Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Pananaliksik"

m
Ibinalik ang mga pagbabago ni 103.244.193.12 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni WikiBayer
(a)
m (Ibinalik ang mga pagbabago ni 103.244.193.12 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni WikiBayer)
Tatak: Rollback
Ang '''pananaliksik'''<ref name=FEEF2>{{cite-FEEF2|Pananaliksik, manaliksik, ''research''}}</ref> ay ang proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon na humahantong sa [[kaalaman]]. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang nalalaman o napag-alaman na. Matatanggap ang karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng pagpapatunay ng mga panukala (teoriya) o mga pamamaraan (o sistema), at sa pagsubok sa mas mainam na pagpapaliwanag ng mga napapansin o obserbasyon. Isang prosesong mapagsuri, sistematiko o maparaan, organisado o nakaayos, at walang-kinikilingan (obhetibo). Nararapat na masagot ng prosesong ito ang isang katanungan o hipotesis. Sa ganitong paraan, dapat itong nakapagpapataas o nakapagdaragdag ng kaalaman hinggil sa isang hindi nakikilalang bagay na ibig mapag-alaman pa ng mga mamamayan.
Ang salitang pananaliksik ay nagmula sa Gitnang Pranses na "recherche", na nangangahulugang "upang maghanap", ang termino mismo ay nagmula sa Old French term na "recerchier" isang tambalang salita mula sa "re-" + "cerchier", o " serero ", nangangahulugang 'paghahanap'. Ang pinakaunang naitala na paggamit ng termino ay noong 1577.<br />
 
Bukod sa pagbibigay tugon sa mga katanungan, isa pang layunin ng pananaliksik ang makahanap ng solusyon sa isang problema o suliranin. Karaniwang naghahanap ang isang '''mananaliksik'''<ref name=JETE/> ng mga kaalaman mula sa mga [[aklatan]] upang malaman kung ano ang mga napag-alaman hinggil sa isang bagay, kabilang ang mga maaaring nakalimutan nang kaalaman. Maaaring naghahanap-buhay ang isang '''tagapagsaliksik''' o '''tagasaliksik'''<ref name=JETE>{{cite-JETE|Saliksik}}</ref> sa isang [[klinika]], [[laboratoryo]], o kaya isang [[planetaryo]]. May mga mananaliksik na naghuhukay ng lupa para mapag-aralan ang mga guho ng mga sinaunang mga kabihasnan o magsagawa ng mga pag-aaral hinggil sa mga hubog ng mga bato. Maaari rin siyang maglakbay sa [[kalawakan]] para pag-aralan ang [[sanlibutan]].<ref name=NBK>{{cite-NBK|Research, basic and applied research}}</ref>
 
== Kasaysayan ==
[[Talaksan:Galileo.arp.300pix.jpg|thumb|right|Kay [[Galileo]] nagsimula ang makabagong gawi sa pananaliksik.]]
Isinilang ang gawaing pananaliksik ng magsimulang magtanong ang mga naunang mga tao sa mundo hinggil sa mga bagay-bagay at nagsimula ring maghanap ng mga kasagutan para sa mga katanungang ito. Halimbawa ng mga ito ang mga lumikha ng [[gulong]] at ang mga nagsipagtala ng mga paggalaw ng mga [[bituin]] ng [[kalangitan]]. Subalit nagsimula lamang ang tunay na makabagong gawi sa pagsasaliksik dahil kay [[Galileo Galilei]] noong mga [[1500]].<ref name="NBK">{{cite-NBK|Research, basic and applied research}}</ref>
 
== Mga gawain ==