Kristiyanismo: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
m clean up citations using AWB
Lam-ang (usapan | ambag)
m fixed ref errors
Linya 42:
Bagaman nakatuon si Constantino I sa pagpapanatili ng [[Kredong Niseno]], si Constantino ay naging determinado na papayapain ang sitwasyon at kalaunan ay naging mas maluwag sa mga kinondena at ipinatapon ng [[Unang Konseho ng Nicaea]]. Pinayagan ni Constantino I si [[Eusebio ng Nicomedia]] na protégé ng kanyang kapatid na babae at si Theognis na bumalik matapos lumagda ng isang hindi malinaw na pahayag. Ang dalawang ito at ibang mga kaibigan ni Arius ay gumawa para sa rehabilitasyon ni Arius. Sa Unang Synod ng Tyre noong 335 CE, sila ay nagdala ng mga akusasyon laban kay [[Atanasio]] na obispo ng [[Alehandriya]] at tagapagtaguyod ng pananampalatayang [[Kredong Niseno|Niseno]]. Si Atanasio ay ipinatapon ni Constantino na tumuring sa kanyang isang hadlang sa pakikipagkasunduan. Kalaunan ay naakay si Dakilang Constantino I sa [[Arianismo]] at binautismuhan ng obispong [[Ariano]] na si [[Eusebio ng Nicomedia]] noong 2 Mayo 337 CE bago mamatay si Constantino. Si [[Eusebio ng Nicomedia]] ay napakaimpluwensiyal sa Imperyo kahit pagkatapos ng kanyang kamatayan na pinakinggan ni anak ni Constantino na si Emperador [[Constantius II]] ang kanyang payo at ni [[Eudoxus ng Constantinople]] na tangkaing akayin ang [[Imperyo Romano]] sa [[Arianismo]] sa pamamagitan ng paglikha ng mga Konsehong Ariano at opisyal na mga doktrinang Ariano.<ref name="guitton-pp86">Guitton, "Great Heresies and Church Councils", pp.86.</ref> Dahil kay Eusebio ng Nicomedia na "Sa kabuuan, si Constantino at ang kanyang mga kahalili sa trono ay gumawang miserable sa mga pinuno ng Simbahan na naniwala sa [[Kredong Niseno|Niseno]] at sa pormulang [[Trinidad|Trinitariano]] nito."<ref name="ellingsen-pp119">Ellingsen, "Reclaiming Our Roots: An Inclusive Introduction to Church History, Vol. I, The Late First Century to the Eve of the Reformation", pp.119.</ref> Si Constantino I ay namatay noong 337 CE na nag-iwan sa kanyang anak na si [[Constantius II]] na pumabor sa [[Arianismo]] bilang emperador ng [[Silangang Imperyo Romano]] at ang isa pang anak ni Constantino I na si [[Constans]] na pumabor naman sa [[Kredong Niseno]] bilang emperador ng [[Kanlurang Imperyo Romano]]. Ang isang konseho sa [[Antioquia]] noong 341 CE ay naglabas ng isang pagpapatibay ng pananampalataya na hindi nagsama ng sugnay na ''homoousion'' (ng parehong substansiya). Si Constantius na nakatira sa [[Sirmium]] ay nagtipon ng Unang Konseho ng Sirmium noong 347 CE. Ito ay sumalungat kay Photinus na obispo ng Sirmium na isang Anti-Ariano na may paniniwalang katulad kay Macellus. Noong 350 CE, si Constantius ang naging tanging emperador ng parehong Silangan at Kanluran ng Imperyo na naging dahilan ng isang temporaryong paglakas ng [[Arianismo]]. Sa Ikalawang Konseho ng Sirmium noong 351 CE, si Basil na obispo ng Ancyra at pinuno ng mga semi-Ariano ay nagpatalsik kay Photinus. Ang mga semi-Ariano ay naniwala na ang Anak ay "ng katulad na substansiya" (''homoiousios'') sa Ama. Ang mga konseho ay idinaos sa Arles noong 353 CE at Milan noong 355 CE kung saan kinondena ang pro-Nicenong si [[Atanasio]]. Noong 356 CE, si [[Atanasio]] ay ipinatapon at si George ay hinirang na obispo ng [[Simbahan ng Alehandriya]]. Ang Ikatlong Konseho ng Sirmium noong 