Simbahang Katolikong Romano: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Lam-ang (usapan | ambag)
reverted to version with sources see talk
Lam-ang (usapan | ambag)
m fixed CS1 and reference errors
Linya 4:
Ang '''Simbahang Katolika Romana''' o '''Simbahang Katolika''' (o '''Simbahang Katoliko''')<ref>Ang mga terminolohiyang "Simbahang Katoliko" at "Simbahang Katoliko Romano" ay ginagamit dito bilang mga alternatibong pangalan para sa buong simbahan na naglalarawan ng sarili bilang "sa pamamahala ng kahalili ni San Pedro at ng mga obispong na sa kapisanan kasabay niya." [http://www.vatican.va/archive/hist_councils/ii_vatican_council/documents/vat-ii_const_19641121_lumen-gentium_en.html ''Lumen Gentium'' (Dogmatikong Saligang Batas sa Simbahan), 8]</ref> ay isang [[Kristiyanismo|Kristiyanong]] [[Simbahan (konsepto)|simbahan]] na nasa buong kapisanan kasabay ng [[Obispo ng Roma]], na kasalukuyan ay ang [[Papa|Santo Papa]], si [[Francisco I]]. Gaya ng ibang mga denominasyon ng [[Kristiyanismo]], binabakas ng Simbahang Katoliko Romano ang pinagmulan nito sa [[Simbahang Kristiyano|orihinal na pamayanang Kristiyano]] na itinatag ni [[Hesus]] at ipinalaganap ng mga [[Labindalawang Apostol]], partikular na si [[Simon Pedro|San Pedro]].<ref>Mateo 16:17-18</ref><ref>"St. Peter - Founder of the Catholic Church" ([http://encarta.msn.com/encyclopedia_761564076/Peter.html MSN encarta Encyclopedia, 2007]).</ref>
 
Ang Simbahang Katoliko Romano ay ang pinakamalaking simbahang Kristiyano, na nagkakatawan sa kalahati ng lahat ng mga Kristiyano, at ang pinakamalaking organisadong unit ng anumang [[pananampalataya]] sa mundo.<ref>{{cite web|title=Major Branches of Religions | url=http://www.adherents.com/adh_branches.html#Christianity|publisher=adherents.com|accessdate=2006-09-14}}</ref> Ayon sa ''Statistical Yearbook of the Church'', ang bilang ng nakatalang pandaigdigang kasapi ng Simbahang Katoliko sa katapusan ng 2005 ay 1,114,966,000, na malapit sa ika-anim na bahagi ng [[populasyon ng mundo]].<ref name=StatYearbookfor2005>{{cite book |title=Statistical Yearbook of the Church 2005 |author=Central Statistics Office |publisher=Libreria Editrice Vaticana |year=2007 |id= }}</ref><ref>{{cite news | url-=http://www.zenit.org/article-18894?l=english | title=Number of Catholics and Priests Rises, Pontifical Yearbook of 2007 Releases Data | work=[[Zenit News Agency]] |date=12 Pebrero 2007 }} RetrievedHinago onnoong 9 Nobyembre 2007.</ref><ref>{{cite web | url=http://www.usccb.org/comm/statisti.shtml | title=The Catholic Church in the United States At A Glance | publisher=[[United States Conference of Catholic Bishops]] | accessdate=2007-11-09}}</ref>
 
Ang pandaigdigang '''Simbahang Katoliko''' ay binubuo ng isang [[Ritong Latin|Latin o Kanluranin]] at 22 [[Mga Silanganing Simbahang Katoliko|Silanganing Katolikong]] [[simbahang partikular|awtonomong simbahang partikular]], kung saan lahat ay tumitingala sa Papa, na mag-isa o kasama ng [[Kolehiyo ng mga Obispo]], bilang kanilang pinakamataas na autoridad sa daigdig sa mga paksa ng paniniwala, mga asal at ng pansimbahang pamamahala.<ref>[http://www.vatican.va/archive/hist_councils/ii_vatican_council/documents/vat-ii_const_19641121_lumen-gentium_en.html ''Lumen gentium'',] chapter III</ref> Nakahati ito sa mga nasasakupang pook, karaniwan sa batayang teritoryal. Ang pamantayang teritoryal na yunit ay itinatawag na [[diyosesis]] sa simbahang Latin at [[eparkiya]] sa mga Silanganing simbahan. Ang bawat diyosesis o eparkiya ay nasa pamumuno ng isang [[obispo]], [[patriyarka]] o [[eparko]]. Sa katapusan ng 2006, ang buong bilang ng lahat ng itong mga nasasakupang pook ay 2,782.<ref>{{cite book |title=[[Annuario Pontificio]] (Pontifical Yearbook) |author=Central Statistics Office |publisher=Libreria Editrice Vaticana |year=2007 |monthisbn=February |id=ISBN 978-88-209-7908-9|pages = p. 1172}}</ref>
 
==Kasaysayan==
Linya 36:
Ayon sa mga manunulat na Kristiyano, nang maging emperador si Dakilang Constantino I ng [[Kanlurang Imperyo Romano]] noong 312 CE, kanyang itinuro ang kanyang pagkapanalo sa isang labanan sa [[Diyos]] ng Kristiyanismo. Inangkin ng mga sangguniang Kristiyano na si Constantino I ay tumingin sa araw bago ang [[labanan sa tulay na Milvian]] at nakita ang isang krus ng liwanag sa itaas nito na may mga salitang "ΕΝ ΤΟΥΤΩ ΝΙΚΑ" ("sa pamamagitan nito, sumakop!"). Iniutos ni Constantino sa kanyang mga hukbo na palamutian ang kanilang mga kalasag ng isang simbolong Kristiyano ([[Chi Ro]]) at pagkatapos nito ay nanalo sa labanan.
