Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Napananatiling kaunlaran"

Typo
(inayos ang pagkakasulat)
(Typo)
Tatak: Pagbabagong ginawa sa pamamagitan ng mobile Pagbabagong ginawa sa pamamagitan ng mobile web
 
[[File:Windmills D1-D4 - Thornton Bank.jpg|thumb|upright|[[Hangin]] ang nagpapatakbo sa mga [[wind turbine]] sa isang [[wind farm]], 28 km mula sa baybayin ng Belgium.]]
Ang '''napananatiling kaunlaran'''<ref>{{cite web|url=https://www.facebook.com/unicmanila/posts/find-below-the-translated-un-sec-gen-message-on-the-new-agreement-to-eliminate-m/585029498215320/||publisher = United Nations Information Centre (UNIC) Manila|accessdate = 20 Marso 2019| date = 10 Hunyo 2013 | title = UN Sec-Gen message on the new agreement to eliminate malnutrition }}</ref> o '''''sustainable development''''' ay ang prinsipyo upang makamit ang mga mithiin ng [[kaunlarang pantao]] habang napananatili ang kakayahan ng kalikasan na magbunga ng [[likas na yaman]] at ''ecosystem services'' kung saan nakasalalay ang [[ekonomiya]] at [[lipunan]]. Ninanais nito ang isang lipunan kung saan ang kondisyon ng pamumuhay at paggamit ng likas yaman ay patuloy na makatutugon sa pangangailangan ng tao nang hindi isinawawalangisinasawalang-bahala ang integridad at katatagan ng sistema ng kalikasan. Masasabi na ang napananatiling kaunlaran ay ang kaunlaran na nakatutugon sa pangangailangan ng kasalukuyan nang hindi inilalagay sa alanganin ang kakayahan ng mga susunod na henerasyon.
 
Bagaman ang modernong konsepto ng napananatiling kaunlaran ay halos hinango lahat mula sa ulat ng 1987 Brundtland Commission, ang konseptong ito ay hindi na bago, at may hinango rin sa napananatiling pamamahala ng kagubatan at mga isyung pangkapaligiran noong ika-dalawampung siglo. Habang lumalawak ang konsepto, natuon ang pokus nito sa [[kaunlarang pang-ekonomiya]], [[kaunlarang panlipunan]], at proteksyon ng kapaligiran para sa mga susunod pang henerasyon. Iminungkahi na ang taguring 'napananatili' ay dapat unawain bilang mithiin ng sangkatauan na magkaroon ng ''human-ecosystem equilibrium'' (homeostasis), habang ang 'napananatiling kaunlaran' ay tutukoy sa holistikong hakbang at mga panandaliang proseso na maghahatid sa atin sa dulo ng pagpananatili.<ref>{{Cite journal |last=Shaker |first=Richard Ross |date=Setyembre 2015 |title=The spatial distribution of development in Europe and its underlying sustainability correlations|language = Ingles |url=http://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S0143622815001745 |journal=Applied Geography |volume=63 |pages=<!-- 304–314 --> |at=p. 35 |doi=10.1016/j.apgeog.2015.07.009}}</ref>
9,043

edit