Iran: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
updating the new informatin about iran in tagalog to complete this page
i add more information about iran
Linya 167:
[[:Talaksan:///C:/Users/Afshin/Downloads/Telegram Desktop/wiki - iran - 2nd part.docx#%20ednref17|[xvii]]] "A guide to 26 foreign countries and names that Americans mispronounce". The Washington Post. Retrieved 7 February 2017.
 
[[:Talaksan:///C:/Users/Afshin/Downloads/Telegram Desktop/wiki - iran - 2nd part.docx#%20ednref18|[xviii]]] "American English Pronunciations of Iran and Iraq". The American Heritage Dictionary. Archived from the original on 11 February 2017. Retrieved 7 February 2017. {{Infobox Country
 
Paghabi ng Baluti
 
(Zereh Bafi)
 
         Ang mga baluti o ''chain mail'' na sinusuot ng mga sundalo sa giyera mula pa sa panahon ng Achaemenid ay malamang na imbento ng mga Iranians. Ayon kay “Arthur Pop”, ang ''chain mail'' na galing sa 900 B.C. na natagpuan sa Asyrria (ngayon ay naroon sa British Museum) na kung saan mayroong pagkamaharlika mula sa Iran'','' ay ang pinakamatandang baluti na nadiskubre.
 
         Noong Sassanid period, ginamit ng mga sundalo ang mga baluti bilang proteksyon laban sa mga atake ng kalaban. Sa isang imahe ng sinaunang Sassanid na haring si “Bahrma Goor” na nakaukit sa isang pilak na pinggan, kung saan siya ay nangangaso ng liyon, siya ay nakasuot ng baluti. Dahil dito, maaari nating mahinuha na ang paghabi ng baluti ay laganap nuong Sassanid period.
 
         Ang baluti ay gawa sa disenyo (tinatawag na habi) ng mga bilog na bakal o ''metal rings'' na konektado sa isat-isa. Dahil ang disenyong ito ay nakakalaban sa puwersa ng matalim na sandata katulad ng espada, ginamit ito bilang baluti. Sa ngayong panahon, maaari rin itong gamitin bilang pangsangga sa kagat ng pating.
 
         Para maghabi ng baluti, dapat munang pumili ng habi. Isa sa mga paraan ng paghabi ay ang ''4-in-1 weave,'' isang pangkaraniwan habi na ginagamit ng karamihan. Nakuha ng habi na ito ang pangalan dahilan sa ang bawat argolya na wala sa dulo ay konektado sa apat pang iba. Pagkatapos maihanda ang mga kailangang argolya, ito ay ikokonekta ng manghahabi. Una, ididikit ang dalawang saradong argolya sa isang bukas at isasara ito. Pangalawa, ididikit naman ng tagahabi ang isang saradong argolya sa panibagong bukas na argolya''.'' Pagkatapos nito, ang bukas na argolya ay ikakabit sa dalawang saradong argolya mula sa unang hakbang, at iuulit ang prosesong ito hanggang mabuo ang baluti.
 
Alpombra
 
(Farsh)
 
         Tiyak na walang sinuman, kahit isang mananaliksik, ang kayang tumukoy sa eksaktong petsa kung kailan nagsimula ang paghahabi ng alpombra sa makasaysayan at malawak na lupain ng Iran; ang bansang mayroong tatlong libong taon ng kultura at sibilisasyon. Sa pagkatuklas nito, ang ''Pazirik'' ay tinukoy na alpombra kung saan ang mga disenyo ay nakuha mula sa Persepolis. Ngunit syempre, kahit paanuman, maaaring ipalagay na ang kasaysayan ng paghahabi ng alpombra ay nagsimula pa 3000 taong nakalipas sapagkat ang ''Pazirik'' ay 2500 taong gulang na, at ito ay nagpapakita ng nagbabagong '''''course''''' ng paghahabi ng alpombra sa Iran. Sa madaling salita, bago dumating sa panahon ng ''Pazirik''''',''' inabot ng ilang siglo ang mga tao ng Iran upang malagpasan ang panimulang yugto ng paghahabi ng alpombra, at hindi bababa ng apat o limang siglo upang maganap ng kalahatan ang sining at pamamaraan nito. Kung isaalang-alang natin ang edad ng sining na ito at ang pagiging tagapanguna ng Iran sa paghahabi ng alpombra sa buong mundo, inaasahan na ang mga tagapagpanuto at tagapanihala nito ay gagawin ang lahat ng makakaya nila upang lutasin ang mga problema sa industriyang ito.
 
         Ang sumusunod ay, sa dagliang salita, mga pamamaraan ng paghabi ng alpombra:
 
1. Paghahabi ng alpombra gamit ang buhol na Persyano ay karaniwang ginagamit sa Arak, Qom, Isfahan, Kashan, Mashhad, at Tehran. Ang buhol nito ay kinikilala rin bilang walang simetriko, ngunit ang mga detalye nito ay hindi nabanggit sa artikulong ito.
 
2. Sa paghahabi ng alpombra gamit ang simetriko o Turkong buhol, ang kuwerdas na yari sa lana ay, gamit ang isang pangawit, itinatali sa dalawang pintad. Ang ganitong uri ng paghabi ay karaniwang ginagawa sa Azerbaijan, Hamedan, Turkmansahra, at Bijar.
 
Paggagantsilyo
 
(Rashti Doozy)
 
         Ang tradisyonal na sining ng Iran tulad ng paggagantsilyo, pananahi, paggawa ng kristal na kwintas, pagbuburda at iba pa ay napakalawak at nakakabilib. Mayroong mga hindi pangkaraniwang muwestra ng mga ganitong gawang-kamay na natitira ngayon mula pa sa sinaunang panahon, kaya’t inilalarawan ng mga mananaliksik ang mga magagandang obrang ito sa pamamagitan ng pagsaliksik sa mga sinaunang miniyatura at pinintang larawan. Ang nag-iisang natirang muwestra ng paggantsilyo ay matatagpuan sa isang museo sa Budapest. Ito ay ang ginantsilyong larawan ng mga anghel mula sa panahon ng Safavid.
 
         Ang paggantsilyo o ''Rashti Doozy'', na inuugnay sa ''Rasht'' na sentro ng Gilan, isang probinsya sa hilaga ng Iran, ay nagsisimula sa sumusunod na mga hakbang:
 
-Iguguhit ang mga disenyo sa isang piraso ng papel
 
-Pubutasan ang papel sa hugis ng nakaguhit na disenyo
 
-Ilalapat ang butas na papel sa isang piraso ng tela at papatungan ito ng plaster o pulbos ng uling
 
         Ngayon, ang mga disenyo na nalipat sa tela ay kailangan igantsilyo.
 
         Ang sumusunod ay ang mga hakbang ng paggagantsilyo:
 
-Ilalagay ng manggagantsilyo ang tela sa isang piraso ng tabla at sisimulan ang paggantsilyo gamit ang isang bakal na gantsilyo.
 
-Igagantsilyo ang mga bulaklak sa kulay na pula, indigo, krema, puti, at berde sa maitim na likuran.
 
         Sa ''Rashti Doozy,'' itinatahi ng mga maybahay ang mga iba’t-ibang kulay na piraso ng tela sa isa’t-isa. Pagkatapos nito, igagantsilyo naman sa kanila ang iba’t-ibang kulay na sinulid na yari sa lana. Sa paggagantsilyo sa probinsya ng Gilan, iba’t-ibang kulay at telang yari sa lana ang kadalasang ginagamit.
 
Paggawa ng Esmalte
 
(Minakari)
 
         Ang paggawa ng esmalte at ang pag-adorno sa mga metal ng mga makukulay at inihurnong mano ay isa sa mga distinggidong kurso ng sining mula sa Isfahan. Ang Mina ay tinuturing na isang klase ng may kulay na mala-salaming mano na napapatibay ng init sa mga metal lalo na sa tanso.  Ang kursong ito ay madalas na ginagamit na pang-industriya para sa paggawa ng mga metal at malilinis na pinggan, na binigyang pansin ng mga pintor, platero at mga mang-uukit ng metal sa mahabang panahon.
 
         Sa buong mundo, ito ay ikinategorya sa tatlong klase, na nakasaad sa baba:
 
1. Esmalteng pangpintura
 
2. Charkhaneh o esmalteng parang chess
 
3. Esmalteng panglukab
 
         Ang mas mahalaga sa Isfahan ay ang esmalteng pangpintura na kakaunti na lamang ang natitira sa mga museo sa Iran at sa ibang bahagi ng mundo na nagpapamalas na ang mga artist mula sa Iran ay naging interesado sa sining na ito at ginamit ito sa kanilang mga gawang metal mula pa noong mga dinastiya ng Achaemenian at Sassanid.  Dahilan sa pagiging mahina ng mga esmalte, kakaunti na lamang ang natitira mula sa sinaunang panahon.  Ilang mga dokumento ang nagpapahiwatig na sa panahon ng sibilisasyong Islamika sa Iran at sa panahon ng mga dinastiyang Seljuk, Safavid at Zand, mayroong mga namumukod na mga esmalteng pinggan at materyales.  Karamihan sa mga esmalteng pinggan na nagmula sa unang panahon ay mula sa dinastiya ng Qajar sa pagitan ng mga taong 1810-1890 AD.  Mayroon ring mga natirang mga hikaw, pulseras, kahon, mga ulo ng tubo ng tubig, plorera, at mga gintong pinggan na may mga magagandang pinta na may kulay na asul at berde mula sa panahon na iyon.  Pagkaraan nito, sumunod ang limampung pagwawalang-kilos sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig at mga panlipunang rebolusyon na sumunod. Gayunpaman, napagyaman ang sining na ito noong 1935 na tumagal ng apatnapung taon, (gamit) ang esmalteng kulay pula na naihanda, dahilan sa dami ng mga magagandang pagkukuro sa pamamagitan ng mga pagsisikap ni Ostad Shokrallah Sani’ezadeh, ang kilalang pintor ng Isfahan.
 
         Ngayon, makalipas ang ilang taong pagwawalang-kilos mula 1992, nagsimulang magpatuloy ang sigla ng sining na ito dahilan sa dami ng mga tanyag na mga artist na gumagawa sa parang na ito.
 