 
Pagkatapos ng labanan sa tulay ng Milvian, ang bagong emperador na Constantino I ay hindi pumansin sa mga dambana ng [[mga diyos na Romano]] sa [[Bundok Capitolino|Capitolino]] at hindi rin nagsagawa ng mga handog ayon sa kustombreng Romano upang ipagdiwang ang pagpasok ng pagwawagi sa Roma. Sa halip nito, siya ay tuwirang tumungo sa palasyo ng emperador. Gayunpaman, ang karamihan ng mga maimpluwensiyal na tao sa imperyo Romano lalo na ang mga opisyal ng militar ay hindi nagpaakay sa Kristiyanismo at nanatiling lumalahok sa [[Relihiyon sa Sinaunang Roma|relihiyon ng Sinaunang Roma]]. Sa pamumuno ni Constantino I, kanyang sinikap na pahupain ang mga paksiyong ito na hindi Kristiyano. Ang mga salaping Romano na inilimbag hanggang 8 taon pagkatapos ng labanan sa tulay na Milvian ay naglalaman pa rin ng mga imahen ng mga [[diyos na Romano]].<ref name = "Gerbending 2004 55" /> Ang mga monumentong unang kinomisyong itayo ni Constantino I gaya ng [[Arko ni Constantino]] ay hindi naglalaman ng anumang reperensiya sa [[Kristiyanismo]].<ref name = "Peter Brown 2003 p. 60" /><ref>J.R. Curran, ''Pagan City and Christian Capital. Rome in the Fourth Century'' (Oxford, 2000) pp. 70–90.</ref> Sa halip, ang mga munting estatwa ng diyos na Romanong si [[Sol Invictus]] na dala dala ng mga tagapagdala ng pamantayan ay lumilitaw sa tatlong lugar sa mga relief ng [[Arko ni Constantino]]. Ang mga opisyal na barya ni Constantino I ay patuloy na naglalaman ng mga imahen ni [[Sol Invictus]] hanggang noong 325/6 CE.
 
Kasama ng emperador ng [[Silangan Imperyo Romano]] na si [[Licinius]], si Constantino ay naglabas ng [[Kautusan ng Milan]] na nag-atas ng pagpayag ng lahat ng mga [[relihiyon]] sa imperyo kabilang ang mga [[Relihiyon sa Sinaunang Roma|tradisyonal na relihiyong Romano]] at ang [[Kristiyanismo]]. Ang kautusang ito ay humigit din sa mas maagang Kautusan ni [[Galerius]] noong 311 dahil sa pagbabalik nito ng mga kinumpiskang mga pag-aari ng Simbahang Kristiyano. Gayunpaman, ang atas na ito ay may kaunting epekto sa mga saloobin ng tao.<ref>McMullen, p. 44.</ref> Ang mga bagong batas ay nilikha upang isabatas ang ilan sa mga paniniwala at kasanayang Kristiyano. <ref group=Note>Halimbawa, ayon kay Bokenkotter, ang linggo ay ginawang araw ng kapahingahan sa estadong Romano, ang mga mas malupit na parusa ay ibinigay sa prostitusyon at [[adulteriya]] at ang ilang mga proteksiyon ay ibinigay sa mga alipin. (Bokenkotter, pp. 41–42.)</ref><ref>Bokenkotter, p. 41.</ref> Ang pinakamalaking epekto sa Kristiyanismo ni Constantino ang kanyang pagtangkilik sa relihiyong ito. Siya ay nagkaloob ng malalaking regalo ng mga lupain at salapi sa simbahan at nag-alok ng mga eksempsiyon sa buwis at iba pang mga legal na katayuan sa mga pag-aari ng simbahan at mga tauhan nito.<ref name=mcmullen49and50/> Ang pinagsamang mga regalong ito at ang mga kalaunan pang regalo ni Constantino sa simbahan ay gumawa sa simbahan na pinakamalaking may ari ng lupain sa Kanluranin noong ikaanim na siglo CE.<ref name=duffy64>Duffy, p. 64.</ref> Ang karamihan sa mga regalong ito ay pinondohan sa pamamagitan ng malalang mga pagbubuwis sa mga kultong [[pagano]].<ref name=mcmullen49and50>McMullen, pp. 49–50.</ref> Ang ilang mga kultong pagano ay pinwersang tumigil sa kawalan ng mga pondo. Nang ito ay mangyari, pinalitan ng simbahang Kristiyano ang nakaraang papel ng mga kulto sa pagkalinga sa mga mahihirap ng lipunan.<ref>McMullen, p. 54.</ref> Sa isang repleksiyon ng tumaas na katayuan ng kaparian sa imperyo Romano, ang mga ito ay nagsimulang magsuot ng kasuotan ng mga sambahayan ng mga maharlika.<ref>MacCulloch, ''Christianity'', p. 199.</ref>
Linya 46:
 
====Pagtatatag ng Ortodoksiyang Katoliko====
