Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Pilipinas"

20 byte removed ,  10 month ago
walang buod ng pagbabago
Tatak: Biswal na pagbabago Pagbabagong ginawa sa pamamagitan ng mobile Pagbabagong ginawa sa pamamagitan ng mobile web
Tatak: Biswal na pagbabago Pagbabagong ginawa sa pamamagitan ng mobile Pagbabagong ginawa sa pamamagitan ng mobile web
Nanirahan sa bansa noong ikawalong dantaon ang mga mangangalakal na [[Intsik|Tsino]]. Ang paglaganap ng mga bansang (kaharian) Budismo sa bahagi ng Asya ang nagpasimuno ng kalakalan sa pagitan ng mga bansa sa [[Indonesia]], [[India]], [[Hapon]], at [[Timog-Silangang Asya]]. Subalit, humina ang mga kaharian sa Timog-Silangang Asya dahil sa mahigpit na alitan at hindi pagkakasundo. Samantala, ang paglaganap ng [[Islam]] sa pamamaraan ng panangalakal at proselitismo, tulad ng [[Kristiyanismo]], ang nagdala sa mga mangangalakal at tagakalat ng pananampalataya sa kabahagian; ang mga [[Arabe]] ay dumating sa Mindanao noong ika-14 na dantaon. Sa pagdating ng mga unang Europeo, sa pangunguna ni Fernando Magallanes noong 1521, mayroon nang mga [[raha]] hanggang sa hilaga ng [[Maynila]], na naging mga karugtungang-sangay ng mga kaharian ng Timog-Silangang Asya. Subalit, pawang mga nagsasarili ang mga pulo ng Pilipinas noon.
 
Ang kasalukuyang paghihiwalay sa pagitan ng sinauna at [[Kasaysayan ng Pilipinas (900–1521)|maagang kasaysayan]] ng Pilipinas ay ang araw na ika-21 ng Abril, taong 900, kungna saan ito angsiyang katumbas sa [[Kalendaryong Gregoryano]] para sang araw na nakaturonakalagay sa [[Inskripsiyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna]], angna siyang pinakamatandang kasulatan na nagmula sa Pilipinas. Ang araw na ito ay sumapit sa gitna ng kung anong tinatawag ng mga antropolohista bilang ang "yugto ng pag-usbong" ng Pilipinas (una hanggang ika-14 na dantaon), na inilalarawan bilang ang bagong pag-usbong ng sosyo-kalinangang huwaran, simula ng pag-unlad ng mga malalaking pamayanan sa baybayin, mas higit na pagsasapin-sapin at pagdadalubhasa sa lipunan, at mga pagsisimula ng lokal at pandaigdigang kalakalan. Magmula ika-14 na dantaon, ilan sa mga malalaking pamayanan ay naging maunlad na sentrong pangkalakalan, at naging kalagitnaang punto ng mga pagbabago sa lipunan at paraan ng pamumuhay, kung saan inilarawan ng kung anong tinatawag ni F. Landa Jocano na "yugto ng mga [[Barangay]]" ng maagang kasaysayan ng Pilipinas, simulana nagsimula sa ika-14 na dantaon hanggang sa pagdating ng mga Kastila at ang pagsisimula ng panahong kolonyal ng Pilipinas.
 
Batay rin sa kasulatan, ang [[Bayan ng Tondo|sinaunang Tondo]] ay umiral noong bago mag-900 at nakasaad rin na ang Tondo noon ay may ugnayan sa Kaharian ng Medang sa kapuluan ng Java sa Indonesia. Bagaman ang katayuan ng ugnayan ng dalawa ay hindi malinaw sa kasulatan, patunay ito na noong ika-10 dantaon pa lamang ay may koneksyon na ang mga kabihasnan sa Luzon at Java. Sa pagdating ng mga Europeo noong ika-16 na dantaon, ang Tondo ay pinamumunuan ng tinatawag na "[[Lakan]]". Umusbong ito bilang pangunahing sentro ng kalakalan na may bahagi ng monopolyo sa [[Kaharian ng Maynila|Karahanan ng Maynila]] sa mga produktong kalakal ng [[Dinastiyang Ming]] sa buong kapuluan.
 