         Para maghanda ng esmalteng pinggan, kinakailangang gawin ang mga sumusunod na hakbang: Una, pumili tayo ng naaayon na pinggan sa pamamagitan ng kinakailangang sukat at hugis na kadalasan ay ginagawa ng manananso. Kasunod, ito ay pinapaputi nang buo sa pamamagitan ng pag esmalte na tinatawag na unang mano. Ang susunod na hakbang, ito ay inilalagay sa isang pugon na may digri na pitongdaan at limampu.  Sa panahong ito, ang na-esmalteng metal ay pinapahiran ng mas mabuting esmalte ng ilang beses at iniinit sa tamang digri.  Ngayon, oras na ng pintor na magpamalas ng kanyang sining. Ang mga artist mula sa Isfahan, na inspirado gawa ng kanilang mga tradisyonal na pagpaplano gaya ng arabesque, khataii (mga bulaklak at ibon) at paggamit ng mga hindi nasusunog na mga pinta at espesyal na mga pinsel, ay nakagawa ng mga pagpinta sa mga monumento sa Isfahan gaya ng sa mga niche, disenyong arabesque at mga ilalim ng simboryo sa mga moske sa Isfahan.  Matapos ang hakbang na ito, ang esmalteng materyal ay muling inilalagay sa pugon at iniinit sa 500 na digri.  Sa pamamaraang ito, ang may esmalteng pinta ay pinatitibay ng panloob na mano, na nagkakaroon ng espesyal na pagkinang.  Samantala, karamihan sa mga gawang esmalte ay ginagawa sa mga pinggan, plorera, kahon at mga kuwadro na may iba’t-ibang sukat.
 
'''PAG-UUKIT'''
 
('''Ghalamzani''')
 
         Ang mga artistikong yari sa mga pag-uukit, gawa ng mga dalubhasang artists, ang mga maringal at hindi maitatanggi na inidkasyon ng metal na gawain ng Iran at partikular na ng Isfahan. Ang mga makasaysayang natuklasan na galing sa sinaunang panahon gaya ng mga dinastiya ng Sassanid (700 AD). And Selkjuk (1000 AD) at ang Safavid (1600 AD) ay nag nagpapahiwatig ng ilan sa mga bantog na ''metalwork na'' panahong Oreizi and Mohammad Taghi Zufann noong nakaraang walumpung taon, ay gumawa ng sampu sa mga namumukod at kilalang inukit na metal sa isang kamay at inensayo ang mga bagong henerasyon sa kabila. At ang pag-gawa ng parang ginto at pilak na kopa at mga materyal ng mga ibang metal bilang nikel pilak at partikular na bilang tansa. Sa mantalang, ang pag-ukit na may iba-iba na plano at paraan ay nagdala sa pinaka mataas na produksyon ng pag-ukit na merong kasalukyang paraan na:
 
'''         Mataas na kaluwagang trabaho:'''  Sa gawain na ito, ang trabaho ay ginagawa sa parehas na gilid ng metal, kung saan ang bukod tanging parte ng metal ay magiging kahanga-hanga.
 
         '''Kalhating pagka''' '''bukod tangi or maluwag na trabaho:''' Sa paraan na ito, ang likuran ay mamartilyohin pababa gamit ang instrumentong pang-ukit ng bakal at kaya, ang plano sa metal ay mukhang bukod-tangi sa ilang mga lawak.
 
         '''Espesyal na litrato:''' Sa paraan na ito, ang mga linya lamang ng palibot ng disenyo ang uukitin na kung saan gagawa ng maliit at madaming disenyo na likuran na walang bukod-tanging parte.
 
         '''Pag-uukit sa pamamagitan ng pag tanggal ng metal:''' Sa paraan na ito, ang ibang parte ng metal ay aalisin gamit ang instrumentong bakal na pipisat sa metal. Sa mga espesyal na kaso, (kung ang tansa ay nababalot ng tin) ang pulang kulay na ningning at kintab ng tansa ay pwedeng obserbahan katabi ng kulay pilak na tin. Itong paraan ay tinuturi na pinakamatanda sa lahat ng mga paraan sa pag ukit na ginagawa sa similar na paraan na kilala bilang pag-ukit na walang gamit na martilyo.
 
         '''Pagsala-sala:''' Sa pagtanggal ng buong parte ng metal, may hugis lambat na mabubuo na magagawa sa paraan ng pag-gamit ng pang gupit na instrumento at martilyo, na makakagawa ng na mukhang yari na pag-sala na may lagari.
 
         '''Kuftehgari o pagharang ng ginto:''' Ito ay napakahusay na huawaran ng pag-ukit kasama na kung saan ang pabilog na linya ng plano ay uukitin, na maglalagay ng mga malalambot na metal sa kanilang ukit. Ang paraan na ito ay kadalasan na ginagamit sa mga bakal.
 
         Lahat ng mga panimulang bahagi ay kagaya ng mga paraan sa itaas. Una, dagok ng martilyo, pagkatapos, panahon nang gumawa ng paglaan sa mga materyal. At ang panghuli, pag-ukit gamit ang iba’t-ibang uri ng instrumento, at ang resulta nito ay mag papalamuti sa metal na may geometriko at miniyaturang disenyo kung saan ay gagawin sa pamamagitan ng pag-ukit, pag-papakintab o pag-pisa ng ibabaw ng metal.
 
         Ang artistikong kilusan ng kamay ng mang-uukit at ang maarmonyang ihip ng martilyo at instrumentong pang-ukit ay hahantong sa pag-gawa ng natatanging gawain. Ngunit, and mga palamuti and pang paganda ay gagawin ng ibang mahusay na artist sa materyal kung saan ay nahulma na gamit ang martilyo at anvil. Mga maestro ng yaring metal ay yung mga gumaawa gamit ang iba’t-ibang uri ng pilegyo ng metal, at hinuhulma ang mga ito sa magandang pinggan, paso, kahon, samovars, at iba pa at hinahanda para maukit ang mga ito. Sa panahon ngayon, dahil sa mahirap na trabaho at pag tanda ng mga maestro, ang pag handa ng mga metal na pinggan ay minsan ginagawa ng mga makina.
 
Pagkalupkop, Pag-ukit, at Paglilok ng Ginto
 
(Tala Koobi, Hakkaki va Ghalamzani)
 
         Ang mga tao sa Iran ay pamilyar sa industriya ng metalwork simula pa noong ikaapat na libong taon BC at nakatuklas na sila ng iba’t-ibang uri ng metal. Ang sining ng pagkalupkop, pag-ukit, at paglilok ng ginto ay ginagamit sa pagdekorasyon ng mga alahas, palayok, kasangkapan, at mga kagamitan sa giyera. Ang mga obra ng pag-ukit at paglilok na binabalutan ng ginto at ang kinalupkop na ginto na natira mula sa mga makasaysayang panahon ay nagpapakita ng kahusayan pati na rin ng interes ng mga maestro sa sining na ito. Karamihan ng mga obra na nilikha sa panahon bago pa ang Islam ay mayroong mga pigura ng tao, hayop, halaman, at simbulo; at pagkatapos ng paglaganap ng Islam, dahil sa mga limitasyon, hindi na gaanong ginamit ang mga pigura ng tao, at ang mga ginamit na ay ang pigura ng mga halaman at mga inskripsyon ng iba’t-ibang sulat; at sa panahon naman ng Safavid at Seljuk, kahanga-hangang mga obra ang nailikha.
 
         Sa paglipas ng panahon, iba’t-ibang pamamaraan ang ginamit ng mga maestro sa mga lugar na ito upang palamutian ang mga gamit at palayok.
 
         PAGLILOK: Ang pagpapalamuti ng mga metal gamit ang mga espesyal na kasangkapan at martilyo sa pamamagitan ng paggawa ng kaibahan sa ibabaw nito at pagtaas ng mga hugis sa metal ay mayroong iba’t-ibang pamamaraan kabilang na ang punong likuran, butas-butas, at iba pa.
 
'''''        ''''' PAG-UKIT: Paraan ng pagpalamuti sa mga metal gamit ang mga espesyal na kasangkapan at martilyo sa pamamagitan ng paggawa ng mga linya at pagtanggal ng tapyas mula sa ibabaw ng metal
 
         PAGKALUPKOP NG GINTO: Ang pamamaraan na ito ay ginagawa sa tatlong paraan:
 
1. Malghameh Kari: Una, ang pulbos o manipis na gintong ohas at asoge ay ihahalo sa tiyak na dami, at mabubuo nito ang Malghameh. Pagkatapos, gamit ang isang bras na tanso, ipapahid ito sa mga piraso ng pilak na kung saan ikakalupkop ang ginto, at ito ay iinitin hanggang sa temperatura kung saan maglalaho ang asoge at ang matitira na lamang ay ang ginto sa sinadyang lugar. Pagkatapos nito, mas marami pang gintong pilak ang makukuha sa pamamagitan ng pag-init muli ng bagay na ito gamit ang waks. Kailangang banggitin na ang pamamaraan na ito ay dapat lamang gamitin sa lugar na mayroong magandang bentilasyon dahil ang singaw ng asoge ay nakakalason.
 
2. Pagkalupkop ng ginto gamit ang maninipis na gintong alambre: Una, gagawa ng mga pinong uka gamit ang espesyal na talim sa ibabaw ng bakal kung saan ilalagay ang gintong kalupkop, pagkatapos ay lalagyan ang iba’t-ibang bahagi nito ng maninipis na gintong alambre gamit ang ''carnelian'' o kaya naman ay magagaang martilyo at sa wakas ay babarnisan ito gamit ang ''carnelian.''
 
3. Pagkalupkop ng ginto gamit ang gintong ohas na may taglay na iba’t-ibang bantod: paglakip ng ginto sa lahat ng matigas at malambot na metal sa pamamagitan ng paggamit ng malalalim na ukit sa ibabaw ng metal sa nais na disenyo at paglakip ng ginto sa pamamagitan ng pagdiin at paggamit ng mga katalayser upang makagawa ng permanenteng koneksyon sa dalawang malalambot na metal, halimbawa, pagkalupkop ng ginto sa pilak na parehong malambot na metal.
 
Ang Kasaysayan ng Pagpipinta sa Iran
 
(Naghashi)
 
         Ang kasaysayan ng pagpinta sa Iran ay nagsimula pa noong panahon kung saan ang mga sinaunang tao ay nakatira pa sa mga kuweba. Maraming nadiskubreng mga ipinintang larawan ng mga hayop at eksena ng pangangaso sa mga kuweba ng Lorestan na may 12,000 taong gulang na. Karamihan naman ng mga pinintang larawan sa mga paso na nahanap sa lugar ng “Sialk at Shoosh” ay mga imahe ng kalikasan at mga hayop. Ang mga pinintang larawan na nahanap sa probinsya ng Fars ay mula pa sa panahong 5,000 taon na ang nakalipas.
 
         Ang mga magagandang ipinintang larawan ni Mani, isang propeta sa Iran na magaling rin na pintor, na kabilang sa kanyang librong “Arzhang” ay itinuturing kanyang mga mirakulo. Pagkatapos ng paglitaw ng Islam, nagsimulang palamutian ang mga Qur’an ng mga pintor ng Iran. Mahusay at matiyagang nilagyan nila ng mga dekorasyon ang paunang salita at mga gilid ng banal na librong ito, at ito’y tumungo sa paglabas ng panibagong sining na tinatawag na iluminasyon.
 
         Noong nilusob ng mga Mongol ang Iran, sinira nila ang karamihan ng mga pangkulturang obra. Pagkatapos nito, tinipon nila ang mga maestro ng Iran at nagbigay-suporta sila sa sining. Sa panahong ito, naging laganap ang istilo ng pagpinta ng mga Intsik.
 