{{main|Arianismo|Trinidad}}Sa kanyang pamumuno, kailangang komprontahin ni Emperador [[Valens]] ang pagkakaiba sa mga teolohiya ng Kristiyanismo na nagsisimulang lumikha ng pagkakahati sa Imperyo. Tinangka ni [[Emperador Julian]] (361–363) na muling buhayin ang mga relihiyong [[pagano]]. Gayunpaman, sa kabila ng malawak na suporta, ang kanyang aksiyon ay nakitang malabis at bago mamatay ay kinamuhian. Tulad ng mga magkapatid na mga Emperador na si [[Constantius II]] at [[Constans]], sina Emperador [[Valens]] at [[Valentinian I]] ay nag-aangkin ng magkaibang mga pananaw teolohikal. Si Valens ay isang [[Arianismo|Ariano]] samantalang si Valentinian I ay naniwala sa [[Kredong Niceno]]. Pinaboran ni Valens ang pangkat na gumamit ng pormulang ''homoios'' (ng katulad na substansiya) na teolohiyang kilala sa karamihan ng Silangan at sa ilalim ng mga anak ni Constantino ay tumibay sa Kanluran. Gayunpaman, nang mamatay si Valens, ang sanhi ng [[Arianismo]] sa Romanong Silangan ay nagwakas. Noong 380 CE, ang [[Unang Konseho ng Nicaea|Kristiyanismong Niceno]] bilang pagsalungat sa [[Arianismo]] ay naging opisyal na [[relihiyon]] ng Imperyo Romano.<ref>Duffy, p. 34.</ref> Itinaguyod ng kanyang kahaliling emperador na si [[Theodosius I]] ang [[Kredong Niceno]] na interpretasyon na pinaniniwalaan ng Simbahan sa Roma at [[Simbahan sa Alehandriya]]. Noong 27 Pebrero 380 CE, sina [[Theodosius I]], [[Gratian]] at [[Valentinian II]] ay naglimbag ng "Kautusan ng Tesalonica" upang ang ihayag ng lahat ng kanilang mga nasasakupan ang pananampalataya ng mga obispo ng Roma na si [[Papa Damaso I]] at ng papa ng [[Simbahan ng Alehandriya]] na si [[Papa Pedro II ng Alehandriya]] na [[Kredong Niceno|pananampalatayang Niceno]].<ref name=theodosius>[http://www.fordham.edu/halsall/source/theodcodeXVI.html Theodosian Code XVI.i.2, Medieval Sourcebook: Banning of Other Religions]</ref> Kanyang binigyan ng pinahintulutan ang mga tagasunod ng kautusang ito na kunin ang pamagat na "Katolikong Kristiyano".<ref>[http://www.fordham.edu/halsall/source/theodcodeXVI.html Theodosian Code XVI.i.2, Medieval Sourcebook: Banning of Other Religions]</ref> Ang Kautusang ito ay inilabas sa ilalim ng impluwensiya ni [[Acholius]] at kaya ay ni [[Papa Damaso I]] na humirang sa kanya. Si Acholius ang obispo ng Tesalonika na nagbautismo kay Theodosius I pagkatapos nitong magkaroon ng malalang sakit.<ref name="EncyEarlyChrist" /> Noong 26 Nobyembre 380 CE, dalawang araw pagkatapos niyang makarating sa [[Constantinopla]], kanyang pinatalsik ang obispong hindi-Niceno na si [[Demophilus ng Constantinopla]] at hinirang si [[Meletius of Antioch|Meletius]] patriarka ng [[Antioquia]] at [[Gregorio ng Nazianzus]] na isa sa mga [[mga amang Capadocio]], [[patriarka ng Constantinopla]]. Noong Mayo 381 CE, hinimok ni Theodosius ang isang bagong [[Unang Konseho ng Constantinople|konsehong ekumenikal sa Constantinopla]] upang kumpunihin ang pagkakahati sa pagitan ng Silangan at Kanluran sa batayan ng [[Kredong Niceno|ortodoksiyang Niceno]].<ref>Williams and Friell, p54.</ref> Inilarawan ng konseho ang ortodoksiya kabilang ang misteryosong Ikatlong Persona ng [[Trinidad]], na [[Banal na Espirito]] na bagaman katumbas ng Ama ay nagmula sa kanya samantalang ang Anak ay ipinanganak ng Ama.<ref name="p55">William and Friell, p55.</ref> Hanggang noong mga 360 CE, ang mga debateng teolohikal ay pangunahing nauukol sa pagkadiyos ng Anak. Gayunpaman, dahil hindi nilinaw sa [[Unang Konseho ng Nicaea]] (325 CE) ang pagkadiyos ng ''Banal na Espirito'', ito ay patuloy na naging paksa ng debate sa pagitan ng mga pangkat Kristiyano. Ang paniniwala ng sektang [[Pneumatomachi]] na ang ''Banal na Espirito'' ay isang nilalang ng Anak at lingkod ng Ama at Anak ay nagtulak sa [[Unang Konseho ng Constantinople]] (381 CE) na tinipon ni Theodosius I na idagdag sa [[Kredong Niseno]] ang, "''At sa Banal na Espiritu, ang Panginoon, ang Tagabigay ng Buhay, Na nagmumula sa Ama, na kasama ng Ama at Anak ay katumbas na sinasamba at niluluwalhati...''" Kinondena rin ng Konsehong ito (381 CE) ang mga paniniwalang Kristiyano na [[Arianismo]], [[Apollinarismo]] at [[Pneumatomachi]] at niliwanag ang mga hurisdiksiyon ng simbahang estado ng Imperyo Romano ayon sa mga hangganang sibil at nagpasya na ang [[Constantinopla]] ay ikalawa sa karapatan sa pangunguna sa Roma.<ref name="p55" /> Noong 383 CE, iniutos ni Theodosius I sa iba't ibang mga hindi-[[Kredong Niceno|Nicenong]] sektang Kristiyano na [[Arianismo]], [[Anomoeanismo]], [[Macedoniano (sekta)|Macedoniano]] at [[Novatian]] na magsumite ng isinulat na mga kredo sa kanya na kanyang siniyasat at pagkatapos ay sinunog maliban sa kredo ng mga Novatian. Ang ibang mga sekta ay nawalan ng karapatan na magpulong, mag-ordina ng mga pari nito at ikalat ang kanilang mga paniniwala.