357 CE ay isang mataas na punto ng Arianismo. Ang Ikapitong Konpesyong Ariano (Ikalawang konpesyong Sirmium) ay nagsaad na ang parehong ''homoousio'' (ng parehong isang substansiya) at ''homoiousios'' (ng katulad ngunit hindi parehong substansiya) ay hindi [[bibliya|biblikal]] at ang [[Subordinasyonismo|Ama ay mas dakila sa Anak]]. Ang isang konseho sa Ancyra noong 358 CE na pinangasiwaan ni Basil ay naglabas ng isang pahayag na gumagamit ng terminong ''homoousios''. Gayunpaman, ang ikaapat na Konseho ng Sirmium noong 358 ay nagmungkahi ng isang malabong kompromiso na ang Anak ay ''homoios'' (katulad na substansiya) ng Ama. Sa dalawang mga konseho noong 359 CE sa Rimini at Seleucia ay tinangka ni Constantius na ipataw ang pormulang ''homoios'' ng Sirmium IV sa Simbahang Kristiyano. Ang [[Konseho ng Constinople (360)|Konseho ng Constantinople noong 360 CE]] ay sumuporta sa isang kompromiso na pumapayag sa parehong magkatunggaling pananaw na [[kredong Niseno|Niceno]] at [[Arianismo]]. Ang isang konseho sa Constantinople noong 361 CE ay nagpatibay ng ''homoios'' (katulad sa substansiya) na nagsasaad na ang Anak ay "katulad ng Ama na nagpanganak sa kaniya". Itinakwil din nito ang ousia (substansiya). Gayunpaman, sa kamatayan ni Constantius noong 361 CE, ang [[Kredong Niceno|partidong Niceno]] na nagpatibay ng ''homoosuios'' (ng parehas na substansiya) ay nagpalakas ng posisyon nito. Sa kamatayan ni [[Athanasio]] noong 373 CE, ang mga [[mga amang Capadocio]] ay nanguna sa pagsuporta ng [[Kredong Niceno|pananampalatayang Niceno]].
====Pagtatatag ng Ortodoksiyang Katoliko====
{{main|Arianismo|Trinidad}}Sa kanyang pamumuno, kailangang komprontahin ni Emperador [[Valens]] ang pagkakaiba sa mga teolohiya ng Kristiyanismo na nagsisimulang lumikha ng pagkakahati sa Imperyo. Tinangka ni [[Emperador Julian]] (361–363) na muling buhayin ang mga relihiyong [[pagano]]. Gayunpaman, sa kabila ng malawak na suporta, ang kanyang aksiyon ay nakitang malabis at bago mamatay ay kinamuhian. Tulad ng mga magkapatid na mga Emperador na si [[Constantius II]] at [[Constans]], sina Emperador [[Valens]] at [[Valentinian I]] ay nag-aangkin ng magkaibang mga pananaw teolohikal. Si Valens ay isang [[Arianismo|Ariano]] samantalang si Valentinian I ay naniwala sa [[Kredong Niceno]]. Pinaboran ni Valens ang pangkat na gumamit ng pormulang ''homoios'' na teolohiyang kilala sa karamihan ng Silangan at sa ilalim ng mga anak ni Constantino ay tumibay sa Kanluran. Gayunpaman, nang mamatay si Valens, ang sanhi ng [[Arianismo]] sa Romanong Silangan ay nagwakas. Noong 380 CE, ang [[Unang Konseho ng Nicaea|Kristiyanismong Niceno]] bilang pagsalungat sa [[Arianismo]] ay naging opisyal na [[relihiyon]] ng Imperyo Romano.<ref>Duffy, p. 34.</ref> Itinaguyod ng kanyang kahaliling emperador na si [[Theodosius I]] ang [[Kredong Niceno]] na interpretasyon na pinaniniwalaan ng Simbahan sa Roma at [[Simbahan sa Alehandriya]]. Noong 27 Pebrero 380 CE, sina [[Theodosius I]], [[Gratian]] at [[Valentinian II]] ay naglimbag ng "Kautusan ng Tesalonica" upang ang ihayag ng lahat ng kanilang mga nasasakupan ang pananampalataya ng mga obispo ng Roma na si [[Papa Damaso I]] at ng papa ng [[Simbahan ng Alehandriya]] na si [[Papa Pedro II ng Alehandriya]] na [[Kredong Niceno|pananampalatayang Niceno]].