95,852
edit
Atn20112222 (usapan | ambag) |
m (→Pangitain ni Pablo ni Hesus: clean up citations using AWB) |
||
Ang pangitaing ito ay kinopya sa [[Ang Bacchae]] na tinatayang 500 taong mas nauna sa ''Mga Gawa''. Sa Bacchae, si [[Dionysus]] na isang inusig na diyos ay nagsabi sa kanyang taga-usig na si Pentheus: "''Iyong binalewala ang aking mga salita ng pagbababala...at sumikad sa mga pantaboy na patpat''. Sa ''Mga Gawa'', pinanatili ang plural na anyo ng Griyegong kentra sa Bacchae samantalang pinanatili ang metro ng Bacchae na wala sa lugar sa ''Mga Gawa''. Ang isa pang problema ay pagkatapos ng pagbato kay Esteban, sinalaysay ng may akda ng Mga Gawa na natanggap ni Pablo mula sa [[Dakilang Saserdote]] ang mga liham ng mga sinagoga sa Damasco na nagbibigay kapangyarihan sa kanyang dakpin ang sinumang matagpuan na kabilang sa Daan at dadalhin sila sa Herusalem. Ayon kay Helms, ang Dakilang Saserdote sa Herusalem ay walang kapangyarihan na magpadakip ng mga Hudyo sa mga estadong dayuhan at ibalik ang mga ito sa Palestina. Ayon kay Wells, "naging palaisipan sa sa mga komentador sa suhestiyong ito na ang dakilang saserdote ay may kapangyarihang magpadakip sa isang siyudad na Romano mga 200 milya ang layo kung ang hurisdiksiyon ng kahit [[sanhedrin]] ay hindi lumagpas sa Judea". Ang ikalawang paghahayag ng pagkaakay ni Pablo ay sa isang talumpati na kanyang binigay nang siya ay dakpin sa Herusalem. Ang deskripsiyon ng kanyang pagkaakay ay may mga pagkakaiba sa Mga Gawa 9. Halimbawa, ayon sa {{bibleverse|Mga|Gawa|9:7}}, hindi nakita ng mga kasama ni Pablo kung sino ang kanyang kinakausap ngunit narinig ang tinig. Sa {{bibleverse|Mga|Gawa|22:9}}, nakita ng mga kasama ni Pablo ang liwanag ngunit hindi narinig ang tinig. Ang ikatlong pagtalakay ng pagkaakay ni Pablo ay nangyari sa harap ni haring Agrippa sa pagtatanggol sa kanyang sarili laban sa mga akusasyon ng [[antinomianismo]]. Ito ay mas maikli sa Gawa 9 at 22 at hindi naglalaman ng salaysay tungkol kay Ananias. Sa {{bibleverse|Mga|Gawa|26:17}}, sa daan tungo sa Damasco nang sabihin mismo ni Hesus ang papel ng pangangaral na gagawin ni Pablo sa mga [[hentil]]. Ayon naman sa Gawa 22, si Ananias sa Damasco at hindi si Hesus ang nagsabi ng lahat ng mga bagay na iuutos ni Hesus na gagawin ni Pablo. Ayon sa Gawa 22:17-21, si Pablo ay tumungo sa Damasco at pagkatapos ay bumalik sa Herusalem kung saan ay sinabi sa kanya ni Hesus ang kanyang pangangaral sa mga [[hentil]].
May ilang iminungkahing mga paliwanag sa "pangitain" ni Pablo ni Hesus. Ayon kay D. Landborough sa kanyang papel na inilimbag sa ''[[Journal of Neurology, Neurosurgery, and Psychiatry]]'',<ref name="Landsborough">D. Landsborough, "St. Paul and Temporal Lobe Epilepsy," ''J Neurol Neurosurg Psychiatry'' 1987; 50; 659–64: [http://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC1032067/pdf/jnnpsyc00553-0001.pdf]</ref> ang karanasan ni Pablo na may maningning na liwanag, kawalan ng postura (si Pablo ay nasubasob), isang mensahe ng malakas na nilalamang panrelihiyon, at kalaunang pagkabulag ay nagmumungkahi ng isang pag-atke ng [[epilepsiya]] ng [[temporal lobe]] ng utak...Ang pagkabulag na sumunod ay maaaring isang [[Postictal state|post-ictal]]."<ref name="Landsborough"/> Maraming mga halimbawa sa kasaysayan ng mga indibidwal na nagkaroon ng masidhing mga mistikal na karanasan na kinikilala ngayon bilang mga sintomas ng sakit sa pag-iisip.<ref>http://news.bbc.co.uk/2/hi/science/nature/2865009.stm</ref> Ang isang karaniwang ulat mula sa mga indibidwal na may [[schizophrenia]] ay pagkakaroon ng isang uri ng delusyong relihiyoso na kinabibilangan ng paniniwalang sila ay mga [[diyos]] o [[mesiyas]], ang diyos ay nakikipag-usap sa kanila, sila ay nasasapian ng demonyo at iba pa.<ref>{{cite journal|last=Siddle|first=Ronald|
===Pangangaral===
|