<ref>Boyd (1905), p. 47</ref> Ipinagbawal ni Theodosius I ang pagtira ng mga [[erehiya|eretiko]] sa loob ng [[Constantinopla]] at noong 392 CE at 394 CE ay sinamsam ang kanilang mga lugar ng sambahan.<ref>Boyd (1905), p. 50</ref>. Ang Ikatlong Konsehong Ekumenikal na [[Unang Konseho ng Efeso]] (431 CE) ay muling nagpatibay ng ''orihinal na bersiyon'' ng Kredong Niceno (325 CE) <ref>It was the original 325 creed, not the one that is attributed to the second Ecumenical Council in 381, that was recited at the Council of Ephesus ([http://www.fordham.edu/halsall/basis/ephesus.html The Third Ecumenical Council. The Council of Ephesus, p. 202]).</ref> at idineklara na "''hindi nararapat para sa anumang tao na magsulong o sumulat o lumikha ng isang {{lang|grc|ἑτέραν}} (na isinaling "iba", "kasalungat" at hindi "iba pa") na Pananampalataya na itinatag ng mga banal na ama na nagtipon kasama ng Banal na Multo sa Nicæa (i.e. [[Kredong Niceno]] noong 325 CE)''".<ref>[http://www.ccel.org/ccel/schaff/npnf214.x.xvi.xi.html Excursus on the Words πίστιν ἑτέραν]</ref><ref>[http://www.ccel.org/ccel/schaff/npnf214.x.xvi.x.html Canon VII] of the Council of Ephesus</ref> Ang ilang mga modernong eskolar ay naniniwalang ang kredong Niceno ng 381 CE ay isinaad ng mga obispo sa Constantinopla ngunit hindi prinomulga bilang isang opisyal na akto sa Konseho. Ang ilang mga skolar ay tumututol rin kung ang Kredong Niceno ng 381 CE ay isang simpleng pagpapalawig ng Kredong Niceno ng 325 CE o ng isang tradisyonal na kredo na kapareho ngunit hindi katulad ng kredong Niceno ng 325 CE. Noong 451 CE, tinukoy ng [[Konseho ng Chalcedon]] ang Kredong Niseno ng 381 CE bilang "''ang kredo...ng 150 banal na mga amang nagtipon sa Constantinopla.''" <ref>{{cite book |title=Decrees of the Ecumenical Councils |authorsauthor= Norman Tanner and|author2= Giuseppe Alberigo, eds. |location= Washington, DC |publisher=Georgetown University Press |year=1990 |page=84}}</ref>
 
===Pag-uusig ng mga Kristiyano sa paganismo===
Ang pag-uusig ng mga Kristiyano sa [[paganismo]] sa ilalim ni Theodosius I ay nagsimula noong 381 CE pagkatapos ng unang ilang taon ng kanyang pamumuno sa Silangang Imperyo Romano. Noong 380, inulit ni Theodosius I ang pagbabawal ni Constantino sa paghahandog na pagano, ipinagbawal ang [[haruspicy]] sa parusa ng kamatayan, pinangunahan ang kriminalisasyon ng mga Mahistrado na hindi nagpapatupad ng mga batas na anti-pagano, winasak ang mga ugnayang pagano at winasak ang mga templong pagano. Sa pagitan ng 389–391, kanyang inihayag ang mga atas na Theodosian na nagbabawal ng paganismo.<ref name="TheodosianCode16.10.11">Theodosian Code 16.10.11</ref><ref name="Routery1997ch4">Routery, Michael (1997) [http://www.vinland.org/scamp/grove/kreich/chapter4.html ''The First Missionary War. The Church take over of the Roman Empire'', Ch. 4, ''The Serapeum of Alexandria'']</ref><ref name="TheodosianCode16.10.10">Theodosian Code 16.10.10</ref> Siya ay nag-atas ng komprehensihibong batas na nagbabawal sa anumang paganong ritwal kahit sa pribasiya ng tahanan ng mga ito <ref name="hughes">[http://www.ewtn.com/library/CHISTORY/HUGHHIST.TXT "A History of the Church", Philip Hughes, Sheed & Ward, rev ed 1949], vol I chapter 6.</ref> at umapi sa mga [[Manichean]].<ref name="FirstChristianTheologiansp68">"The First Christian Theologians: An Introduction to Theology in the Early Church", Edited by Gillian Rosemary Evans, contributor Clarence Gallagher SJ, "The Imperial Ecclesiastical Lawgivers", p68, Blackwell Publishing, 2004, {{ISBN |0-631-23187-0}}</ref> Ang paganismo ay pinagbabawal na, isang "religio illicita."<ref name="HughesVol3">Hughes, Philip ''Studies in Comparative Religion'', ''The Conversion of the Roman Empire'', Vol 3, CTS.</ref> Noong 385, ang bagong legal na autoridad na ito ng nananaig na bersiyon ng Kristiyanismo ay humantong sa unang paggamit ng parusang kamatayan na inihahayag bilang sentensiya sa [[erehiya|eretikong Kristiyanong]] si [[Priscillian]].
