Mole (yunit): Pagkakaiba sa mga pagbabago

m
walang buod ng pagbabago
No edit summary
mNo edit summary
Ang '''mole''' ay ang yunit ng pagsukatbatayang-panukat ng [[Pandaigdigang Sistema ng mga Yunit|Internasyonal na Sistema ng mga Yunit]] (SI) para sa dami ng espesye. Ito ay itinukoy bilang ang dami ng elementaryang entidad ng isang [[Kompuwesto|kemikal na sangkap]] na katumbas ng dami ng mga [[atomo]] sa 12 gramo ng [[Karbon|carbon]]-12 (<sup>12</sup>C). Ang bilang na ito ay ipinahayag sa pamamagitan ng konstant na Avogadro na nagkakahalaga ng {{Val|6.022140857|(74)|e=23|u=mol<sup>−1</sup>}}. Ang mole ay isa sa mga batayang yunit ng SI, at may simbolong '''mol'''.
 
Sa kimika, ang '''mole''' ay may malawak na gamit bilang isang paraan na nagsasaad ng dami ng reactant at produkto ng reaksiyong kimikal. Halimbawa, sa reaksiyong {{Nowrap|2 H<sub>2</sub> + O<sub>2</sub> → 2 H<sub>2</sub>O}}, nagpapahiwatig na nakabubuo ng 2&#x20;mol ng [[tubig]] (H<sub>2</sub>O) ang reaksiyon sa pagitan ng 2 mol ng di[[Idrohino|hidroheno]] (H<sub>2</sub>) at 1&#x20;mol ng di[[oksiheno]] (O<sub>2</sub>). Maaari ring gamitin ang mole bilang pambilang ng dami ng mga atomo, [[iono]], o iba pang mga elementaryang entidad sa isang ibinigay na sampol ng anumang sangkap. Gamit din ang yunit na ito upang maihayag ang konsentrasyon ng isang solusyon sa molaridad, na nakatukoy bilang ang dami ng mga mole ng tunaw na sangkap kada [[litro]] ng solusyon.
3,627

edit