         Ang pag-aaral ng mga pinintang obra sa ilang libro tulad ng “Kelile at Demneh” at “Shahnameh” ay ipinapakita ang mga obra ng panahong ito mula sa pananaw ng ganap na kawastuhan sa pagdisenyo. Ang kasarian ng mga kulay at detalye nito ay mas malakas kaysa sa mga yaong mula noong nakalipas na panahon. Sa mga pinintang obra na ito, malinaw na makikita ang impluwensiya ng sining ng mga Intsik at Byzantine. Ito ay mula sa istilong Tabriz. Noong panahon ng “Ilkhanid,” maraming mga maestro ang naakit sa Shiraz. Lumikha sila ng mga hindi pangkaraniwang obra na naiiba sa mga ipinintang obra gamit ang istilong Tabriz. Ang katangi-tanging istilong ito ay kilala bilang istilong Shiraz. Sa panahon ng “Timorid,” naging kabisera ng Iran ang Harat, kaya’t nagtipon lahat ng mga maestro doon. Pagkatapos nito, itinatag dito ang bagong istilo na tinawag na “Harat.” Ang kapansin-pansing bagay sa panahon na ito ay ang pagtalikod ng mga maestro sa paggamit ng istilo ng pagpinta ng mga Intsik. Si Kamalodin Behzad, ang pinakamagaling na pintor ng istilong Harat, ang nagtapos ng ganitong uri ng istilo. Siya ay ang nagpanimula ng istilo ng pagpinta ng panahon ng Safavid at pinalawak rin niya ang sining ng pinong sining ng miniyatura. Ang inilarawang libro ng ShahNameh na nakapreserba sa palasiyo ng Golestan sa Tehran ay isa sa mga obra maestra sa pagpinta sa Iran. Sinunod ng mga estudyante ni Behzad na sina “Agha Mirak” at Mir Sayed Ali ang istilo ng Harat.
 
         Sa kapanahunan ng Safavid, naitatag ang istilo ng pagpinta na Safavid. Sa panahong ito, ang miniyatura sa Iran ay nahiwalay mula sa istilo ng mga Intsik, kaya’t napunta ang mga maestro sa panibagong landas at nahilig sa naturalismo. Ang nagtatag ng istilo ng pagpinta na Safavid ay si “Reza Abbasi.” Ang mga miniyatura na inilikha gamit ang istilo ng Safavid ay hindi eksklusibong ginamit sa pagpalamuti ng mga libro. Ang pinakamaringal na halimbawa ng mga obrang pininta sa panahong ito ay naroon ngayon sa mga palasiyo ng “Chehel Sotoon” at “Ali Qapoo.” Ang mga tema ng mga obrang ito ay tungkol sa buhay sa korte ng maharlika, mga maharlika, at mga magagandang palasiyo. Sa panahon ng Safavid, ang sining ng pagpinta ay pinalawak sa dami at sa kalidad.
 
         Ang pagpinta mula sa Iran ay isinasaalang-alang bilang isa sa pinakadakilang eskuwela (ng pagpinta) sa Asiya. Walang ibang kultura ang mas nagpapakita ng dilag at kakinangan.
 
         Sa panahon ng Pahlavi, ang impluwensiya ng kultura mula sa kanluran ay naging sanhi ng pagsunod ng mga maestro sa mga istilo ng sining nila. Sa kabilang banda, ilan sa mga maestro ang naggiit sa pagsunod ng mga tradisyonal na istilo ng pagpinta tulad ng istilo ng Esfahan at Tabriz. Bukod dito, mayroon ding mga maestro ang gumamit ng kombinasyon ng istilong tradisyonal at ''Western'' at nakapaglikha ng mahahalagang obra. Kabilang sa mga maestrong ito ay si “Mahmood Farshchian” na sikat na sikat at kilala ng maraming mga eksperto sa sining sa buong mundo.
 
Mga Tradisyonal na Pagbuburda at Kasuotan ng Iran
 
(Pooshak va Soozandoozyhaye Sonnati – e Iran)
 
         Ang mga tradisyonal na mahahalagang alituntunin, kaugalian at mga paniniwala ng lipunan ay maaaring magkaroon ng malakas na epekto sa kultura ng mga tao. Sa pagsasaalang-alang sa mga iba’t-ibang tradisyon at mga pagkakaiba sa mga magkakaibang lipi, maaaring maipalagay na ang tradisyonal na kasuotan ay kapansin-pansin na bahagi ng kultura ng isang lipunan.
 
         Ang mga pangbungang sanhi sa pagbuo at pag-iisa ng mga tradisyonal na kasuotan ay ang mga sumusunod:
 
1. Relihiyon
 
2. Mga likas at panlupang kalagayan at sanhi
 
3. Ang pamamaraan ng paghanap-buhay at mga iba pang gawain sa produksyon
 
4. Katayuan sa lipunan
 
Mga tradisyonal na kasuotang pambabae:
 
         Sombrero, gora, bandana, balabal, pantali sa ulo, belo, lokal na sutana, tsaleko, bolero, pantalon,  medyas, sapatos, sandalyas, at mataas na medyas.
 
Mga tradisyonal na kasuotang panlalaki:
 
         Sombrero, gora, turbante, pantali sa ulo, tabing sa araw (habang nasa trabaho), kamiseta, lokal na sutana, jersey, diyaket, pyeltrong damit, sardary (isang uri ng sutana na may pilegis sa may baywang), balabal gawa sa balahibo, tsaleko, pantalon, balabal, sintas sa baywang, sinturon, guwantes, paha sa galanggalangan, medyas, sapatos, sandalyas at antipara.
 
         Mula pa noong unang panahon, ang paggamit ng lahat ng klase ng tradisyonal na pagtahi, damit at pagpapalamuti ng tela ay laganap sa Iran.  Ang mga klase ng pagpapalamuti na ito ay tinatawag na tradisyonal na pagbuburda.  Iba’t-ibang pampalamuti na mga bagay gaya ng kuwintas, kislap, wire-ribbon o alambreng laso, kordon at pati na mga simpleng damit ay ginagamit.  Ang pagbuburda na gawang filigree at ang gawa sa alambreng laso ay mga eksklusibong sangay ng sining na ito.
 
         Sa katunayan, ang alambreng laso ay isang pinong alambre na binubuo bilang isang piraso ng kuwerdas na ibinuburda sa telang cashmere o pelus.  Sa mga sinaunang panahon, ang kuwerdas ng alambreng laso ay gawa sa ginto at pilak.  Ang kapirasong kawad ng makapal na ginto ay pinapabuti sa pamamagitan ng paggawa ng kuwerdas mula sa isang dibuhistang kawad gawa sa ginto.
 
         Sa kasalukuyan, iba’t-ibang klase ng alambreng laso ang ginagawa na may sari-saring kulay na hindi naaapektohan ng mga pagbabago sa klima.  
 
        
 
Miniyatura at Iluminasyon
 
(Negargari Va Tazhib)
 
         Ang “Pagpipinta sa Iran”, bilang isang pinaghalong salita, ay nagpapahiwatig ng isang uri ng pagpinta na lumitaw ng ilang siglo sa bansa ng Iran. Ang uri ng pagpipintang ito, na tinawag na “miniature o maliit na larawan” ng mga kanluraning mananaliksik at mga paham, ay may malalim at masaganang kasaysayan. Ang mataas na kahalagahang natamo ng mga manlilikha sa larangang ito ay sanhi ng matagal na pagsisikap na nagdaan sa kaibuturan ng kasaysayan.  Ang mga dakilang manlilikha tulad nina Manichaeus, ang pintor, Kamalddine Behzad, Soltan Mohammad, Agha Mirak, Reza Abbasi at iba pa na mga nagsumikap sa larangang ito, ang mga kinikilalang walang hangganang karangalan ng Kasaysayan ng Sining ng Iran.
 
         Ang pagpipinta sa Iran, na itinuturing na praktikal na sining na gawa ng pluma, ay may ekslusibong saklaw. Ang iba’t-ibang pangkat sa pagpipintang ito gaya ng iluminasyon, Tashiir o pagpapalamuti (pagpinta ng hayop at bulaklak sa paligid ng kaligrapya para lalo itong mapaganda) at iba pang paraan ng pagpapalabas, na kung saan bawat isa, sa pagsaalang-alang sa mga tradisyonal na paglalarawan, kaugnay ang sining ng Iran sa isang banda, at sa pagsunod nila sa kanilang sariling kondisyon sa kabilang banda, ay nagmumula sa iisang kategorya. Sa pangkalahatang pagtingin, kung isasaalang-alang ang sarili nitong potensyal (sa larangan) larawan, masasabi natin na ang pagpipinta sa Iran ay naaayon sa isang konsepto na kung saan ang mga ito ay nagbibigay ng higit pang inspirasyon sa pamamaraang abstrak at espirituwal na kung saan ang sino mang nakatingin ay makakaunawa ng malalalim na kahulugan at konsepto nito sa pamamagitan ng mga katotohanan ng kalikasan.
 
         Isa sa mga makasaysayang paraan ng pagpinta sa Iran ay ang istilong Isfahan. Ang paraan ng pagpinta na ito, kung saan kabilang ang mga gawa ng mga pintor sa kapanahunan ng Safavid, ay isa sa mga pinakaimportanteng istilo ng pagpipinta sa Iran. Ang mga maestro ng panahong ito, gamit ang kanilang mga konsepto ng relihiyon, ay [kagalang-galang] hindi lang sa Iran kung hindi sa buong mundo. Sila ay nagtakda upang lumikha ng mga gawa, kung saan, mula sa punto ng delicacy at kahalagahan ng [nakalarawan], ay itinuturing bilang mga natatanging pagpipinta ng mundo. Sa kasalukuyan, pagkatapos magbago sa isang artistikong himpilan ng Iran at isang aktibong lungsod sa iba’t ibang mga kursong artistiko, ang Isfahan ay nagpapakita ng mga bagong eksperimento at mga artists sa mundo; mga artists na, sa larangan ng pagpipinta sa Iran, ay abala pa rin sa paglikha ng mga makahalagahang gawa at sa pagprisenta ng mga bagong pagpapahayag sa siyudad na ito.
 
Patineh at Pagpipinta sa Kahoy
 
(Patineh va Naghashi Rooye Choob)
 
         Ang sining ng Patineh ay sikat noong unang panahon sa mga pinta sa mga kuweba at sa sinaunang Ehipto, ngunit hindi sa kasalukuyang anyo, kung hindi ay sa sinaunang anyo nito. Maaaring sabihin na ang sining ng Patineh ay ginamit sa mga dekorasiyons bago pa nagsimula ang panahon ng mga Kristiyano, at sa pamamagitan ng paglipas ng panahon at pag-unlad ng teknolohiya at sa paggawa ng modernong kulay at aparato, mas maunlad ang kasalukuyang anyo. Sa madaling salita, ang Patineh ay ang kalumaan at paggawa ng lumang anyo. Ito ay binubuo ng malawak na espektro ng iba’t-ibang pamamaraan na gumagawa ng mga bagay tulad ng marmol, kahoy, bakal, bato; o gumagawa ng balok sa iba’t-ibang bahagi. Sa paggamit ng kombinasyon ng pinta at pampakintab at iba’t-ibang mga kasangkapan, at sa paggawa ng barnis sa ibabaw, ang panghuling hakbang ay gagawin upang mabigyan ng iba’t-ibang itsura ang iba’t-ibang gamit.
 