<ref name = "HereticsExecuted">
{{cite web
Linya 79:
 
===Renasimiyento at mga reporma===
Sa huli at simula ng ikalabinglima at ikalabinganim na mga siglo CE, ang mga misyong Europeo at mga maglalayag ay nagpakalat ng Romano Katolisismo sa mga Amerika, Asya, Aprika at Oceania. Si Papa [[Alexander VI]] sa kanyang papal bull na [[inter caetera]] ay naggawad ng mga karapatang kolonyal sa karamihan ng mga bagong natuklasang lupain sa [[Espanya]] at [[Portugal]].<ref name="Koschorke13">Koschorke, ''A History of Christianity in Asia, Africa, and Latin America'' (2007), pp. 13, 283</ref> Noong Disyembre 1511, bukas na sinuway ng prayleng Dominikano na si [[Antonio de Montesinos]] ang mga autoridad na Espanyol na namamahala sa [[Hispaniola]] sa masasamang pagtrato sa mga [[katutubong Amerikano]] na nagsasabi sa mga ito na "...kayo ay nasa mortal na kasalanan... para sa kalupitan at kabagsikan na ginagamit ninyo sa pakikitungo sa mga inosenteng taong ito." <ref name="Woods135">Woods, ''How the Church Built Western Civilization'' (2005), p. 135</ref><ref name=Johansen109Johansen109A>Johansen, Bruce, ''The Native Peoples of North America,'' Rutgers University Press, New Brunswick, 2006, pp. 109, 110, quote: "In the Americas, the Catholic priest [[Bartolomé de Las Casas|Bartolome de las Casas]] avidly encouraged enquiries into the Spanish conquest's many cruelties. Las Casas chronicled Spanish brutality against the Native peoples in excruciating detail."</ref><ref name="Koschorke287">Koschorke, ''A History of Christianity in Asia, Africa, and Latin America'' (2007), p. 287</ref> Bilang tugon, isinabatas ni [[Ferdinand II of Aragon|Haring Ferdinand]] ang ''[[Mga Batas ng Burgos]]''. Ang pagpapatupad ay maluwag at ang ilan ay nagsisi sa Simbahang Katoliko sa hindi paggawa ng sapat upang mapalay ang mga Amerikanong Indiyano.<ref name="Dussel45">Dussel, Enrique, ''A History of the Church in Latin America'', Wm B Eerdmans Publishing, 1981, pp. 45, 52, 53 quote: "The missionary Church opposed this state of affairs from the beginning, and nearly everything positive that was done for the benefit of the indigenous peoples resulted from the call and clamor of the missionaries. The fact remained, however, that widespread injustice was extremely difficult to uproot&nbsp;...&nbsp;Even more important than Bartolome de Las Casas was the Bishop of Nicaragua, Antonio de Valdeviso, who ultimately suffered martyrdom for his defense of the Indian."</ref> Ang isyung ito ay nagresulta sa krisis ng konsensiya noong ikalabing anim na siglong Espanya.<ref name=Johansen109>Johansen, Bruce, ''The Native Peoples of North America,'' Rutgers University Press, New Brunswick, 2006, pp. 109, 110, quote: In large part because of Las Casas's work, a movement arose in Spain for more humane treatment of indigenous peoples.</ref><ref name="Koschorke287"/> Ang pagbubuhos ng pagbatikos sa sarili at pagninilay nilay na pilosopikal sa mga teologong Katoliko ay humantong sa debate sa kalikasan ng mga [[karapatang pantao]].<ref name="Koschorke287"/><ref name="Woods137">Woods, ''How the Church Built Western Civilization'' (2005), p. 137</ref><ref name="Chadwick327">Chadwick, Owen, ''The Reformation'', Penguin, 1990, p. 327</ref> Noong ikalabinglimang siglo, Si [[Nicolaus Copernicus]] na isang astronomo ng [[Renasimiyento]] ay unang bumuo ng isang komprehensibong kosmolohiyang [[heliosentriko]] na nag-aalis sa planetang mundo mula sa sentro ng [[uniberso]]. Sa orihinal na paglilimbag ng [[De revolutionibus orbium coelestium]], ang aklat ni Copernicus ay nagsanhi ng katamtamang kontrobersiya at hindi pumukaw ng anumang mga mabagsik na sermon mula sa simbahan tungkol sa pagsasalungat ng teoriyang ito sa [[bibliya]]. Pagkatapos ng tatlong taon noong 1546, ang Dominikanong si Giovanni Maria Tulosi ay bumatikos sa teoriya ni Copernicus sa kanyang papel na natatanggol sa absolutong katotohanan ng [[bibliya]].<ref>Rosen [[#Reference-Rosen-1995|(1995, pp.151–59)]]</ref> Kanya ring isinaad na pinlano ng Panginoon ng Sagradong Palasyo (i.e. ang hepe ng [[censor librorum]] ng Simbahang Katoliko) na Dominikanong si [[Bartolomeo Spina]] na kondenahin ang ''De revolutionibus'' ngunit napigilang gawin ito dahil sa pagkakasakit at kamatayan..