<ref name=theodosius>[http://www.fordham.edu/halsall/source/theodcodeXVI.html Theodosian Code XVI.i.2, Medieval Sourcebook: Banning of Other Religions]</ref> Kanyang binigyan ng pinahintulutan ang mga tagasunod ng kautusang ito na kunin ang pamagat na "Katolikong Kristiyano".<ref>[http://www.fordham.edu/halsall/source/theodcodeXVI.html Theodosian Code XVI.i.2, Medieval Sourcebook: Banning of Other Religions]</ref> Ang Kautusang ito ay inilbasa sa ilalim ng impluwensiya ni [[Acholius]] at kaya ay ni [[Papa Damaso I]] na humirang sa kanya. Si Acholius ang obispo ng Tesalonika na nagbautismo kay Theodosius I pagkatapos nitong magkaroon ng malalang sakit. Noong 26 Nobyembre 380 CE, dalawang araw pagkatapos niyang makarating sa [[Constantinople]], kanyang pinatalsik ang obispong hindi-Niceno na si [[Demophilus ng Constantinople]] at hinirang si [[Meletius of Antioch|Meletius]] patriarka ng [[Antioch]] at [[Gregorio ng Nazianzus]] na isa sa mga [[mga amang Capadocio]], [[patriarka ng Constantinople]]. Noong Mayo 381 CE, hinimok ni Theodosius ang isang bagong [[Unang Konseho ng Constantinople|konsehong ekumenikal sa Constantinople]] upang kumpunihin ang pagkakahati sa pagitan ng Silangan at Kanluran sa batayan ng [[Kredong Niceno|ortodoksiyang Niceno]].<ref>Williams and Friell, p54.</ref> Inilarawan ng konseho ang ortodoksiya kabilang ang misteryosong Ikatlong Persona ng [[Trinidad]], na Banal na Espirito na bagaman katumbas ng Ama ay nagmula sa kanya samantalang ang Anak ay ipinanganak ng Ama.<ref name="p55">William and Friell, p55.</ref> Hanggang noong mga 360 CE, ang mga debateng teolohikal ay pangunahing nauukol sa pagkadiyos ng Anak. Gayunpaman, dahil hindi nilinaw sa [[Unang Konseho ng Nicaea]] (325 CE) ang pagkadiyos ng ''Banal na Espirito'', ito ay patuloy na naging paksa ng debate sa pagitan ng mga pangkat Kristiyano. Ang paniniwala ng sektang [[Pneumatomachi]] na ang ''Banal na Espirito'' ay isang nilalang ng Anak at lingkod ng Ama at Anak ay nagtulak sa [[Unang Konseho ng Constantinople]] (381 CE) na tinipon ni Theodosius I na idagdag sa [[Kredong Niseno]] ang, "''At sa Banal na Multo, ang Panginoon, ang Tagabigay ng Buhay, Na nagmumula sa Ama, na kasama ng Ama at Anak ay katumbas na sinasamba at niluluwalhati...''" Kinondena rin ng Konsehong ito (381 CE) ang mga paniniwalang Kristiyano na [[Arianismo]], [[Apollinarismo]] at [[Pneumatomachi]] at niliwanag ang mga hurisdiksiyon ng simbahang estado ng Imperyo Romano ayon sa mga hangganang sibil at nagpasya na ang [[Constantinople]] ay ikalawa sa karapatan sa pangunguna sa Roma.<ref name="p55" /> Noong 383 CE, iniutos ni Theodosius I sa iba't ibang mga hindi-[[Kredong Niceno|Nicenong]] sektang Kristiyano na [[Arianismo]], [[Anomoeanismo]], [[Macedoniano (sekta)|Macedoniano]] at [[Novatian]] na magsumite ng isinulat na mga kredo sa kanya na kanyang siniyasat at pagkatapos ay sinunog maliban sa kredo ng mga Novatian. Ang ibang mga sekta ay nawalan ng karapatan na magpulong, mag-ordina ng mga pari nito at ikalat ang kanilang mga paniniwala.<ref>Boyd (1905), p. 47</ref> Ipinagbawal ni Theodosius I ang pagtira ng mga [[erehiya|eretiko]] sa loob ng [[Constantinople]] at noong 392 CE at 394 CE ay sinamsam ang kanilang mga lugar ng sambahan.