         Tungkol naman sa pagpinta sa kahoy, ipinapakita ng mga historikal na dokumento na noong sinaunang panahon, ang pagpinta ng kahoy ay sikat na sikat. Subalit, dahil ang kahoy ay mabilis masira ng kalikasan, karamihan ng mga imaheng ganito ay nasira na, at kakaunti na lamang ang natira mula sa malayong nakaraan. Halimbawa, ang mga dekorasiyon sa mga likhang kahoy mula sa iba’t-ibang panahon ay mga pininta. Ang sukdulan ng hindi pangkaraniwang bagay na ito sa Iran ay nakaugnay sa Zandieh at sa Ghajarieh, at makikita natin ang mga ito sa iba’t-ibang gusali sa mga siyudad sa Iran; lalo na sa Shiraz.
 
         Ang mga hakbang sa paggawa ng sining na ito ay nagsisimula matapos gumawa at magdisenyo ng mga bagay na yari sa kahoy tulad ng kahon at tradisiyonal na maliliit na kahon, ''mirror console'', platera, lumang aparador, at iba pa sa pamamagitan ng paglagay ng masilya sa mga ibabaw nito, at pagkatapos ay ang ibabaw nito ay ililiha ito upang ito’y maging handa na para sa ''priming'', at pagkatapos nito ay pipintahan na ito. Ang mga bahagi na pipinturahan ay hinihiwalay, at pipintahan ito ng Patineh. Sa susunod na hakbang, ang obra ay pipinturahan at ang mga pintadong bahagi ay ilalagay sa kuwadro at ihihiwalay mula sa ibang bahagi gamit ang maalon na linya, sa madaling salita, '' sila ay naka kuwadro.'' Pagkatapos matuyo ang pinta, ilalagay ang huling pinta upang ang obra ay makintab at tatagal ang buhay nito. Sa katapusan, ilalagay ang mga naaangkop na bisagra, hawakan, at ''galloons'' sa bawat obra, at ito’y tapos na.
 
Pagpapalayok
 
(Sofalgari)
 
         Tiyak na isa sa mga pinakasinaunang sining ng tao ang pagpapalayok o ''pottery'', na sa maraming kalagayan ay ginagamit upang tukuyin ang edad ng mga natutuklasang sinaunang muwestra at, samakatuwid, ang edad ng isang sibilisasyon.
 
         Ang pinaka unang nadiskubreng muwestra ay nanggaling pa sa panahong 8000 BC at hindi ito ginamitan ng gulong ng magpapalayok at kaidera, kung hindi ay ininit ito sa tabi ng apoy. Sa maraming kalagayan, ang mga sinaunang tao ay gumawa ng mga terakota sa hugis ng tiklis na  gawa sa mga sanga ng puno, at sa ibang kaso naman ay ginagamit nila ang tiklis na iyon bilang isang hulma ng kanilang palayok. Noong 3500 BC, ilang mga simpleng gulong ng magpapalayok ang inimbeto na siyang naging dahilan ng malaking pagbabago sa industriya ng pagpapalayok, kung kaya’t maraming mga paraan ng pagpapalayok tulad ng pagdedekorasyon, pagguhit, pag-uukit at ''relief carving'' ang naimbento. Pagkatapos maimbento ang gulong ng magpapalayok, ang yaring esmalte ay siyang naging pinakaimportanteng rebolusyon sa sining ng pagpapalayok.
 
         Sa kasalukuyan, ang mga sumusunod na sentro ay ang mga lugar kung saan ang sining ng keramika ay ginagawa ayon sa ibat-ibang espesyal na espesipikasyon:
 
         Maibod sa probinsiya ng Yazd: Ang mga keramika na kulay itim na pinalamutian ng naaaninag na esmalte at mayroong disenyong araw, isda, at ibon, ay ang isa sa mga sikat na mga obra ng sentrong ito.
 
         Shahreza sa probinsiya ng Isfahan: mga asul na keramika na mayroong mga itim na disenyo.
 
         Laljin sa probinsiya ng Hamedan: sari-saring keramika na ginawa gamit ang ibat-ibang pamamaraan at gawa sa mataas na kalidad na luwad.
 
         Natanz sa probinsiya ng Isfahan: keramikang gawa sa puting lupa (Kaolin) na ginawa sa pamamagitan ng pag-ukit at ng ''seven color method.''
 
''        '' Mond ng Gonabad: Ang lugar na ito sa probinsiya ng Khorassan ay nagtataglay ng mataas na kalidad na puting lupa at luwad. Ginagawa nila ang mga keramika sa pamamagitan ng ''underlayer ceramic decoration method.''
 
''        '' Tabriz: mataas na kalidad na puting lupa; kaya, ang mga ginagawang keramika dito ay mga simpleng turkesa at pati na rin mga puting keramika na dinisenyohan ng asul na esmalte.
 
         Kelidergan sa Sistan at Baluchestan: Dito, ang mga keramika ay nililikha sa napakasimpleng paraan. Hindi ito ginagamitan ng gulong ng magpapalayok at tanging mga babae lamang ang gumagawa nito.
 
         Estaban sa probinsiya ng Fars: Ginagamit din dito ang puting lupa, at kadalasan ay ang mga terakota ay mayroong mga rosas na disenyo.
 
         Ang pangunahing materyal ng pagpapalayok ay isang klase ng lupa na gawa sa ibat-ibang uri ng lupa at tubig.
 
         Ang mga ginagamit na lupa ay nahahati sa dalawang klase—''Kaolin'' o puting lupa para sa paglikha ng keramika, at ang pangalawang klase, luwad, ay para naman sa paggawa ng terakota.
 
         Ang mga produktong palayok are ginagawa sa pamamagitan ng ibat-ibang pamamaraan tulad ng pagmasa, ''sheeting'', ''tubing,'' at paghulma, at isa pang pamamaraan ay ang paggamit ng gulong ng magpapalayok kung saan ang pagmasa, ''sheeting,'' at ''tubing'' ay nangangailangan ng mas maraming kasanayan at talento mula sa magpapalayok, habang sa mga pamamaraan naman na gumagamit ng gulong ng magpapalayok o grawt o paghubog, ang grawt ay ibinubuhos sa mga molde para gumawa ng yaring keramika.
 
         Dapat banggitin na kalahati ng mga terakota at keramika ay iniinit sa mga kaidera sa 950 hanggang 1000 tsentigreit.
 
         Ang produsyon sa ganitong proseso ay tinatawag na ''biscuit'' na ginagamit para sa pag-esmalto at '' ''paggayak.
 
Iskulturang Bato
 
(Peykar Tarashi Rooye Sang)
 
         Nagmula noong gumawa ang tao ng mga primitibong instrumento mula sa bato, kiniskis ang dalawang piraso ng puyusan para magsindi ng apoy at gumawa ng unang mga bahay gamit ang mga bato galing sa kuweba, ang mineral na ito na tila hamak lamang ay nagkaroon ng napakaimportanteng papel sa buhay ng tao. Ngayong mga araw na ito, ang mga batong pandekorasyon ay ginagamit upang gawing mas maganda at kahanga-hanga ang mga gusali. Ang mahahalagang bato naman na tinatawag na diyamante ay inilalagay sa mamahaling ornamento upang ibenta sa napakalaking halaga.
 
         Ang mga maestro mula sa Iran, Ehipto at Babilonya ay nakagawa ng mga kakaibang obra maestra gamit ang bato, katulad ng mga palasyo, poste, hagdanan, at mga inskripsyon sa bato na kilala sa buong mundo. Maraming istatuwa at piguriliya na natira mula sa panahon ng mga Parthian at Sassanid ang nagpapatunay na simula pa noong unang panahon ay mataas na ang pagsasaalang-alang sa mga iskultura ng Iran.
 
         Ang iskulturang bato ay ang paggawa ng isang istatuwa mula sa piraso ng bato. Ito ay isang proseso na nagpapaliit ng isang materyal kung saan ang isang iskultor, gamit ang mga kasangkapang yari sa metal, ay nagbibigay ng hugis sa isang pirasong bato.
 
         Noong panahon ng Achaemenid (330-559 BC), maiging pinabuti ang iskulturang bato. Ngayon, ang mga ehemplo nito ay matatagpuan sa palasiyo ng Persepolis. Sa mga sumunod na panahon, ang impluwensiya ng sining na mula sa Gresya at ang muling pagbalik ng sining ng Achaemenid sa panahon ng Sassanid ay nagpamalas ng kakaibang sining.  Ang estatwa ng Shahpour sa Bishapour ay isang halimbawa ng panahong ito.
 
         Kamakailan lamang, ang mga gawa ng ilang maestro gaya nina Seddigh at Sanati tulad ng mga estatwa nina Ferdowsi at Omar Khayyam pati na ang mga estatwa ng mga ordinaryong tao ay patunay sa pagiging mahalaga at hindi pagbabago ng sining na ito sa Iran.
 
         Ang mga sedimentariyong bato gaya ng apog, mga batong banyuhay gaya ng marmol, at mga batong mula sa bulkan ay ginagamit sa iskultura. Ang marmol ay isa sa sa pinakamabuting uri ng bato para sa iskultura. Gayon pa man, dahil sa pananatili nitong matibay kontra sa mga pagbabago ng panahon, ang granayt ay karaniwang ginagamit sa paggawa ng mga kahanga-hangang istatuwa.
 
         Mayroong tatlong proseso sa pagpait ng bato, at ito ay ang pangunahin, gitna, at komplimentaryong proseso. Ang mga aparatong ginagamit sa pagpait ng bato ay maaaring niyumatik, mainit, o kinakamay. Kabilang sa mga kinakamay na aparato ang martilyo at iba’t-ibang uri ng pait. Upang tanggalin ang malalaking piraso ng bato, ginagamit muna ang malaking pait; pagkatapos, palapad o pabilog na pait naman ang ginagamit para mabigyang-hugis ang bato. Iba’t-ibang kikil naman ang ginagamit upang patagin ang ibabaw ng bato. Samantala, kapag kinakailangan, iba’t-ibang uri ng barena ang ginagamit para maabot ang kaloob-looban ng bato.
 
'''Tradisyonal na Paggawa ng  Alahas'''
 
'''Traditional Jewel Making'''
 
'''(Javahersaziye Sonnati)'''
 
         1- Mula sa panahon ng Seljuk hanggang sa Ghajar, ang pagdisenyo at paggawa ng tradisyonal na alahas ay karaniwan na gumagamit ng mga tradisyonal na pigura. Ang mga katangi-tanging alahas  ng panahon ng Ghajaray ang karaniwang huwaran ng mga maestro ngayon, ngunit dahil sa kakulangan ng karagdagang impormasyon tungkol sa paraan ng paggawa ng mga alahas, nakakaranas sila ng malaking kahirapan mag eksibit ng magandang palabas.
 