<ref>Rosen [[#Reference-Rosen-1995|(1995, p.158)]]</ref> Pagkatapos ng 1610, nang publikong suportahan ni siyentipikong si [[Galileo]] ang [[heliosentrismo]] ni Copernicus siya ay nakatagpo ng mapait na pagsalungat mula sa ilang mga pilosopo at mga kaparian na ang dalawa ng mga pari ay kalaunang nagakusa sa kanya sa [[inkisisyon]] ng Simbahang Katoliko noong 1615. Ang karamihan ng mga astronomo at pilosopo sa panahong ito ay naniniwala pa rin sa [[heosentrismo]]ng pananaw na ang planetang daigdig ay nasa sentro ng uniberso.<ref name="contrary to scripture">[[#Reference-Sharratt-1994|Sharratt (1994, pp.127–131)]], [[#Reference-McMullin-2005a|McMullin (2005a)]].</ref> Sa kanyang sermon noong 1614 (na ang paksa ay [[Aklat ni Josue]] 10 kung saan pinatigil ni Josue ang araw), ang prayleng Dominikanong Tommmaso Caccini ang unang gumawa ng pag-atake kay Galileo. Si Galileo ay hinimok sa Roma upang litisin sa [[Inkisisyon]] at natagpuang "malalang suspek ng [[heresiya]] sa pagsunod sa posiyon ni Copernicus na salungat sa tunay na kahulugan at autoridad ng Banal na Kasulatan". Siya ay inilagay sa pagkakabilanggo sa kanyang tahanan sa natitira ng kanyang buhay. Ang isa pang biktima ng [[Inkisisyon]] ng Simbahang Katoliko si [[Giordano Bruno]] na lumagpas sa modelong Copernican at nagmungkahi na ang araw ay isang bituin at ang uniberso ay naglalaman ng walang hangganang bilang mga tinatahanang daigdig na tinatahanan ng ibang mga matatalinong nilalang. Pagkatapos ng inkisiyon ni Bruno, siya ay natagpuang nagkasala ng [[heresiya]] at ipinagsunog ng buhay. Noong 1521, sa pamamagitan ng pamumuno at pangangaral ng Portuges na maglalayag na si [[Ferdinand Magellan]], ang unang mga Katoliko ay nabautismuhan sa unang bansang Krisityano sa Asya na Pilipinas.<ref name="Koschorke21">Koschorke, ''A History of Christianity in Asia, Africa, and Latin America'' (2007), p. 21</ref> Sa sumunod na taon, ang mga misyong Franciscan ay dumating sa Mehiko at naghangad na akayin ang mga Indiyano sa Katolisismo. Ang mga katutubong Indiyano ay inilarawan sa batas bilang mga bata at ang mga pari ay nagkaroon ng papel na pang-ama na kadalasang pinapatupad ng mga parusang pisikal.<ref name=jacksonxiii>Jackson, ''From Savages to Subjects: Missions in the History of the American Southwest'' (2000), p. 13</ref> Sa India, ang mga misyonaryong Portuges at Heswitang si Francis Xavier ay nang-akay ng mga hindi Kristiyano at isang pamayanang Kristiyano na nag-aangkin na itinatag ni [[Apostol Tomas]].<ref name="Koschorke3">Koschorke, ''A History of Christianity in Asia, Africa, and Latin America'' (2007), pp. 3, 17</ref> Sa Europa, ang [[Renasimiyento]] ay nagmarka sa panahon ng binagong interest ssa pagkatutong sinauna at klasiko. Ito ay nagdulot rin sa muling pagsisiyasat ng mga tinatanggap na paniniwala. Ang pagtanggap sa europa ng [[humanismo]] ay nagkaroon ng mga epekto sa Simbahan na yumakap rin dito. Noong 1509, ang skolar na si [[Erasmus]] sa kanyang "[[Ang Papuri sa Kahangalan]]" ay bumihag ng isang malawak na pagkabalisa sa [[korupsiyon]] ng Simbahang Romano Katoliko.<ref name="Norman86">Norman, ''The Roman Catholic Church an Illustrated History'' (2007), p. 86</ref> Ang mismong kapapahan ay kinuwestiyon ng mga kousilarismo na inihayag sa mga konsilyo ng Constance at Basel. Ang mga tunay na pagbabago sa mga konsehong ekumenikal ay tinangka ng ilang mga beses ngunit napigilan. Ang mga ito ay nakitang kinakailangan ngunit hindi nagtagumpay dahil sa panloob na mga alitan sa simbahang Romano Katoliko <ref name="Franzen 65-78">Franzen 65-78</ref> gayundin sa patuloy na mga alitan sa [[imperyong Ottoman]] at [[Saracen]] at sa [[simoniya]] at [[nepotismo]] na sinasanay sa Simbahang Romano Katoliko nang ika-15 at ika-16 na siglo.<ref name="Franzen 65-78"/><ref name="Bokenkotter202"/> Dahil dito, ang mga mayayaman, makapangyarihan at makamundong mga tao tulad ni Rodrigo [[House of Borgia|Borgia]] na naging Papa [[Alexander VI]] ay nagawang manalo sa [[halalan]] ng kapapahan.<ref name="Bokenkotter202">Bokenkotter, ''A Concise History of the Catholic Church'' (2004), pp. 201–5</ref><ref name="Duffy149">Duffy, ''Saints and Sinners'' (1997), p. 149</ref>
===Panahon ng Protestanteng Repormasyon===
[[Talaksan:Martin Luther, 1529.jpg|thumb|right|Tagapagpasimula ng [[Protestanteng Repormasyon]] na si [[Martin Luther]]]]
Linya 100:
 
====Anti-klerikalismo====