Ang susunod na makasaysayang tala ay tumutukoy sa isang pook sa Pilipinas ng Vol. 186 ng opisyal na kasaysayan ng Dinastiyang Song kung saan isinasalarawan ang "bansa" ng [[Ma-i]]. Taun-taon binibisita ng mga Tsinong mangangalakal ang Ma-i at nagsasalarawan ang kanilang mga tala tungkol sa heograpiya, mga produktong kalakal, at ang pag-uugali ng mga namuno sa Ma-i. Isinaad ng mga Tsinong mangangalakal na ang mga mamamayan ng Ma-i ay tapat at mapagkakatiwalaan. Dahil sa hindi malinaw na mga pagsasalarawan ng mga tala tungkol sa kinaroroonan ng Ma-i, pinagdedebatihan pa rin kung saan ito umiral, may mga iskolar na naniniwalanginaakalang nasa [[Bay, Laguna]] ito, habang ang iba naman ay naniniwalangnag-aakalang nasa pulo ng [[Mindoro]] ito.
 
[[Talaksan:Ivory seal of Butuan.jpg|thumb|Ang selyong garing ng Butuan na natuklasan noong dekada '70 sa lungsod ng Butuan na nagpapatunay na mahalagang sentro ng kalakalan ang kaharian noong panahong klasikal.]]
Sumunod na itinukoy ng opisyal na kasaysayan ng Dinastiyang Song ang [[Karahanan ng Butuan]], isang maunlad na kabihasnan sa hilaga't-silangang Mindanao, kung saan ito ang unang naitalang bansa mula sa kapuluan ng Pilipinas na nagpadala ng sugo sa Tsina noong ika-17 ng Marso, taong 1001. Nakamit ng Butuan ang katanyagan nito sa ilalim ng pamumuno ni Raha Sri Bata Shaja, na isang [[Budismo|Budistang]] namumuno sa isang bansang [[Hinduismo|Hindu]]. Naging makapangyarihan ang estadong ito dahil sa lokal na industriya ng panday-ginto at nagkaroon ito ng ugnayan at tunggaliang diplomatiko sa kaharian ng Champa.
 
Ayon sa alamat, itinatag naman ang [[Kumpederasyon ng Madyaas|Kadatuan ng Madyaas]] kasunod ng isang digmaang sibil sa pabagsak na Srivijaya, kung saan ang mga tapat na datung Malay sa Srivijaya ay nilabanan ang pananakop ng Dinastiyang Chola at ang papet na Raha nitong si Makatunao, at nagtatag ng isang estadong gerilya sa Kabisayaan. Ang datu na nagtatag sa Madyaas na si Puti, ay bumili ng lupa para sa kaniyang kaharian mula sa isang katutubong [[Mga Ati (Panay)|Ati]] na si Marikudo. Itinatag ang Madyaas sa [[Panay]] (ipinangalan mula sa estado ng Pannai na kaalyado ng Srivijaya na matatagpuan sanasa [[Sumatra]]). Pagkatapos, madalas na nilulusob ng mga taga-Madyaas ang mga daungang panlungsod sa katimugang Tsina at nakipaggulo sa hukbong pandagat ng Tsina.
 
Kalapit ng Madyaas sa Kabisayaan ang Kaharian ng Cebu na pinamunuan ni Rahamuda Sri Lumay, isang maharlika na may liping Tamil mula sa India. Ipinadala si Sri Lumay ng Chola Maharajah upang sakupin ang Madyaas, subalit sumuway siya at bumuo na lamang ng sarili niyang malayang karahanan. Pawang magkaalyado ang Karahanan ng Butuan at Cebu at napanatili nila ang ugnayan at nagkaroon ng rutang pangkalakalan sa Kutai, isang bansang Hindu sa katimugang [[Borneo]] na itinatag ng mga Indiyanong mangangalakal.
 