         2- Matapos ang pag katas ng pilak mula sa iba’t-ibang minahan, ang puro na pilak ay hinalo sa tanso at nahulma ang iba’t-ibang magagandang hugis. Ang mga pangunahing bansa gaya ng Switzerland, Turkey, Gresya at Iran ay gumagawa ng pilak upang gamitin sa iba’t ibang industriya. Dahil sa lambot nito, ang purong pilak ay kailangang haluin sa iba pang metal para mahulma ng maayos nang hindi nasisira. Ang metal na para sa '' ''kalakalan ng ''goldsmith'' at ''silversmith'' na tansa ay hindi nababawasan ang kalidad ng pilak at ginto. Ang siyam na raang karat ng pilak ay mas angkop kumpara sa ibang halo ng metal dahil sa mahusay na kakayanan nitong mabanat at mahulma. Sa pag halo ng ginto at pilak kasama ng espesyal na panghinang, ang magagandang singsing na gawa ng mga maestro ay tiyak na makaka-halina sa mata.
 
         3- Sa pag gawa ng singsing, matapos ang pagdisenyo, ang disenyo ay iguguhit sa papel at ididikit sa mga piraso ng pilak o ginto at ilalagari gamit ang panggaya na lagari. Pagkatapos, ito ay ihihinang at ihuhulma sa nais na hugis sa pamamagitan ng paghasa at pagmartilyo. Kapansin-pansin na ang paggawa ng antigong singsing ay nangangailangan ng maraming taong karanasan at pag-aaral kasama ng teknikal na kaalaman sa ''karat,'' pagtunaw, paggulong, at ''metal annealing'' upang makagawa ng magandang komposisyon na magbibigay ng atensyon sa gumawa na nagkaranas ng mabigat na pasan para baguhin ang metal sa hindi pangkaraniwang alahas. Pagkatapos ng paggawa ng singsing, ang paglagay ng bato, na intinuturing maselan at importanteng trabaho, ang tatapos sa kalakalan. Ang mga disenyo ng karpet at pang sariling komposisyon gaya ng mga bulaklak ng ''Shah Abbasi, arabasque'' at ''Khatai'' ay sobrang ganda at pwedeng gamiting sa paggawa ng mga kwintas o hikaw, ngunit ito ay masyadong nakakapagod. Dahil ang mga natatanging bato ay angkop ihulma sa bilog, kahon, habilog, at parihaba. Matapos pakinisin ang nais na bato, pwedeng baguhin ng magandang disenyo ang simpleng hugis sa walang katulad na hugis kasama sa pagtaas ng halaga nito.
 
         4- Ang mga bato gaya ng Turquoise, emerald, agate at ruby sa iba’t-ibang kulay ay nagpapakita ng magandang itsura kasama ang ginto at pilak. Mahalagang mabanggit na ang mga maestro ng ganitong paraan ay sumubok gumamit ng tunay na alahas sa halip ng artipisyal upang matamasa nila ang resulta ng kanilang pagsisikap. Walang maestro ang nagpapa despatso ng kanyang mga produkto nang wala ang sarili niyang tatak sa mga ito upang hindi ito maibenta para sa mga walang karanasan sa tunay na merkado''.'' Kaya, ang tatak ay kailangan talagang gamitin.
 
Pagtatapal ng Malinaw na Esmalte
 
(Mina-ye Khanebandi)
 
         Ang paggamit ng esmalte ay ang mapanlikhang sining ng tubig at apoy na karaniwang ginagamit sa Iran mula pa noong sinaunang panahon. Sa sining na ito, ginagamit ang mga timplada ng salamin sa pagpapalamuti ng sari-saring uri ng metal tulad ng ginto, pilak, at tanso. Maaaring sa panahon pa ng Safavid ang rurok ng pagtatapal ng malinaw na esmalte sa Iran, at ito’y nagsimulang malaos noong panahon ng Ghajar.
 
         Sa ganitong uri ng pagtatapal ng esmalte (Davatgari), ang unang hakbang ay ang paggawa ng nais na dami ng metal sa palihan gamit ang martilyo. Pagkatapos, gamit ang maninipis na pilas ng pilak na tinatawag na “Malileh”, sari-saring pilak na bulaklak at dahon ang gagawin at ihihinang sa ginawang metal mula sa unang hakbang. Ang yugtong ito ay tinatawag na “Farangi Kari,” at nauuna sa pag-esmalte. Ang ginagamit na esmalte sa ganitong mga obra ay esmalteng gawa sa bato, isang kombinasyon ng kwats (panangkap ng salamin) at iba’t-ibang oksido ng metal na bawa’t isa ay nagbibigay ng kanya-kanyang kulay sa kwats. Halimbawa, upang makagawa ng pula, lalagyan ang kwats ng oksido ng ginto at zoto; at para naman makagawa ng berde, hahaluan ito ng oksido ng tanso. Ang unang hakbang ng pag-esmalte ay ang pagpukpok sa esmalte sa loob ng isang almires hanggang ito ay mapulbos. Ang pulbos nito ay gagamitin sa pilas ng pilak, at ito’y ilalagay sa kaidera na mayroong temperaturang 800 hanggang 900 ''degrees centigrade'' upang ang napulbos na esmalte ay matunaw muli. Pagkatapos ng ilang yugto ng pagluto ng esmalte, ang metal ay itutubog upang hindi umitim ang pilak.
 
         Natutunan ni Maestro Farid Forghani ang magandang sining na ito mula sa dating maestro na si Mohammad Javad Sadeghzadeh Zakeri sa Mashhad. Dahilah sa pagpasa ng mga ama sa kanilang mga anak na lalaki, ang sining na ito’y nasasalin sa loob ng pamilyang Zakeri. Umaasa kaming makita ang tuloy-tuloy na pagdami ng mga tagumpay ng mga minamahal na maestro ng aming bansa sa iba’t-ibang lugar sa mundo.
 
Pagkalupkop at Pagsasala-sala ng Kahoy
 
(Mo-arragh va Moshabbak-e Choob)
 
         Mosaik o (na tinatawag na Mo-arragh sa lugar) at pagsasala-sala ng kahoy ay ilan sa mga makalumang yari sa kamay sa Iran.  Ayon sa ibang mga mananaliksik, ang uri ng sining na ito ay ginagawa sa sa Indiya at Iran mula noong makalipas na apat na siglo samantalang binago ang sining na ito ng mga maestro ayon sa kanilang kaparaanan at kagustuhan.  Ang paggamit ng iba’t-ibang klase ng kahoy, kabibi, buto, garing at mga metal, at mga pagbabago sa disenyo ang mga likha ng mga taga-Iran sa parang na ito.
 
         Ang kasaysayan ng Mo-arragh sa kahoy sa pamamagitan ng makabagong pamamaraan sa Iran ay mula pa nang makalipas na 70 na taon.
 
         Samantala, ang jigsaw ay may napakahalagang papel sa sining na ito at ang sining na gaya ng pagsasala-sala sa kahoy.  Mga mahahalagang halimbawa at disenyo ng sining na ito na may mga disenyong arabesko at bulaklak ay kasalukuyang nakatago sa Museo ng Opisina ng Pangtradisyong Sining at Pambansang Sining na may malalaking sukat gaya ng mga mesa at upuan.
 
        Ang mga kasangkapang gamit sa pagsasala-sala ay: papel, kola, barena, jigsaw, gato, papel de liha, martilyo, plais, aluminyo, at katad.
 
         Sa paggawa ng gawang sala-sala, ang mga sumusunod ay kailangang sundin:
 
         Una, ang disenyo ay idinidikit sa tabla, piraso ng metal, o katad na gagamiting likuran, pagkatapos, matapos na markahan ang ilang mga punto, ang mga bahaging kinakailangang gupitin ay binabarena.  Matapos ang yugtong ito, ang mga dagdag na disenyo ay nilalagari ng jigsaw. Sa ganitong paraan, ang natitira ay ang plano na sa pormang sala-sala.  Pagkatapos nito, para pakintabin ang gawa, kinakailangang gumamit ng piraso ng papel de liha.
 
         Ang kinakailangang oras upang makatapos ng gawang sala-sala ay depende sa komplikasyon at kapinuhan ng gawa; samakatuwid, mas komplikado, mas maraming oras ang kailangan.
 
         Sa paggawa ng mosaik, dinidikit muna ang disenyo sa isang piraso ng tatlong-saping kahoy, na kung tawagin ay modelo.  Kinamamayaan, ang modelong ito ay idinidikit sa kahoy, na may mga pako, at pagkatapos ang mga katabing bahagi ay may ingat na nilalagari. Sa yugtong ito, lahat ng mga nalagaring bahagi ay ipinagsasama-sama ayon sa disenyo at ipinagtitibay gamit ang mga pako upang ang mga linya ng disenyo ay malagari.  Sa susunod na hakbang, na siyang paggawa ng likuran, ang tatlong-saping kahoy ay tinatanggal upang makita ang ilang bahagi ng likuran.  Sa pamamagitan ng pagpili ng naaayon na piraso ng kahoy at paglagay nito sa bakanteng likuran, nagsisimulang mabuo ng mga bahagi ang kabuuang gawa.  Dagdag pa sa kahoy, ang kabibi, garing at mga metal ay maaari ring gamitin.  Pagkatapos, isang materyal ang ginagawa na may Serish (isang klase ng pandikit) at pulbos na Amra na napakalagkit upang punuin ang mga uka.  Sa huli, ang panlikurang tabla ay idinidikit sa disensyong gawa sa mosaik.  Ngayon, lahat ng mga yari ay pinapailalim sa matinding presyur at pagkatapos ay pinapakintab gamit ang papel de liha at polyester na materyal.
 
         Kabilang sa mga klase ng mosaik: mosaik na may likurang may pintura, mosaik na may kahoy na likuran, Mo-arragh-e-jaigozin, may sala-salang mosaik, Mo-arragh-e-gerehchini, ginhawang mosaik, at may kalupkop na mosaik.
 
Kaligrapiya
 
(Khosh Nevesi)
 
         Matapos lumitaw ang Islam, ang kaligrapiya ang sining na kung saan ang Koran (ang Banal na Libro ng Islam) ay naisulat. Sa panahon bago lumitaw ang Islam, walang senyales ng kaligrapiya sa Iran pati na sa iba pang ilustrado at may kalingan na mga bansa.
 
         Nang ibinunyag ng Diyos ang Koran, hinirang ng dakilang propeta ng Islam na si Mohammad (Kapayapaan naway ipagkaloob sa kanya) si Ali (kapayapaan naway mapasa kanya), ang unang pinuno ng mga Shiites pagkatapos ng propeta, para magsulat ng mga taludtod at kabanata ng Koran sa buto ng kamelyo, palaspas, at mga balat upang maitala at maprotektahan ang mga ito. Nang makompleto ang pagsulat ng Koran, inutusan ng Diyos ang kanyang dakilang propeta na kopyahin ang Banal na Libro at ipadala ito sa buong mundo. Kaya naman, sinunod ni Mohammad ang kanyang Diyos at naghanda ng maraming bersyon ng Koran.
 