Ang ika-20 siglo ay nakakita ng pagdami ng iba't ibang mga pamahalaan na laban sa kaparian at Simbahang Katoliko. Ang [[Batas Calles]] noong 1926 na naghihiwalay sa simbahan at estado sa Mehiko ay humantong sa [[Digmaang Cristero]]<ref name="Chadwick264">Chadwick, Owen, pp. 264–265.</ref> kung saan ang higit sa 3,000 mga pari ay ipinatapon o pinaslang, ang mga simbahan ay nilapastangan, ang mga serbisyo ay nilait, ang mga madre ay ginahasa at ang mga nabihag na pari ay binaril.<ref name="Chadwick264"/><ref name="Scheina">Scheina, p. 33.</ref> Sa [[Unyong Sobyet]] kasunod ng [[Himagsikang Bolshevik]] noong 1917, ang pag-uusig sa Simbahang Katoliko at mga Katoliko ay nagpatuloy hanggang noong mga 1930.<ref>Riasanovsky 617</ref> Sa karagdagan sa pagpapatapon at pagpaslang sa mga kleriko, monghe at taong lay, ang pagsunggab sa mga kasangkapan ng Simbahan at pagsasara ng mga simbahang Katoliko ay karaniwan.<ref name="Riasanovsky 634">Riasanovsky 634</ref> Noong [[Digmaang Sibil ng Espanya]] noong 1936–39, ang hierarkang Romano Katoliko ay sumuporta sa mga pwersang rebeldeng Nasyonalista ni [[Francisco Franco]] laban sa pamahalaang [[Prontang Popular]].<ref name="payne">{{cite book |title= Franco and Hitler: Spain, Germany and World War II. |last=Payne |first=Stanley G |year=2008 |publisher=Yale University Press| isbn=0-300-12282-9|page=13}}</ref> Binanggit ng simbahang Katoliko ang [[Red Terror (Spain)|Karahasang Republikan]] na isinagawa laban sa simbahan.<ref name="Alonso">{{cite book |title= The New Catholic Encyclopedia |last=Fernandez-Alonso |first=J |year=2002 |publisher=Catholic University Press/Thomas Gale|isbn=0-7876-4017-4|pages=395–396 |volume= 13}}</ref> Ang Simbahang Katoliko ay isang aktibong elemento sa politikang nagpopolarisa sa mga taon bago ang Digmaang Sibil.<ref>Mary Vincent, Catholicism in the Second Spanish Republic {{ISBN |0-19-820613-5}} p.218</ref> Tinawag ni Papa [[Pius XI]] ang tatlong mga bansang ito na Teribleng Tatsulok at ang pagkaibigo na magprotesta sa Europa at Estados Unidos bilang isang konspirasiya ng Katahimikan.
====Italya====
Ang pamahalaan ng [[Italya]] ay palaging anti-klerikal hanggang sa Unang Digmaang Daigdig nang ang ilang mga kompromiso ay naabot.<ref>Emma Fattorini, ''Hitler, Mussolini and the Vatican: Pope Pius XI and the Speech That was Never Made '' (2011) ch 1</ref> Ang karamihan ng mga estado ng papa ay sinunggaban ng mga hukbo ni Haring [[Victor Emmanuel II ng Italya]] (1861–1878) at ang mismong Roma ay sinunggaban ng pwersa noong 1870 at ang papa ay naging bilanggo ng Vatikano. Upang paigtingin ang kanyang rehimeng diktaduryang Pasista, si [[Benito Mussolini]] ay sabik rin sa isang kasunduan sa Simbahang Katoliko. Ang kasunduan ay naabot noong 1929 sa [[Mga Kasunduang Laterano]] na nakatulong sa parehong mga panig.<ref>Frank J. Coppa, ''Controversial concordats: the Vatican's relations with Napoleon, Mussolini, and Hitler'' (1999)</ref> Ayon sa mga termino ng unang kasunduan, ang siyudad ng Vatikano ay binibigyan ng soberanya bilang isang independiyenteng bansa kapalit ng pagsuko ng Vatikano sa pang-aangkin nito ng mga dating teritoryo ng mga Estado ng papa. Si Pius XI ay naging pinuno ng isang munting estado na may sarili nitong teritoryo, hukbo, estasyon ng radyo, at kinatawang diplomatiko. Ang Concordat noong 1929 ay gumawa sa Katolisismo na tanging relihiyon ng Italya (bagaman ang ibang mga relihiyon ay pinayagan din), nagpasahod sa mga pari at obispo, kumilala sa mga kasal ng simbahan (sa nakaraan ay kailangan ang isang [[kasal]] na sibil) at nagpasok ng mga pagtuturong relihiyoso sa mga paaralang pampubliko. Ang mga obispo ay sumumpa naman ng katapatan sa estadong Italyano na may kapangyarihang [[beto]] sa pagpili ng mga ito.<ref>{{cite book|author=Cyprian Blamires|title=World Fascism: A Historical Encyclopedia|url=http://books.google.com/books?id=nvD2rZSVau4C&pg=PA120|year=2006|publisher=ABC-CLIO|page=120}}</ref> Ang Simbahang Katoliko ay hindi opisyal na inoobligahan na sumuporta sa rehimeng Pasista. Ang mga malakas na pagkakaiba ay nanatili ngunit ang mga alitan ay nagwakas. Inendorso ng Simbahang Katoliko ang mga patakarang pandayuhan nito gaya ng pagsuporta sa panig na anti-Komunista sa Digmaang Sibil ng Espanya at suporta sa pananakop ng Ethiopia.<ref>Kenneth Scott Latourette, ''Christianity In a Revolutionary Age A History of Christianity in the 19th and 20th Century: Vol 4 The 20th Century In Europe'' (1961) pp 32–35, 153, 156, 371</ref>
Linya 115:
{{main|Kanon na biblikal}}
[[Talaksan:Thebible33.jpg|thumb|Ang [[bibliya]] kasama ang [[krus (sagisag)|krus]] at [[rosaryo]].]]