<ref>Boyd (1905), p. 50</ref>. Ang Ikatlong Konsehong Ekumenikal na [[Unang Konseho ng Efeso]] (431 CE) ay muling nagpatibay ng ''orihinal na bersiyon'' ng Kredong Niceno (325 CE) <ref>It was the original 325 creed, not the one that is attributed to the second Ecumenical Council in 381, that was recited at the Council of Ephesus ([http://www.fordham.edu/halsall/basis/ephesus.html The Third Ecumenical Council. The Council of Ephesus, p. 202]).</ref> at idineklara na "''hindi nararapat para sa anumang tao na magsulong o sumulat o lumikha ng isang {{lang|grc|ἑτέραν}} (na isinaling "iba", "kasalungat" at hindi "iba pa") na Pananampalataya na itinatag ng mga banal na ama na nagtipon kasama ng Banal na Multo sa Nicæa (i.e. [[Kredong Niceno]] noong 325 CE)''".<ref>[http://www.ccel.org/ccel/schaff/npnf214.x.xvi.xi.html Excursus on the Words πίστιν ἑτέραν]</ref><ref>[http://www.ccel.org/ccel/schaff/npnf214.x.xvi.x.html Canon VII] of the Council of Ephesus</ref> Ang ilang mga modernong skolar ay naniniwalang ang kredong Niceno ng 381 CE ay isinaad ng mga obispo sa Constantinople ngunit hindi prinomulga bilang isang opisyal na akto sa Konseho. Ang ilang mga skolar ay tumututol rin kung ang Kredong Niceno ng 381 CE ay isang simpleng pagpapalawig ng Kredong Nicseno ng 325 CE o ng isang tradisyonal na kredo na kapareho ngunit hindi katulad ng kredong Niceno ng 325 CE. Noong 451 CE, tinukoy ng [[Konseho ng Chalcedon]] ang Kredong Niseno ng 381 CE bilang "''ang kredo...ng 150 banal na mga amang nagtipon sa Constantinople.''" <ref>{{cite book |title=Decrees of the Ecumenical Councils |authorsauthor= Norman Tanner and|author2= Giuseppe Alberigo, eds. |location= Washington, DC |publisher=Georgetown University Press |year=1990 |page=84}}</ref>
 
===Pag-uusig ng mga Kristiyano sa paganismo===
Linya 77:
 
===Renasimiyento at mga reporma===
Sa huli at simula ng ikalabinglima at ikalabinganim na mga siglo CE, ang mga misyong Europeo at mga maglalayag ay nagpakalat ng Romano Katolisismo sa mga Amerika, Asya, Aprika at Oceania. Si Papa [[Alexander VI]] sa kanyang papal bull na [[inter caetera]] ay naggawad ng mga karapatang kolonyal sa karamihan ng mga bagong natuklasang lupain sa [[Espanya]] at [[Portugal]].<ref name="Koschorke13">Koschorke, ''A History of Christianity in Asia, Africa, and Latin America'' (2007), pp. 13, 283</ref> Noong Disyembre 1511, bukas na sinuway ng prayleng Dominikano na si [[Antonio de Montesinos]] ang mga autoridad na Espanyol na namamahala sa [[Hispaniola]] sa masasamang pagtrato sa mga [[katutubong Amerikano]] na nagsasabi sa mga ito na "...kayo ay nasa mortal na kasalanan... para sa kalupitan at kabagsikan na ginagamit ninyo sa pakikitungo sa mga inosenteng taong ito." <ref name="Woods135">Woods, ''How the Church Built Western Civilization'' (2005), p. 135</ref><ref name=Johansen109Johansen1092>Johansen, Bruce, ''The Native Peoples of North America,'' Rutgers University Press, New Brunswick, 2006, pp. 109, 110, quote: "In the Americas, the Catholic priest [[Bartolomé de Las Casas|Bartolome de las Casas]] avidly encouraged enquiries into the Spanish conquest's many cruelties. Las Casas chronicled Spanish brutality against the Native peoples in excruciating detail."</ref><ref name="Koschorke287">Koschorke, ''A History of Christianity in Asia, Africa, and Latin America'' (2007), p. 287</ref> Bilang tugon, isinabatas ni [[Ferdinand II of Aragon|Haring Ferdinand]] ang ''[[Mga Batas ng Burgos]]''. Ang pagpapatupad ay maluwag at ang ilan ay nagsisi sa Simbahang Katoliko sa hindi paggawa ng sapat upang mapalay ang mga Amerikanong Indiyano.