         Sinubukang ng mga sumulat ng Koran na ito ay isulat ng maganda hangga’t maaari, kaya ito ang naging dahilan at naging simula ng kaligrapiya. Ang unang manuskrito na ginamit sa pagsulat ng Koran ay tinatawag na “''oblique naskh” (''Hejazi) at ang pangalawa naman ay tinawag na “''Kufi script”.''
 
''        '' Pagkaraan, ang mga sumulat ng Koran ay gumamit ng pula at dilaw ng kulay para palamutian ang Banal na Libro. Ito ang nagtungo sa pagpapaunlad at pagsulong ng kaligrapiya mula noon. Noong mga daantaon, ang mga Muslim na nagkakaligrapiya at isinalin sa ibang papel ang Koran gamit ang pinakamagandang paraan ng pagsulat. Gumamit sila ng iluminasyon para palamutian pati na rin ang paligid ng mga pahina nito.
 
         Sa panahon ngayon, madaming Koran na sinulat at pinalamutian na nagmula sa mga natira sa sinaunang panahon, na iniingatang mapreserba sa ibang mga sikat na museyo ng mundo. Ang kaligrapiya ay itinuturing sa Islam na isa sa mga pinakamagandang sining at ang kaligrapiya ng Koran ay ang pinakanakakahigit sa lahat ng ibang bagay na pwedeng isipin ng isang tao sa buong mundo.
 
Pandekorasyong Metal na Sala-Sala
 
(Moshabak-e Felez)
 
         Sa lahat ng tradisyonal na sining, ang sala-sala ay mayroong espesyal na lugar. Upang mapaliwanag ang sala-sala, dapat nating sabihing “ito ang pag-alis ng materyal.”  Binibigyan ng hubog ng manggagawa ang  kahoy, metal o matigas na bato sa pamamagitan ng paglagay ng mga tagusan o butas at sala-sala na nagbibigay ng panahon upang ang mabigat na materyal ay maging mas magaan at mas malinaw na kung saan ang mga sikreto, konsepto at mga kahulugan ay mababatid kaysa kung ito ay makapal.  Ngayon, makikita natin ang mga may disenyong sala-sala sa mga pinto, pulpito, dambana, moske at mga palayok na kung saan maoobserbahan ang galing ng manggagawa.
 
         Noong una, mga sala-sala na gawa sa mga may kulay na piraso ng salamin ang makikita sa mga pintuan ng bahay noong kapanahunan ng dinestiya ng Safavid hanggang sa noong makalipas na limampung taon.  Sa kasamaang palad, ang ganitong paraan ay hindi na masyadong ginagamit ngayon.  Ang paggawa ng sala-sala ay umabot sa rurok ng kasiglaan noong dinestiya ng Seljuk na kung saan ang mga manggagawa ay nag-iwan ng mga masisining na sisidlan gaya ng kandelero o patpat na ''agalloch,'' at iba pa na hanggang ngayon ay makikita pa rin sa mga tanyag at importanteng museo sa mundo.
 
         Ang mga aserong pilyego na may sala-sala ay mga produktong pandekorasyon ng pagpapanday kung saan pinipili ng magsasala-sala ang mga aserong pilyego, na tinatawag na sala-salang arabesque na may sariling pinaggagamitan at kung minsan ay kasing-taas ng isang metro, ayon sa kanyang kakisigan at kagustuhan. Ang mga sala-salang gawa sa arabesque ay may pangrelihiyong kahalagahan na ginagamit sa mga seremonyang pagluluksa sa Moharram (ang panahon ng pagkakapatay kay Imam Hussain (ang kapayapaan ng Panginoon ay mapasakanya).
 
         Ang ibig sabihin ng gawang sala-sala (Moshabbak):
 
         Ang gawang sala-sala, o tinatawag na Moshabbak sa salitang Persyano, ay nangangahulugang anumang bagay na magkakahalo, ipinaghalo, lambat-lambat at lambatin gaya ng bintana.
 
         Ang proseso ng paggawa ng sala-sala:
 
         Ang prosesong ito ay kadalasang ginagawa  sa pamamagitan ng maliliit na lagaring pambakal o matutulis na pamutas na pako.
 
         Una, ang napiling disenyo ay iginuguhit sa aserong pilyego.  Pagkatapos, ang kinakailangang bahagi ay binubutasan ng barena.  Pagkatapos nito, ang mga nabutas na puwang ay pinapalapad sa pamamagitan ng kikil o ng lagari para sa bakal, at sa pamamaraang ito, ang mga hindi kinakailangang bahagi ay tinatanggal, at sa huli, ang produkto ay inililiha sa pamamagitan ng papel de liha para ito ay mabigyan ng pinakamagandang porma at pagpapakintab.  Bukod sa Moshabbak, mayroon rin tayong salitang Mo-arragh, na ginagamit sa gawang ipinapaliwanag sa mga sumusunod na paraan.  Ang Mo-arragh ay isang sining na may tatlong sangay, na ang bawat isa ay may kanya-kanyang espesipikasyon: 1. kahoy na Mo-arragh. 2. makinang na baldosang Mo-arragh. 3. metal na Mo-arragh, na kung saan maaaring dahilanan sa kawalan ng kakayahan habang inilalapat ang mga metal at sa pagkakamali habang pinuputol ang mga ito dahil sa pagiging pino at maselan nito kaysa sa naunang dalawa. Para makagawa ng gawang Mo-arragh, pumipili ng partikular na pilyego ng asero ang maestro ng Mo-arragh at hinahati ang mga ito sa kinakailangang sukat na ang kasunod ay ang prosesong pagtanggal ng grasa sa mga pilyego na ginagawa ng dalawang beses.  Pagkatapos nito, pinapakintab ang mga metal matapos itong ayusin at paghiwalayin.  Sa puntong ito, idinidikit ang mga disenyo sa metal at pagkatapos ay ginugupit ito sa pira-piraso gamit ang panghilis at lagari.  Matapos hugasan ang metal, ito ay pinipinturahan ayon sa pangunahing disenyo, sa pamamagitan ng pagpili ng nararapat na pilyego, kuwadro at salamin. Sa huli, ang yari ay ikinakabit sa naunang napiling pilyego at sa pamamaraang ito, ang masining na yari ay natatapos.
 
Paggawa ng mga Naka-entrepanyong Bintana
 
(Orodi Sazi)
 
         Ang mga pinakalumang obrang yari sa kahoy na sala-sala (Gereh Chini) at mga naka-entrepanyong bintana o ''sash windows'' ay mga lumang pinto na nauugnay sa hulihan ng panahon ng “Zand” at sa simula ng panahon ng “Qajar.”  Ang mga ito’y naroon sa museo ng Sanandaj, ang sentro ng probinsya ng “Kordestan.”
 
         Ang mga magagandang naka-entrepanyong bintana sa edipisyo ng “Khosrow Abad” mula sa panahong “Fath Ali Shah” ay ang iba pang mga obra maestra ng sining na ito.
 
         Ang pinagmulan ng mga pinong gawang-kahoy sa kasalukuyang panahon tulad ng mga kinalupkop o kaya’y ''relief works'' sa Sanandaj ay mahahanap sa mga eleganteng sining ng sala-sala at mga naka-entrepanyong bintana ng mga sinaunang panahon.
 
         Ang naka-entrepanyong bintana ay isang uri ng nakahabing na bintanang gawa sa kahoy na mayroong dalawang kuwadrong natutulak pataas at pababa sa halip ng pag-ikot sa kinasasalalayan. Ang ganitong uri ng bintana ay ginagamit sa mga lumang villa at pabilyon sa malalamig na parte ng bansa.
 
         Ang pambihirang katangian ng naka-entrepanyong bintana sa edipisyo ng Sanandaj ay ang pagkakaroon nito ng magkahalong geometriko at Islamiko ''o'' Arabeskong disenyo na ginamit sa paggawa nito. Ang mga geometrikong disenyo na ito ay karamiha’y mayroong walo o labindalawang gilid.
 
         Ang mga naka-entrepanyong bintana ay nahahati sa dalawang grupo: bintanang pang tag-init at bintanang pang taglamig. Sa mga pang taglamig na naka-entrepanyong bintana'','' ang mga parteng nilambat ay papalamutian ng mga makukulay na salamin, at ito’y makakadagdag sa kahalagahan ng bintana.
 
         Sa isang naka-entrepanyong bintana, ang mga geometrikong hugis ay nabubuo ng dalawang bahagi: ang una ay ang mga kasangkapang yari sa kahoy na magdudugtong sa mga naukit na piraso ng kahoy upang makabuo ng mga geometrikong hugis, at ang pangalawa naman ay ang iba pang kasangkapang yari sa kahoy na nagkakabit ng mga geometrikong hugis upang mabuo ang mga naka-entrepanyong bintana''.''
 
''        '' Ang paggawa ng naka-entrepanyong bintana sa Sanandaj ay isang kahanga-hangang sining na pinagsasama ang mga pinong piraso ng kahoy, kaluwalhatian ng Islamiko at geometrikong mga hugis, at ang kislap ng mga makukulay na salamin.
 
Kabibi at Pagkalupkop at Pag-uukit ng Kahoy
 
(Moarragh-Monabbat-e Sadaf va Choob)
 
(Seashell and Wood Inlaying and Carving)
 
         Ang pagkalupkop ng kahoy ay isa sa mga sining na nakaka-akit sa sino mang makakita dito. Ngunit ito ay mas nagiging kaakit-akit pag ito ay napalamutian ng pag-uukit. Higit pa dito, ang sining na ito ay kayang mapahanga at ipabighani ang mga metikulosong tao. At saka, ang magandang sining na ito ay dinagdagan ng kabibi sa malikhaing paraan.
 
         Sa kasamaang palad, kakaunti na lang na mga artist ang lumilikha ng ganitong uri ng malikhaing sining sa panahon ngayon. Marahil ito ay dahilan sa kinakailangan nito ang mahabang pasensya at oras upang malagari nang maigi ang mga ninanais na bahagi at ikabit ang mga ito sa isa’t-isa, at mapakintab at mabarnisan ng maayos upang makalikhang ng nakasisindak na sining.
 
         Kabilang sa mga artist na naglalaan ng oras at pasensya sa paglikha ng nakasisindak na mga sining si Mahmood Saied Dehaghi na ipinanganak sa Behshahr at lumaki sa Sari, na kung saan walang maestro ang maaaring mag-turo sa kanya ng paraan nang pag likha ng ganitong sining. May higit na tatlumpung-limang taon ng kahanga-hangang talaan, si Ginoong Dehaghi ang nagtatag ng Moarragh at pagkalupkop ng kahoy sa kabibi at kahoy gamit sa pamamaraan ng pagkabyaw. Ang sining na ito ay nakarehistro sa kanyang pangalan sa ''State Organization of Technico-Vocational Training'', pati narin ang pamantayan nito na klase 1 at klase 2 sa pandaigdigang alituntunin.  Sa ngayon, si Ginoong Dehaghi ay nakalahok na sa isang daang eksibisyon upang ipakita ang kanyang mga nilikhang sining.
 