Ang pinakamatandang petsa na nagbanggit tungkol sa Kaharian ng Maynila sa Luzon sa kabila ng [[Ilog Pasig]] mula Tondo ay may kinalaman sa tagumpay ni Raha Ahmad ng Brunei laban kay Raha Avirjirkaya ng [[Majapahit]], na namuno sa parehong lokasyon bago ang paninirahan ng mga Muslim. NagbanggitNabanggit rin sa mga tala ng Tsino ang isang bansa na tinatawag na "Luzon". Pinaniniwalaang may kinalaman ito sa sinaunang Maynila dahil inihayag sa mga tala ng Portuges at Kastila noong mga 1520 na ang ''Luçon'' at "Maynila" ay iisa lamang. Bagaman sinasabi ng ilang mga dalubhasa sa kasaysayan na dahil wala sa mga tagamasidnakasaksi na ito ang talagang nakabisita sa Maynila, maaaring tinutukoy lamang ng ''Luçon'' ang lahat ng mga bayan ng mga [[Lahing Tagalog|Tagalog]] at [[Mga Kapampangan|Kapampangan]] na umusbong sa mga baybayin ng [[look ng Maynila]]. GayunmanGayun man, mula 1500 hanggang mga 1560, itong mga naglalayag na mga taga-Luzon ay tinatawag sa Portuges Malaka na ''Luções'' o "Lusong/Lusung", at nakilahok rin sila sa mga kilusang pang-militar sa Burma (Dinastiyang Toungoo), Kasultanan ng Malaka, at Silangang Timor bilang mga mangangalakal at mersenaryo. Ang isang prominenteng ''Luções'' ay si [[Regimo de Raja]], na isang magnate sa mga pampalasa at isang ''Temenggung'' (sulat Jawi: تمڠݢوڠ) o gobernador at pulis-punong heneral sa Portuges Malaka. Siya rin ang pinuno ng isang hukbong dagat kung saan nangalakal at pinrotektahan ang komersyo sa pagitan ng [[kipot ng Malaka]], [[dagat Luzon]], at mga sinaunang kaharian at bayan sa Pilipinas.
 
Sa hilagang Luzon, ang Kaboloan (na ngayo'y nasa [[Pangasinan]]) ay nagpadala ng mga emisaryo sa Tsina noong 1406-1411, at nakipagkalakal rin ito sa [[Hapon]].
| image2 =|caption2 = Bantayog ni [[Raha Humabon]] sa [[Lungsod ng Cebu]].
}}
Patuloy na lumaganap ang Islam sa Mindanao at umabot sa Luzon. Naging Islamisado ang Maynila sa gitna ng paghahari ni Sultan Bolkiah mula 1485 hanggang 1521. Naisakatuparan ito dahil nilabanan ng Kasultanan ng Brunei ang Tondo sa paggapi kay Raha Gambang sa labanan at matapos ay iniluklok ang Muslim na Raha Salalila sa trono at sa pagtatag ng estadong-papet ng Brunei na ang [[Kaharian ng Maynila]]. Pinakasalan din ni Sultan Bolkiah si Laila Mecana, ang anak ng Sultan ng Sulu na si Amir Ul-Umbra upang palawakin ang sakop ng Brunei sa Luzon at Mindanao. Nagpatuloy ang mga Muslim sa pakikipagdigma at nagsagawa ng mga slave-raid laban sa mga [[Mga Bisaya|Bisaya]]. Bunga ng pakikilahok sa mga pagsalakay ng mga Muslim, nilipol ng Kasultanan ng Ternate ang Kadatuan ng Dapitan sa [[Bohol]]. TiniisNadali rin ngang mga karahanan ng Butuan at Cebu angng mga isinagawang slave-raid at nakipagdigma laban sa Kasultanan ng Maguindanao. Kasabay ng mga slave-raid na ito, ay ang panghihimagsik ni Datu [[Lapu-Lapu]] ng [[Mactan]] laban kay [[Raha Humabon]] ng Cebu. Mayroon ding alitan sa teritoryo sa pagitan ng Tondo at ang Islamikong Kaharian ng Maynila, kung saan ang pinuno ng Maynila, na si [[Raha Matanda]], ay humiling ng tulong pang-militar laban sa Tondo mula sa kaniyang mga kamag-anak sa Kasultanan ng Brunei.
 
Ang mga tunggalian sa pagitan ng mga Datu, Raha, Sultan, at Lakan ang nagpadali sa pananakop ng mga Kastila. Ang mga kapuluan ay kakaunti lamang ang bilang ng mga naninirahang tao dahil sa patuloy na mga nagdaraang unos at ang alitan sa pagitanpagkakaalitan ng mga kaharian. Samakatuwid, naging madali ang kolonisasyon at ang mga maliliit na estado sa kapuluan ay dagliang nasakop ng [[Imperyong Kastila]] at nagsimula ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa Pilipinas.
 
=== Panahon ng mga Kastila ===
40

edit