<ref name="Dussel45">Dussel, Enrique, ''A History of the Church in Latin America'', Wm B Eerdmans Publishing, 1981, pp. 45, 52, 53 quote: "The missionary Church opposed this state of affairs from the beginning, and nearly everything positive that was done for the benefit of the indigenous peoples resulted from the call and clamor of the missionaries. The fact remained, however, that widespread injustice was extremely difficult to uproot&nbsp;...&nbsp;Even more important than Bartolome de Las Casas was the Bishop of Nicaragua, Antonio de Valdeviso, who ultimately suffered martyrdom for his defense of the Indian."</ref> Ang isyung ito ay nagresulta sa krisis ng konsensiya noong ikalabing anim na siglong Espanya.<ref name=Johansen109>Johansen, Bruce, ''The Native Peoples of North America,'' Rutgers University Press, New Brunswick, 2006, pp. 109, 110, quote: In large part because of Las Casas's work, a movement arose in Spain for more humane treatment of indigenous peoples.</ref><ref name="Koschorke287"/> Ang pagbubuhos ng pagbatikos sa sarili at pagninilay nilay na pilosopikal sa mga teologong Katoliko ay humantong sa debate sa kalikasan ng mga [[karapatang pantao]].<ref name="Koschorke287"/><ref name="Woods137">Woods, ''How the Church Built Western Civilization'' (2005), p. 137</ref><ref name="Chadwick327">Chadwick, Owen, ''The Reformation'', Penguin, 1990, p. 327</ref> Noong ikalabinglimang siglo, Si [[Nicolaus Copernicus]] na isang astronomo ng [[Renasimiyento]] ay unang bumuo ng isang komprehensibong kosmolohiyang [[heliosentriko]] na nag-aalis sa planetang mundo mula sa sentro ng [[uniberso]]. Sa orihinal na paglilimbag ng [[De revolutionibus orbium coelestium]], ang aklat ni Copernicus ay nagsanhi ng katamtamang kontrobersiya at hindi pumukaw ng anumang mga mabagsik na sermon mula sa simbahan tungkol sa pagsasalungat ng teoriyang ito sa [[bibliya]]. Pagkatapos ng tatlong taon noong 1546, ang Dominikanong si Giovanni Maria Tulosi ay bumatikos sa teoriya ni Copernicus sa kanyang papel na natatanggol sa absolutong katotohanan ng [[bibliya]].<ref>Rosen [[#Reference-Rosen-1995|(1995, pp.151–59)]]</ref> Kanya ring isinaad na pinlano ng Panginoon ng Sagradong Palasyo (i.e. ang hepe ng [[censor librorum]] ng Simbahang Katoliko) na Dominikanong si [[Bartolomeo Spina]] na kondenahin ang ''De revolutionibus'' ngunit napigilang gawin ito dahil sa pagkakasakit at kamatayan..<ref>Rosen [[#Reference-Rosen-1995|(1995, p.158)]]</ref> Pagkatapos ng 1610, nang publikong suportahan ni siyentipikong si [[Galileo]] ang [[heliosentrismo]] ni Copernicus siya ay nakatagpo ng mapait na pagsalungat mula sa ilang mga pilosopo at mga kaparian na ang dalawa ng mga pari ay kalaunang nagakusa sa kanya sa [[inkisisyon]] ng Simbahang Katoliko noong 1615. Ang karamihan ng mga astronomo at pilosopo sa panahong ito ay naniniwala pa rin sa [[heosentrismo]]ng pananaw na ang planetang daigdig ay nasa sentro ng uniberso.<ref name="contrary to scripture">[[#Reference-Sharratt-1994|Sharratt (1994, pp.127–131)]], [[#Reference-McMullin-2005a|McMullin (2005a)]].