         Upang makalikha ng inukit at kalupkop na kahoy at kabibi, kailangan sundin ang mga sumusunod:
 
         Una sa lahat, linisin ang mga kabibi upang maguhit ang nais na disenyo sa mga ito. Pagkatapos ay gupitin ang kabibi ayon sa hulma ng iginuhit na disenyo gamit ang matalas na lagari. Ang susuunod na dapat gawin ay ang pagpapakintab at pagbarnis ng mga nagupit na kabibi. Pagkatapos ay dapat iguhit ng artist ang disenyo na nais niyang ikalupkop sa kahoy. Ang susunod na hakbang ay ang pag- ukit ng nakakaupkop na bahagi, maayos na paglagay ng naka handang kabibi at kahoy sa tamang lugar, pagkalupkop at pagbarnis ng wakas na produkto, na kung saan ay mabibighani ang karamihan kasama na din ng mga taong hindi mahilig sa mga sining.
 
Pagsunog at Pagkalupkop ng Katad
 
(Soohkt Moarragh-e Poost)
 
         Lumitaw ang sining ng pagsunog at pagkalupkop ng katad noon pang panahon ng Timurid sa Harat.
 
         Kabilang ang pagdisenyo, pagsunog, pagkalupkop, at paggamit ng ginto sa iba’t-ibang uri ng katad—tulad ng masyadong manipis at mahunang katad (Rokh Poost), katad ng kambing (Timaj), at katad ng tupa (Mishan)—sa pamamaraan ng paggawa ng mahalagang yari sa kamay na ito.
 
         Sa simula ng ika-10 siglo pagkatapos ng ''Hijra,'' noong panahon ng Safavid kung saan ang pangunguna ng sining sa mundo ng Islam ay nakadirekta sa Asya at lalo na sa Iran, natamo ng sining na ito ang sukdulang pagyari at ito’y iginawa na noon sa Esfahan at Tabriz at pati na rin sa ibang bansa tulad ng Indiya at ang imperyo ng Ottoman (sa Constantinople).
 
         Ang pagsunog at pagkalupkop ng katad ay dating iginagamit lamang sa paggawa ng takip ng mga Qur’an at ibang mga importanteng sulat-kamay na libro hanggang sa taong 1900.
 
         Mula noon, ang magandang yari sa kamay na ito ay inilahad ng ilang sikat na mga maestro tulad nila Mir Mohammad Moalem Khoshnevis at Agha Taghi Kalbasi sa anyo ng mga napakahalagang tableta. Sa ilang mga kapanahonan, maraming mga maestro kabilang na sina Hosein Khoshneviszadeh, Hosein Khataie, Ali Khoshneviszadeh, at ilan pa ang nagpatuloy sa paglikha ng kahali-halinang yari sa kamay na ito.
 
         Upang magsunog at magkalupkop ng katad, ginagawa ng mga maestro ang mga sumusunod na hakbang:
 
         -Gumuhit ng mga disenyo sa katad.
 
         -Isunog at ikalupkop ang disenyo.
 
         -Iguhit ang paksa ng mga disenyo sa isang piraso ng manipis na katad (Rokh Poost).
 
         -Maingat na idikit ang nakalupkop na bahagi sa likuran.
 
         -Ibalot ang bahagi na ito sa katad ng kambing (Timaj).
 
         -Kuwadruhan at ayusin ang likuran.
 
         -Kalupkupan ang kuwandro ng mga espesyal na disenyo.
 
         -Takpan ang ibang bahagi ng ginto.
 
         -I-highlight ang lahat ng parte at linya.
 
         -Gumuhit at maghighlight ng mga bulaklak, ibon, hayop, at natural na paysahe sa lahat ng       bahagi.
 
         -Lagyan ng purong ginto ang mga ''highlighted'' na bahagi at iba pang parte.
 
         -Gumawa ng kuwadro gamit ang luma at tuyong kahoy.
 
         -I-highlight ang lahat ng bahagi ng kuwadro sa pamamagitan ng pagguhit ng mga espesyal na           disenyo.
 
         -Barnisan ang kuwadro upang ito’y maging matibay at makintab.
 
         Base sa mga napakahalagang mga obra na makikita sa mga museyo (sa Iran at sa iba pang parte ng mundo), ang sining na ito ay iginamit sa paggawa ng mga takip ng Qur’an at iba pang mahahalagang sulat-kamay na libro hanggang sa katapusan ng panahon ng Qajar, at pagkatapos noon ay iginamit na sa mga mahahalagang likhang sining.
 
Paggawa ng Baldosa
 
(Kashi Kari)
 
         Bagama’t ang sining ng ladrilyong meron esmalte ay nagsimula pa noong nakaraang taltong libo at limang daang taon, ang mga natitirang yari simula ng panahon ng Achaemenid ay ginawa noong 500 B.C, at ang naka esmalteng ladrilyo na may partikular na disenyo ay nagsasaysay ng agham na galing sa Iran ang sining na ito. Makalipas ang mahabang panahon, partikular na ang panahon ng Islam, ang sining na ito ay ginamit sa pamamagitan ng mga bagong pagsasagawa kasama ng mga bagong disenyo at iba’t-ibang paraan bilang kulay ginto at gawain na may nakakalupkop na pitong kulay (Mo-arragh, na tawag ayon sa wika ng Persya). Ang tibay at pananatili ng sining na ito ay dahil sa mga pagtangka ng ilang mga maestro at mga maestro katulad ng yumao na si Mohammad Maasumzadeh, ang yumaong Hossein Kashitarash, ang kanilang mga pamilya at mga anak sa nakaraang walumpung taon.
 
         Sa kasalukuyan, ang Isfahan ay siyudad kung saan ang pinakamaganda sa may pitong kulay, nakaesmalte at makintab na Mo-arragh na baldosa ay ginawa bilang palamuti ng  ariketktura na parte ng mga bansang Islamic.
 
         May dalawang paraan ng paggawa ng Mo-arragh at ng may-pitong-kulay na baldosa na nakapaliwanag, hangga’t maaari sa pinakasimple, sa ibaba:
 
         Sa Mo-arragh na yari, una, ang mga disenyo gaya ng arabeque, pabulaklak o geometriko ay gagawin at ihahanda sa ilang kopya para sa susunod na hakbang kasunod kung saan ang mga nakapinta na disenyo na may piling kulay para sa bawat isang parte ay ihahanda. Pagkatapos, ang mga disenyo ay gugupitin ng maayos para sa bawat parte na ididikit sa may esmalte na baldosa. Sa hakbang na ito, bawat parte ay bibigyan ng numero ng sobrang ingat hangga’t maari. Ngayon, ang mga maestro ng yaring baldosa ay magsisimula nang pumili ng parte na kung saan pwedeng isang daang maliliit na piraso, kasunod ng pagpapakinis ng napili at paggupit ng mga piraso sa partikular na pino. Sa huling hakbang, ang pangalawang kopya ng pangunahing disenyo ay ikakalat sa makinis at patag na ibaibaw para mailagay nang sunod-sunod ang mga maliit na piraso, ayon sa kanilang numero, sa ibabaw. Ngayon, ang likod ng buong yari ay dapat matakpan ng plaster, semento at buhangin na argamasa.
 
         Sa pitong-kulay na paraan, ang mga baldosang nakabalot sa puting esmalte at ng kinse sa kinseng sentimetro na lapad ay ipagsasama. Pagkatapos, ang mga disenyo ay gagawin sa ibabaw ng mga ito. Pagkatapos ng proseso na ito, ang mga baldosang binigyan ng numero noong una ay inilalagay sa pugon upang ang kanilang mga disenyo ay mahurno ng maayos. Ngayon, pwede na sila isabit sa dingding, kupola at sa iba pa.
 
Pagkalupkop ng Turkesa
 
(Firoozehkoobi)
 
         Ang pagkalupkop ng turkesa ay isang sining kung saan ang isang suson ng maliliit na piraso ng turkesa ay ididikit sa ibabaw ng mga bagay na gawa sa metal at burloloy, at ito’y makakalikha ng mga napakahahalagang obra. Ang pagkalupkop ng turkesa sa Iran sa paraan ng paggawa nito ngayon ay parte ng nakaraang 100 taon ng kontemporaryong sining, ngunit tulad ng ibang natitira pang mga sining, mayroon itong sinaunang kasaysayan sapagka’t ang kasiningan ng paglagay ng maliliit na piraso ng mga bato at makukulay na mosaik sa tabi ng isa’t-isa ay mayroong lumang kasaysayan hindi lamang sa Iran kundi pati na rin sa buong mundo, at ito’y ang talento ng isang maestro na kayang magpabago ng isang disenyo sa pamamagitan ng pagpalit ng sarili niyang naaangkop na mga elemento. Ang pagkalupkop ng turkesa sa pangkalahatan ay nagbago mula sa pagpapalamuti ng ibabaw ng mga metal tulad ng ginto at pilak at paggawa ng mga burloloy na yari sa tumbaga, tanso, at iba pa na ginagawa lamang sa Isfahan. Ang tagakalupkop ay gagawa ng salig base sa disenyo ng turkesa, kung saan ang paligid ng mga inilagay na turkesa ay nakaangat ng 2 hanggang 3 milimetro. Pagkatapos bumili ng pira-pirasong turkesa mula sa mga minahan sa Mashhad, Damghan, at Neishaboor, depende sa paraan ng paggamit, sila ay susuriin at ihihiwalay ang mga hindi kailangang piraso. Pagkatapos ng hakbang na ito, ilalagay ng tabi-tabi ang mga pantay-pantay na butil ng turkesa sa ibabaw ng pinakakatawang bahagi ng obra upang lumiit ang pagitan ng mga ito. Para sa layuning ito, sabay na iiinit ang metal na bahagi hanggang 300°C gamit ang isang ''torch'' at papahiran ng pulbos na barnis. Mabilis na matutunaw ang pulbos na ito at mababalot nito ang ibabaw ng ginagawang obra. Pagkatapos ay iinitin muli ang pinakakatawang bahagi at ilalagay ang mga piraso ng turkesa sa natunaw na barnis ng tabi-tabi, at sa sunod na hakbang, magpapahid ng pulbos na barnis sa ibabaw ng kalupkop na turkesa at iinitin ito upang lahat ng butas sa ibabaw ng obrang ito ay mapuno. Sa katapusan, pagkatapos ng dalawang beses ng pagpahid sa metal na bahagi at sa ikinalupkop na turkesa, ang mga sobrang bahagi ng mga bato ay iaalis at ang ikinalupkop na turkesa ay ipapakintab gamit ang langis ng oliba at langis ng linga upang ang bahaging ito ay kasing kintab ng katawan nito. Ang pagkapantay ng mga batong turkesa ay ang katangian na pinakamahalaga. Ang kulay-langit ng turkesa, kakulangan ng pagkaberde, at kaputlaan nito ay ang ilan pa sa mga katangian na nagdadagdag sa halaga ng sining ng pagkalupkop ng turkesa.
 
