Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Pilipinas"

walang buod ng pagbabago
(May mga ekspresyon na mas ibinagay ko sa paraan ng pag-eekspres sa Tagalog. Masyado kasi nakaayon sa paraan ng pag-eekspres sa Ingles yaong iba. Awkward tuloy ang pagkaka-express nung ibang impormasyon.)
Tatak: Biswal na pagbabago Pagbabagong ginawa sa pamamagitan ng mobile Pagbabagong ginawa sa pamamagitan ng mobile web
Tatak: Biswal na pagbabago Pagbabagong ginawa sa pamamagitan ng mobile Pagbabagong ginawa sa pamamagitan ng mobile web
== Pangalan ==
[[Talaksan:Pantoja de la Cruz Copia de Antonio Moro.jpg|thumb|upright|left|Si [[Felipe II ng Espanya]].]]
Ang Pilipinas ay ipinangalan sa karangalan ni [[Felipe II ng Espanya|Haring Felipe II ng Espanya]]. PinangalanPinangalanan ng Kastilang manggagalugad na si [[Ruy López de Villalobos]], sa gitna ng kaniyang paglalayag noong 1542, ang mga pulo ng [[Leyte]] at [[Samar]] bilang ''Felipinas'' kasunodayon sa pangalan ng Prinsipe ng [[Asturias (Espanya)|Asturias]]. Sa huli, ang pangalang ''Las Islas Filipinas'' ang sasaklaw sa lahat ng mga pulo sa kapuluan. Bago ito naging pangkaraniwan, iba pang mga pangalan tulad ng ''Islas del Poniente'' (Mga Kapuluan ng Kanluran) at ang ipinangalan ni Magallanes para sa mga pulo na ''San Lázaro'' ay ginamit rin ng mga Kastila upang tukuyin ang kapuluan.
 
Sa pagdaan ng kasaysayan, ilang beses nang nagbago ang opisyal na pangalan ng Pilipinas. Sa gitna ng [[Himagsikang Pilipino]], inihayag ng [[Kongreso ng Malolos]] ang pagtatag ng ''República Filipina'' (Republika ng Pilipinas). Mula sa panahon ng [[Digmaang Espanyol–Amerikano]] (1898) at [[Digmaang Pilipino–Amerikano]] (1899 hanggang 1902) hanggang sa panahon ng [[Komonwelt ng Pilipinas|Komonwelt]] (1935 hanggang 1946), tinawag ng mga Amerikano ang bansa bilang ''Philippine Islands'', na salin sa Ingles mula sa Kastila. Mula sa [[Kasunduan sa Paris (1898)|Kasunduan sa Paris]], nagsimulang lumutang ang pangalan na "Pilipinas" at mula noon ito na ang naging kadalasang ngalan ng bansa. Mula sa katapusan ng [[Ikalawang Digmaang Pandaigdig]], ang opisyal na pangalan ng bansa ay "Republika ng Pilipinas".
40

edit