Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Korupsiyon sa Pilipinas"

m
Ibinalik ang mga pagbabago ni 152.32.99.214 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni WayKurat
m (Ibinalik ang mga pagbabago ni 152.32.99.214 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni WayKurat)
[[File:World Map Index of perception of corruption 2010.svg|thumb|350px|right|Ang buod na mapa ng [[Corruption Perceptions Index|index of perception of corruption]], 2012]]
Ang '''[[Pilipinas]]''' ay dumaranas ng talamak at malawakang [[korupsiyon]] sa pamahalaan nito. Kabilang sa mga paraan ng korupsiyon na isinasagawa sa Pilipinas ang [[graft]], [[panunuhol]], [[paglustay ng salapi]], mga kasunduan sa likurang pintuan, [[nepotismo]], [[padrino]]. Ito ay mula sa mga nakaraang [[Pangulo ng Pilipinas]] hanggang sa mga lokal na unit ng pamahalaan. Ayon sa Ombudsman’s Finance and Management Information Office, ang kabuuang 3,852 kaso ay inihain laban sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan noong 2011. Sa mga ito, ang 633 ay inihain sa Luzon, 600 sa Visayas at 544 sa Mindano. Ang Philippine National Police (PNP) ang ikalawa sa dami ng mga kasong inihain laban dito sa Ombudsman noong 2011. Kabilang sa mga kasong inihain laban sa mga sumusunod na kagawaran ng pamahalaan noong 2011: Department of Education (562 kaso), Philippine Information Agency (490 kaso), Bureau of Internal Revenue (416 kaso), Armed Forces of the Philippines (304 kaso), Bureau of Customs (177 kaso), Department of Environment and Natural Resources (155 kaso), Department of Social Welfare and Development (148 kaso), Department of Justice (98 kaso).<ref>http://www.gmanetwork.com/news/story/258940/news/nation/ombudsman-most-cases-in-2011-filed-vs-local-govt-execs</ref> Noong 2012, ang Pilipinas ay may ranggong 105 na may 3.4 CPI sa talaan ng Transparency International na rumaranggo ng 176 mga bansa at teritoryo batay sa kung kaagano silang katiwali ayon sa publikong sektor. Ang Pilipinas ay karanggo ng mga bansang Algeria, Armenia, Bolivia, Gambia, Kosovo, Mali, at Mexico. Ang mga 30 % ng [[pambansang badyet]] ng Pilipinas ay iniulat na nawawala dahil sa graft at korupsiyon kada taon.<ref>http://www.pctc.gov.ph/papers/graft.htm</ref>
<br />
==Mga uri ng korupsiyon sa Pilipinas==
Ang pitong mga korupsiyon na isinasagawa sa Pilipinas ang pagtakas sa pagbabayad ng buwis, mga ghost projects at payroll, pagtakas o pag-iwas sa subasta sa publiko ng pagkakaloob ng mga kontrata, pagpasa ng mga kontrata, nepotismo at paboritismo, pangingikli, salaping proteksiyon at panunuhol.
===Pagtakas sa pagbabayad ng buwis===
Ito ay talamak partikular na sa pribadong sektor dahil sa pagtanggi ng mga nagnenegosyong pribado na dapat na ideklara ang kanilang taunang kinita at magbayad ng mga angkop na buwis sa pamahalaan.
 
===Mga ghost project at pasahod===
Ito ay ginagawa ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan kung saan ang mga hindi umiiral na proyekto ay pinpondohan ng pamahalaan samantalang ang mga hindi umiiral na tauhan ng pamahalaan o mga pensiyonado ay binabayaran ng mga sahod at allowance. Ang katiwaliang ito ay talamak sa mga ahensiya ng pamahalaan na nasasangkot sa pormulasyon at pagpapatupad ng mga programa at proyekto partikular na sa imprastruktura at sa pagbibigay ng mga sahod, mga allowance at mga benepisyong pensiyon.
===Pag-iwas sa pagsusubasta sa publiko sa pagkakaloob ng mga kontrata===
Ang paglisan ng mga mga opisina ng pamahalaan partikular na ang mga komite ng mga [[subasta]] at pagkakaloob ng mga kontrata sa pamamagitan ng subasta sa publiko o pagkakaloob ng mga kontrata sa mga pinaborang mga negosyo o kontraktor na makapagbibigay sa kanila ng mga personal na benepisyo. Upang legal na maiwasan ang pagsusubasta sa publiko ng mga kontrata, ang mga ahensiya ng pamahalaan ng bumibili ay magsasagawa ng isang pira-pirasong stratehiya ng pagbili kung saan ang maliit na halaga ng mga suplay at materyal ay bibilhin sa isang tuloy tuloy na proseo. Sa kasong ito, ang mga kasunduan sa pagitan ng bumibili at suplayer ay ginagawa kung saan ang isang persentage ng halagang presyo ay ibibigay sa namimili na minsang nagreresulta sa sobrang presyo at pagbili ng mga mababang uring mga suplay at materyal.
===Pagpasa ng mga kontrata mula sa isang kontraktor sa isa pa===
Sa pagtatayo ng mga proyekto ng imprastruktura, ang mga kontraktor ay may kasanayan ng pagpasa ng mga trabaho mula sa isang kontraktor tungo sa isa pa. Sa prosesong ito, ang isang persentahe ng halaga ng proyekto ay napapanatili ng bawat kontraktor at subkontraktor na nagreresulta sa paggamit ng mga mababang uring materyal o hindi natapos na proyekto.
66

edits