal na mayroong partikular na mga baryante o kaibahan sa mga likas na gawi o katangian ay maaaring makaligtas o matirang nabubuhay at makapagpaparami ng mas maraming mga indibidwal na may iba pang mga kaibahan. Kung kaya't umuunlad o nagkakaroon ng [[ebolusyon]] sa populasyon. Ang mga bagay na nakakaapekto sa katagumpayang pangreproduksiyon ay mahalaga rin, isang paksang pinaunlad ni [[Charles Darwin]], halimbawa na ang kaniyang mga ideya ukol sa [[seksuwal na pagpili]]. Tite kayo
 
Ang likas na pagpili ay gumagalaw ng [[penotipo]], o napagmamasdang mga katangian ng isang organismo, subalit ang batayang [[henetiko]] (namamana) ng anumang penotipo na nagbibigay ng isang kainamang reproduktibo ay magiging mas karaniwan sa isang populasyon (tingnan ang [[prekuwensiyang allele]]). Sa paglipas ng panahon, ang prosesong ito ay maaaring magresulta sa mga populasyon na nagtatangi o may espesyalisasyon para sa mga partikular na [[ecological niche|ukang pang-ekolohiya]] at maaaring lumaong kalabasan ng [[espesyasyon|paglitaw ng bagong mga uri]]. Sa ibang mga pananalita, ang seleksiyong natural ay isang mahalagang proseso (bagaman hindi ito lamang ang proseso para rito) na nakapagpapakaroon ng ebolusyon sa loob ng isang populasyon ng mga organismo. Bilang kabaligtaran ng [[artipisyal na seleksiyon]], kung saan ang mga tao ay mas bumabaling sa tiyak na mga katangian, sa likas na pagpili ang kapaligiran ay gumaganap na isang [[salaan]] kung saan ang partikular na mga kaibahan o baryasyon lamang ang nakalulusot o nakalalagos.