Ang sagradong kasulatan ([[bibliya]]) ng Simbahang Katoliko ay iba mula sa orihinal na kasulatan ng [[Kristiyanismo]] na hindi dinagdagan at hindi rin kinunan. Ang bibliya ng Simbahang Katoliko ay binubuo ng 73 aklat kabilang ang [[Lumang Tipan]], [[Bagong Tipan]] at mga [[deuterokanoniko]]. Ang Lumang Tipan at [[apokripa]] ng Katoliko ay binubuo ng 46 aklat na matatagpuan sa saling Griyego ng Tanakh na [[Septuagint]]. Ang mga aklat ng Bagong Tipan ng Katoliko ay nakatala sa [[easter letter]] (367 CE) ni [[Athanasius]].<ref name="Schreck23">Schreck, p. 23</ref><ref name="Schreck21"/> Ang pagkakabuo ng [[kanon]] ng Simbahang Katoliko ay tumagal ng maraming mga siglo bago nalutas sa [[Konseho ng Trent]] (1545–1563). Ang sagradong tradisyon ng Romano Katoliko ay binubuo ng mga katuruan na pinaniniwalaan nitong ipinasa mula sa panahon ng mga apostol.<ref name="Schreck16">Schreck, pp. 15–19</ref> Ang sagradong kasulatan at sagradong tradisyon ng Romano katoliko ay magkakasamang tinatawag na "deposito ng pananampalataya" (''depositum fidei''). Ang mga ito ay pinapakahulugan naman ng Magisterium na autoridad sa pagtuturo ng simbahan na sinasanay ng papa at kolehiyo ng mga obispo sa pakikipag-isa sa papa na obispo ng Roma.<ref name="Schreck30">Schreck, p. 30</ref>
 
===Primasiya ng papang Romano===
Linya 127:
 
==Mga paghingi ng tawad ng Papa==
Si Papa [[Juan Paulo II]] ay gumawa ng maraming mga paghingi ng tawad sa mga kasalanang ginawa ng Simbahang Romano Katoliko sa buong kasaysayan ng pag-iral nito. Kabilang sa mga hiningan ng tawad ng papa ang mga [[Hudaismo|Hudyo]], kay [[Galileo]], mga kababaihan, mga biktima ng [[Inkisisyon]], mga [[Muslim]] na nilipol ng mga nag-krusadang Katoliko at halos lahat ng taong dumanas sa ilalim ng Simbahang Romano Katoliko sa paglipas ng panahon.<ref name = "Stourton1">{{cite book |last1=Stourton |first1=Edward |authorlink1=Edward Stourton (journalist)|title=John Paul II: Man of History |accessdate=2009-01-06 |publisher=[[copyright|©]] 2006 Hodder & Stoughton |location=[[London]] |isbn=0-340-90816-5 |page=1}}</ref> Ang higit sa 100 mga paghingi ng tawad ng papa at mga taon ng paghingi ng tawad ay kinabibilangan ng:<ref name="PopeApologises">{{cite news |url=http://news.bbc.co.uk/1/hi/world/europe/1671540.stm |title=BBC News Europe - Pope Sends His First E-Mail - An Apology |first=|last=BBC News Europe |work=[[BBC News]] |date=23 Nobyembre 2001|publisher=[[British Broadcasting Corporation|BBC]] |location=[[London, England|London]]|quote=from a laptop in the Vatican's frescoed Clementine Hall the 81-year-old pontiff transmitted the message, his first 'virtual' apology.|accessdate=30 Enero 2012}}</ref>
*Ang panankoppananakop sa [[MesoAmerika]] ng Espanya sa ngalan ng Simbahang Romano Katoliko.
*Ang [[Inkisisyon]] ng siyentipikong si [[Galileo Galilei]]. (1992)
*Ang pakikilahok ng mga Katoliko sa [[kalakalan ng mga aliping Aprikano]] (1993). Noong maagang ika-13 siglo CE, ang opisyal na pagsuporta para sa [[pang-aalipin]] at pangangalakal ng alipin ay isinama sa [[Batas Kanon]] (Corpus Iuris Canonici) ni [[Papa Gregorio IX]],.<ref>Steven Epstein, ''Wage Labour & Guilds in Mediaeval Europe'' (1995), page 226</ref><ref>Ambe J. Njoh, ''Tradition, culture and development in Africa'' (2006), page 31</ref> Ang batas na Kanon ng Romano Katoliko ay nagbibigay ng apat na mga pamagat sa paghawak ng mga alipin: mga aliping nabihag sa digmaan, mga taong kinondena para sa pang-aalipin, mga taong nagbenta ng kanilang sarili sa pang-aalipin kabilang ang isang amang nagbenta ng kanyang anak na maging alipin at mga anak ng isang ina na isang alipin. Ang pang-aalipin ay itinakdang parusa ng mga Pangkalahatang Konseho, mga lokal na konseho ng simbahan at mga [[papa ng Simbahang Katoliko Romano]] noong 1179–1535 sa mga sumusunod: