Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "The Greatest Showman"

m
Kinansela ang pagbabagong 1714727 ni 122.2.115.54 (Usapan): rv-v
m (Kinansela ang pagbabagong 1714727 ni 122.2.115.54 (Usapan): rv-v)
Tatak: Undo
 
Ang '''''The Greatest Showman''''' ay isang [[pelikula]]ng [[musika]]l na mula sa [[Estados Unidos]] at ipinalabas noong 2017. Dinirehe ito ni Michael Gracey at ito ang kanyang kauna-unahang pagdirehe. Sinulat naman ito nina Jenny Bicks at Bill Condon na pinagbibidahan nina [[Hugh Jackman]], [[Zac Efron]], [[Michelle Williams]], Rebecca Ferguson, at [[Zendaya]]. Kinuha ng pelikula ang inspirasyon mula sa kuwento ng likha ni P. T. Barnum na Barnum & Bailey Circus at buhay ng mga tampok na atraksyon nito.
 
Nagsimula ang prinsipal na [[potograpiya]] sa [[Lungsod ng New York]] noong Nobyembre 2016. Nag-''premiere'' o unang pinalabas ang pelikula noong Disyembre 8, 2017, sa loob ng [[barko]]ng RMS ''Queen Mary 2''. Nailabas sa Estados Unidos noong Disyembre 20, 2017, ng 20th Century Fox at kumita ng [[Dolyar ng Estados Unidos|$]] 1434{{nbsp}}milyon sa buong mundo na naging ang ikalimang ''live-action'' na pelikulang musikal na may pinakamalaking kinita sa lahat ng panahon.
 
[[Kaurian:Mga pelikula mula sa Estados Unidos]]