Pag-uukit ng Kahoy
 
(Monabbat Kari)
 
         Talagang malinaw na sa pamamagitan ng sining na ito, ang mga tao ay gumagawa ng hagdan, karwahe at kagamitan sa bahay bago pa man ang dinastiya ng Achaemenidae. Ang mga mananaliksik ay nakahanap ng disenyo ng lunas kung saan may isang babaeng pinapakita na nakaupo at naghahabi sa harap ng maliit na lamesa kung saan sa ibabaw nito ay may mga prutas at isda. Hinggil sa lamesa, kailangang banggitin na ang mga binti at pagitan ng mga ito ay masining na inukit, na kung saan nag papahiwatig kung gaano ka pamilyar ang mga artist sa ganitong uri ng sining.
 
         Mataas ang kinalalagyan ng sining na ito noong mga kapanahunan ng Achaemenidae at Sassanide. Sa hilagang-silangan na bahagi ng Persepolis, may mga nahanap na tatak, na kung saan ilan sa mga kahulugan ay nagpapahiwatig ng pagbayad ng sahod sa mga maestro ng sining ng pagkalupkop.
 
         Paano gumawa ng kahoy na inukit:
 
         Ikakabit natin ang piraso ng kahoy na ikakalupkop sa pangsalansan o ikakalupkop ito sa pangmanu-manong pangsalansan na lamesa.
 
'''        ''' Ang likuran ng ibabaw ay pwedeng ukitin gamit ang patag na panukol, kung saan ay tinatawag na likuran ng kahoy na inukit. Pwede rin ito putulin gamit ang barena at lagari upang maalis ang pangunahing disenyo. Sunod dito, pagkatapos maputol ang paligid ng likuran, ang inukit na sala-salahan ay magagawa. Sa inukit na sala-salahan, ang yari ay ihihiwalay palayo sa disenyo, at ang palibot nito ay puputulin maya-maya. Pagkatapos nito, ilang mga bahagyang parte ng kurba at loob ng yari ay kikikilin, na tinatawag na Seftkari o tinrabahong ibabaw para gawin itong mahina, ang mamantikang ibabaw naman ay handa na para ukitin. Pagkatapos noon, ang dulo ng panukol ay ilalagay sa pagitan ng palad ng kamay o ng aparato na tinatawag na Takhmagh para gupitin ang paligid ng yari para ang likuran nito ay bababa nang mas malalim hangga’t maari, lahat ay parehas ang lalim. Ngayon, panahon nang pakintabin ang yari gamit ang panukol o ibang aparato na tinatawag na Lisseh. Sa lahat ng hakbang ng yari na ito, kahit sa paggawa ng likuran o ng pagukit, pinagsikapan ito para maigalaw ang panukol pakanan para makaukit ng mga bulaklak at tangkay, na magbibigay ng magandang pagyari. Tayo naman ay gagawa ng ilang dagok sa mga dulo ng iba’t-ibang panulok gamit ang palad ng kamay para makaukit sa ibang parte ng yari. Sa paraan na ito, magagawa ang ayon sa hinahangad na disenyo, mga kurba, mga diretsong linya, palubog at nakaumbok na mga parte ng inukit na kahoy.
 
Pagkalupkop at Pag-uukit ng Kahoy
 
(Moarragh – Monabbat -e Choob)
 
         Ang sining na binubuo ng pag-uukit sa mga piraso ng kahoy na may kalupkop at ang paglikha ng mga alsadong disensyo sa mga ito ay tinatawag na pagkalupkop at pag-uukit ng kahoy.
 
         Ang kasaysayan ng eleganteng sining na ito ay bumabalik sa kapanahunan ng “Sasanid.” Noong panahon na ito, ginagamit ang mga kuwadradong kahoy sa paggawa ng mga kahoy na nakadabteil sa pagtayo ng mga gusali.  Iba’t-ibang mga imahe ang iniuukit sa mga kuwadradong kahoy  na ito gaya ng (imahe ng) tao, bulaklak at mga disenyong basal.
 
         Noong makapasok ang Islam sa Iran, naging pangkaraniwan ang paggamit ng mga pulpito, pinto, bintana at iba pa na may gayak na pagkalupkop at pag-uukit na sinamahan ng mga disenyong geometriko, magkahilerang uka, mga “frieze”, mga pangalan ng mga banal (na Imams), mga disenyong tatsulok (disenyong mabulaklakin), mga disenyong Islamiko, mga disenyo ng bulaklak at mga palma ng datiles, mga likong palamuti at pabilog na disenyo, at mga imahe ng hayop at mga tao.
 
         Pagkatapos noon, nagkaroon ng malaking pagbabago sa mga disenyo at pagsagawa ng mga gawang kahoy sa panahon ng Safavid.  Ang mga gawa sa kapanahunang ito ay napaka elegante at matibay.  Ang mga ito ay gawa ayon sa disenyo at kultura ng Iran.  Mga gusaling gawa sa kahoy, at mga parte nito gaya ng mga poste, kisame, pinto, bintana at iba pang mga ginagamit na bagay gaya ng patungan ng aklat (patungan ng Qur’an), mga kahon, mga kuwadro, upuan at mga instrumentong pang-industriya at agrikultura ang ilan sa mga gawa sa panahon na ito.
 
         Dahan-dahang lumala ang sining sa paggawa sa kahoy matapos ang pangangasiwa ng Safavid, lalo na noong kapanahunan ng Qajar.  Sa  pangkalahatan, dalawang kalakaran ang makikita sa mga gawang kahoy sa panahong ito. Sa una, mga pagsisikap na magaya ang mga disenyo at estilo sa mga naunang panahon, at sa pangalawa, ang paggaya sa mga pamamaraan at kalakarang galing sa Europa.  Dalawang klase ng pag-uukit ng kahoy ang maiuugnay sa panahong ito, ang isa ay ang pag-uukit ng kahoy na gamit ang kalakarang Safavid na may mga disenyong galing sa Iran at mababa ang kalaliman (bihirang makita) at ang isa ay ang pag-uukit ng kahoy na galing sa Europa na kabilang ang mataas na lalim at mga disenyong galamay-amo (na kadalasang makita).
 
         Kinakailangan na lagariin ng manggagawa ang kahoy at ihanda ang mga kinakailangang mga bahagi gaya ng pagkalupkop upang makagawa ng pagkalupkop at pag-uukit ng kahoy.  Ang pag-iisa, paghugpong, at pag-ayos ng mga parte ang pangalawang hakbang.  Sa wakas, ang mga bahaging ito ay kinakailangang ikabit sa pang-ibabaw na panig.
 
         Ang mga sumusunod na mga kasangkapan ang ginagamit sa pagkalupkop at pag-uukit ng kahoy: lagari, lagaring pino, lagaring pambakal, tablang may uka, pang-uka, salansan, martilyo, kikil, kikil na magaspang, lagaring panlalik, katam, panghasa, plais, pangkaskas, makinang pangtapos, maliit na barena, mga pako, iba’t-ibang pait, sipit at malambot na martilyo.
 
         Iba’t-ibang mga kahoy na may iba’t-ibang kulay at kalidad ang kinakailangan upang makagawa ng pagkalupkop at pag-ukit ng kahoy.  Sa pagpili ng nararapat na kahoy, ang pagkatuyo, tibay at iba pa ang mga kinakailangang isaalang-alang.  Ang iba pang mga materyales gaya ng kabibi, garing, at sari-saring metal ay ginagamit sa pagkalupkop at pag-uukit ng kahoy.
 
Isang Buod sa Disenyo ng Karpet
 
(Tarahi-e Nagshe Farsh)
 
         Itinatala ng isang taga-disenyo ng karpet ang kultura at mga kagustuhan ng mga tao sa lugar na kung saan siya nakatira.  Ang Iran at ang mga pangunahing hangganan nito, mula sa Tajikistan, Turkmenistan, Azerbaijan, Armenia, Turkey at Iraq hanggang sa Afghanistan at Pakistan, ay isang bansang maraming iba’t-ibang klima.  Kung kaya’t ang mga ito (na nabibilang sa ilang daang makatotohan at abstract na istilo) ay mahahanap sa pamamagitan ng mga simbolo at mga disenyong naitala sa bawat teritoryo.
 
         Ang mga taga-disensyo ng karpet, sa paggamit ng mga disenyo at simbolong walang buhay, ay nagbibigay buhay sa walang siglang bingkong at habin, na naglalaman ng nakapapawing kultura ng bansa.  At marahil sa pamamagitan ng pinakalumang karpet sa mundo (pazirik) na may mga magaganda at kamangha-manghang disenyo na habi noong 5000 B.C., mapapagtanto nino man ang maningning na kultura ng Iran.  Sa kasaysayan ng sining ng karpet, libo-libong mga kultura, sibilisasyon, tribo at mga soberano ang gumamit ng mga karpet galing sa Iran kung kaya’t naging dekorasyon ang mga ito sa maraming mga museyo sa mundo.
 
         Bagaman marami sa mga mahahalagang disenyo, plano at mga yari sa Iran ang nakalat sa mundo at naibaon na sa limot, masasabing ang karpet ay nananatili pa ring bahagi ng kasaysayan ng bansa.
 
         Noong unang panahon, ang sining ay limitado sa isang lugar.  Halimbawa, bagama’t walang paraan ang isang manlilikha na maging pamilyar sa ibang lugar, maaaring may isang mangangalakal o biyahero na mapadaan ang magdala ng isang likhang sining. Yaong mga taong nagtatrabaho sa ganitong pamamaraan, bago pansinin ang taktika at kagustuhan ng kanilang mga parokyano, dahil sa sila ay hiwalay sa karatig nila, inuuna nila ang kanilang mga pangangailangan, gaya ng mga simpleng alpombra.
 
         Sa kasalukuyan, marami ang nagtatangkang ihalo ang iba’t-ibang salik gaya ng paggawa ng baldosa, plaster, inlay, mga inskripsyon sa bato at iluminasyon ng mga libro sa mga moske o libingan ng mga santo, sa mga bagong palasyo o mga lumang bahay o caravansary upang ang mga ito ay makapaglaman ng pagkakaisa ng mga sinaunang disenyo at pagtatanghal, bukod sa mga tanyag na makabagong kaagaw, ang orihinalidad at kabantugan ng kultura at sibilisasyon ng Iran.{{Infobox Country
|native_name = <span style="line-height:1.33em;"><big> جمهوری اسلامی ايران </big><br />''Jomhuri-ye Eslāmi-ye Irān''</span>
|conventional_long_name = <span style="line-height:1.33em;">Islamic Republic of Iran</span><br />Republikang Islamiko ng Iran