</ref> Sa kanyang sermon noong 1614 (na ang paksa ay [[Aklat ni Josue]] 10 kung saan pinatigil ni Josue ang araw), ang prayleng Dominikanong Tommmaso Caccini ang unang gumawa ng pag-atake kay Galileo. Si Galileo ay hinimok sa Roma upang litisin sa [[Inkisisyon]] at natagpuang "malalang suspek ng [[heresiya]] sa pagsunod sa posiyon ni Copernicus na salungat sa tunay na kahulugan at autoridad ng Banal na Kasulatan". Siya ay inilagay sa pagkakabilanggo sa kanyang tahanan sa natitira ng kanyang buhay. Ang isa pang biktima ng [[Inkisisyon]] ng Simbahang Katoliko si [[Giordano Bruno]] na lumagpas sa modelong Copernican at nagmungkahi na ang araw ay isang bituin at ang uniberso ay naglalaman ng walang hangganang bilang mga tinatahanang daigdig na tinatahanan ng ibang mga matatalinong nilalang. Pagkatapos ng inkisiyon ni Bruno, siya ay natagpuang nagkasala ng [[heresiya]] at ipinagsunog ng buhay. Noong 1521, sa pamamagitan ng pamumuno at pangangaral ng Portuges na maglalayag na si [[Ferdinand Magellan]], ang unang mga Katoliko ay nabautismuhan sa unang bansang Krisityano sa Asya na Pilipinas.<ref name="Koschorke21">Koschorke, ''A History of Christianity in Asia, Africa, and Latin America'' (2007), p. 21</ref> Sa sumunod na taon, ang mga misyong Franciscan ay dumating sa Mehiko at naghangad na akayin ang mga Indiyano sa Katolisismo. Ang mga katutubong Indiyano ay inilarawan sa batas bilang mga bata at ang mga pari ay nagkaroon ng papel na pang-ama na kadalasang pinapatupad ng mga parusang pisikal.<ref name=jacksonxiii>Jackson, ''From Savages to Subjects: Missions in the History of the American Southwest'' (2000), p. 13</ref> Sa India, ang mga misyonaryong Portuges at Heswitang si Francis Xavier ay nang-akay ng mga hindi Kristiyano at isang pamayanang Kristiyano na nag-aangkin na itinatag ni [[Apostol Tomas]].<ref name="Koschorke3">Koschorke, ''A History of Christianity in Asia, Africa, and Latin America'' (2007), pp. 3, 17</ref> Sa Europa, ang [[Renasimiyento]] ay nagmarka sa panahon ng binagong interest ssa pagkatutong sinauna at klasiko. Ito ay nagdulot rin sa muling pagsisiyasat ng mga tinatanggap na paniniwala. Ang pagtanggap sa europa ng [[humanismo]] ay nagkaroon ng mga epekto sa Simbahan na yumakap rin dito. Noong 1509, ang skolar na si [[Erasmus]] sa kanyang "[[Ang Papuri sa Kahangalan]]" ay bumihag ng isang malawak na pagkabalisa sa [[korupsiyon]] ng Simbahang Romano Katoliko.<ref name="Norman86">Norman, ''The Roman Catholic Church an Illustrated History'' (2007), p. 86</ref> Ang mismong kapapahan ay kinuwestiyon ng mga kousilarismo na inihayag sa mga konsilyo ng Constance at Basel. Ang mga tunay na pagbabago sa mga konsehong ekumenikal ay tinangka ng ilang mga beses ngunit napigilan. Ang mga ito ay nakitang kinakailangan ngunit hindi nagtagumpay dahil sa panloob na mga alitan sa simbahang Romano Katoliko <ref name="Franzen 65-78">Franzen 65-78</ref> gayundin sa patuloy na mga alitan sa [[imperyong Ottoman]] at [[Saracen]] at sa [[simoniya]] at [[nepotismo]] na sinasanay sa Simbahang Romano Katoliko nang ika-15 at ika-16 na siglo.<ref name="Franzen 65-78"/><ref name="Bokenkotter202"/> Dahil dito, ang mga mayayaman, makapangyarihan at makamundong mga tao tulad ni Rodrigo [[House of Borgia|Borgia]] na naging Papa [[Alexander VI]] ay nagawang manalo sa [[halalan]] ng kapapahan.<ref name="Bokenkotter202">Bokenkotter, ''A Concise History of the Catholic Church'' (2004), pp. 201–5</ref><ref name="Duffy149">Duffy, ''Saints and Sinners'' (1997), p. 149</ref>
===Panahon ng Protestanteng Repormasyon===
[[Talaksan:Martin_Luther,_1529.jpg|thumb|right|Tagapagpasimula ng [[Protestanteng Repormasyon]] na si [[Martin Luther]]]]