Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Pilipinas"

walang buod ng pagbabago
Tatak: Biswal na pagbabago Pagbabagong ginawa sa pamamagitan ng mobile Pagbabagong ginawa sa pamamagitan ng mobile web
Tatak: Biswal na pagbabago Pagbabagong ginawa sa pamamagitan ng mobile Pagbabagong ginawa sa pamamagitan ng mobile web
[[Talaksan:Tabon Cave 2014 04.JPG|thumb|left|Ang [[Kuwebang Tabon|Yungib ng Tabon]] ay ang pook kung saan natuklasan ang isa sa mga pinakamatandang labi ng tao sa Pilipinas, ang [[Taong Tabon]].]]
[[Talaksan:Remains of a Rhinoceros philippinensis found in Rizal, Kalinga dated c. 709,000 years ago.jpg|thumb|Mga kinatay na labi ng isang ''Rhinoceros philippinensis'' na natuklasan sa Rizal, Kalinga na nagpapatunay na may mga naninirahan nang hominini sa bansa 709,000 taon na ang nakararaan.]]
Ang kamakailang pagtuklas sa mga kasangkapang bato at buto ng mga labi ng kinatay na hayop sa [[Rizal, Kalinga|Rizal]], [[Kalinga]] ay patunay na may mga sinaunang [[hominini]] sa bansa 709,000 taon na ang nakararaan.<ref>[https://www.nature.com/articles/s41586-018-0072-8 Ingicco et al. 2018]</ref> Samantala, ayon sa mga naitalang labi ng tao sa bansa, maaaring dinayo na ng mga tao ang Pilipinas ilang libong taon na ang nakalipas. PinaniniwalaanInaakala na ang labi ng [[Homo luzonensis|Taong Callao]] na natuklasan sa [[Yungib ng Callao]] sa [[Cagayan (lalawigan)|Cagayan]] ay ang pinakamatandang labi ng tao sa Pilipinas na may tanda na 67,000 taon. Mas higit pang matanda sa naunang natuklasang labi ng [[Taong Tabon]] sa [[Palawan]] na tinatayang 26,500 taon na ang nakalipas. Tumawid sa mga sinaunang tulay na lupa ang mga [[Mga Negrito|Negrito]] o Ita, na siyang tinatayang kauna-unahang mga nanirahan sa Pilipinas. Sa kalaunan, dumayo sila sa kagubatan ng mga pulo. Sa kasalukuyan, nang sumapit ang ikalawang libong taon, nanirahan din sa Pilipinas ang iba pang mga mandarayuhan mula sa [[tangway ng Malay]], kapuluan ng [[Indonesia]], mga taga-[[Indotsina]] at [[Taiwan]].
 
Mayroon nang mga mangilan-ngilang teorya patungkol sa pinagmulan ng mga sinaunang Pilipino. Isa na ang teorya ni F. Landa Jocano na nagsasabing ang mga ninuno ng mga Pilipino ay lokal na umusbong. Ang teoryang "Pinagmulang Kapuluan" naman ni Wilhelm Solheim, ipinahihiwatig na ang pagdating ng mga tao sa kapuluan ay naganap sa pamamagitan ng mga network pangkalakalan na nagmula sa Sundaland sa pagitan ng 48,000 hanggang 5,000 BK at hindi sa halippamamagitan nang malawak na pandarayuhan. Samantala, ipinapaliwanag ng teoryang "Paglawak ng mga Austronesyo" na ang mga Malayo-Polinesyong nagmula sa Taiwan ay nagsimulang lumipat sa Pilipinas noong 4,000 BK, taliwas sa mga naunang pagdating.
[[Talaksan:Angono Petroglyphs1.jpg|right|thumb|[[Mga Petroglipo ng Angono]], ang pinakamatandang gawang [[Sining ng Pilipinas|sining]] sa Pilipinas.]]
Ang pinakatinatanggap na teorya, batay sa lingguwistika at arkeolohikong katibayan, ay ang teoryang "Mula sa Taiwan", kung saan ipinapalagay na ang mga [[Mga Austronesyo|Austronesyo]] mula Taiwan, na sila mismo ay nagmula sa mga neolitikong kabihasnan ng [[Ilog Yangtze]] tulad ng kalinangang Liangzhu, ay lumipat sa Pilipinas noong 4,000 BK. Sa gitna ng Panahong Neolitiko, isang "kalinangan ng batong-luntian" ang sinasabing umiral na pinatunayan ng libu-libong magagandang gawang [[artipakto]] ng batong-luntian na nahanapnasumpungan sa Pilipinas na tinatayang noong 2,000 BK pa.
 
Ang batong-luntian ay sinasabing nagmula sa kalapit na Taiwan at nahanapnasumpungan rin sa iba't ibang pook sa kapuluan at pangunahing kalupaan ng Timog-silangang Asya. Ang mga artipaktong ito ang sinasabing patunay ng malawak na pakikipagugnayan sa pagitanpakikipag-ugnayan ng mga lipunan ng Timog-silangang Asya sa isa’t isa noong sinaunang panahon. Magmula noong 1,000 BK, ang mga naninirahan sa kapuluan ay binubuo ng apat na uri ng pangkat panlipunan: mga lipi ng mangangaso at mangangalakal, lipunan ng mga mandirigma, mga plutokrasi sa kabundukan, at mga ''port principality''.
 
=== Bago dumating ang mga mananakop ===
40

edit