Apostol Pablo: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
m →‎Pangitain ni Pablo ni Hesus: clean up citations using AWB
Lam-ang (usapan | ambag)
+refs, ce
Linya 30:
 
===Mga posibleng impluwensiyang pagano===
Siya ay nagmula sa isang taos pusong pamilyang Hudyo sa siyudad ng [[Tarso]].<ref name="Montague, George T. 1966"/> Ayon sa mga skolar, ang Tarso ang pinakamaimpluwensiyang siyudad sa [[Asya menor]] sa panahon ni [[Dakilang Alejandro]].<ref>Wright, G. Ernest , ''Great People Of The Bible And How They Lived'', (Pleasantville, New York: The Reader’s Digest Association, Inc., 1974. ASIN: B000OEOKL2</ref> Ang [[Stoisismo]] ang nananaig na [[pilosopiya]] doon. Mabigat na sumasalim sa pilosopiyang Stoiko ang mga [[sulat ni Pablo]] upang tulungan ang mga bagong akay na [[hentil]] na maunawaan ang salita ng diyos.<ref>Kee, Howard and Franklin W. Young, ''Understanding The New Testament'', Englewood Cliffs, New Jersey, Prentice Hall, Inc. 1958, pg 208. {{ISBN |978-0139365911}}</ref> Ang mga [[sulat ni Pablo|liham ni Pablo]] na ayon sa mga skolar ay orihinal na isinulat sa [[wikang Griyego]] ay may pagkakatulad at posibleng hinango mula sa mga [[pilosopiyang Griyego]] na [[Stoiko]] (halimbawa sa Filipos 4:2-9, Col 3:1-17, 1 Thes 4:1-12), [[Platonismo]] (halimbawa sa {{bibleverse||Colosas|1:18}}, {{bibleverse||Efeso|1:22}}, {{bibleverse|1|Corinto|12:14}}, {{bibleverse|2|Corinto|4:16-5:10}})<ref>Ayon kay [[Plato]]:"Una at pagkatapos ay mga diyos na gumagaya sa sperikal na hugis ng uniberso na nakasara sa dalawang mga makadiyos na kurso sa isang sperikal na katawan na, ating ngayong teterminuhang ulo na pinakamakadiyos na bahagi natin at ang panginoon ng lahat na nasa atin; dito, ang mga diyos kapag kanilang pinagsama ang katawan ay nagbigay sa ibang mga kasapi na maging mga lingkod."</ref> at [[Cynisismo|Cyniko]] (halimbawa sa Roma 6:16-18,7:14)<ref>Ayon kay [[Heraclitus]]: Ang kasamaan lamang ang umaalipin, ang birtud ay nagpapalaya</ref> gayundin sa [[mga misteryong Greko-Romano|mga misteryong relihiyon]]. Ang mga [[sulat ni Pablo]] ay nagpapakita ng kanyang kahusayan sa isang edukadong istilong Griyego gayundin sa kanyang pagbanggit ng ilang mga manunulat na [[Helenestiko]]. Halimbawa nito ang pagsipi ni Pablo sa isang taga-Creta sa {{bibleverse||Tito|1:12-13}}, "''Isa sa kanila, ito ay [[Epimenides|sarili nilang propeta]], ang nagsabi: Ang mga taga-[[Creta]] ay laging sinungaling, asal masamang hayop at matatakaw na [[batugan]]''. Isinaad ni Pablo na ''ang sinabing ito patungkol sa kanila ay totoo'' ({{bibleverse||Tito|1:13}}) na humahantong sa isang [[kontradiksiyon]].
 
===Paggamit ni Pablo ng bersiyong Septuagint===
Linya 44:
Ang pangitaing ito ay kinopya sa [[Ang Bacchae]] na tinatayang 500 taong mas nauna sa ''Mga Gawa''. Sa Bacchae, si [[Dionysus]] na isang inusig na diyos ay nagsabi sa kanyang taga-usig na si Pentheus: "''Iyong binalewala ang aking mga salita ng pagbababala...at sumikad sa mga pantaboy na patpat''. Sa ''Mga Gawa'', pinanatili ang plural na anyo ng Griyegong kentra sa Bacchae samantalang pinanatili ang metro ng Bacchae na wala sa lugar sa ''Mga Gawa''. Ang isa pang problema ay pagkatapos ng pagbato kay Esteban, sinalaysay ng may akda ng Mga Gawa na natanggap ni Pablo mula sa [[Dakilang Saserdote]] ang mga liham ng mga sinagoga sa Damasco na nagbibigay kapangyarihan sa kanyang dakpin ang sinumang matagpuan na kabilang sa Daan at dadalhin sila sa Herusalem. Ayon kay Helms, ang Dakilang Saserdote sa Herusalem ay walang kapangyarihan na magpadakip ng mga Hudyo sa mga estadong dayuhan at ibalik ang mga ito sa Palestina. Ayon kay Wells, "naging palaisipan sa sa mga komentador sa suhestiyong ito na ang dakilang saserdote ay may kapangyarihang magpadakip sa isang siyudad na Romano mga 200 milya ang layo kung ang hurisdiksiyon ng kahit [[sanhedrin]] ay hindi lumagpas sa Judea". Ang ikalawang paghahayag ng pagkaakay ni Pablo ay sa isang talumpati na kanyang binigay nang siya ay dakpin sa Herusalem. Ang deskripsiyon ng kanyang pagkaakay ay may mga pagkakaiba sa Mga Gawa 9. Halimbawa, ayon sa {{bibleverse|Mga|Gawa|9:7}}, hindi nakita ng mga kasama ni Pablo kung sino ang kanyang kinakausap ngunit narinig ang tinig. Sa {{bibleverse|Mga|Gawa|22:9}}, nakita ng mga kasama ni Pablo ang liwanag ngunit hindi narinig ang tinig. Ang ikatlong pagtalakay ng pagkaakay ni Pablo ay nangyari sa harap ni haring Agrippa sa pagtatanggol sa kanyang sarili laban sa mga akusasyon ng [[antinomianismo]]. Ito ay mas maikli sa Gawa 9 at 22 at hindi naglalaman ng salaysay tungkol kay Ananias. Sa {{bibleverse|Mga|Gawa|26:17}}, sa daan tungo sa Damasco nang sabihin mismo ni Hesus ang papel ng pangangaral na gagawin ni Pablo sa mga [[hentil]]. Ayon naman sa Gawa 22, si Ananias sa Damasco at hindi si Hesus ang nagsabi ng lahat ng mga bagay na iuutos ni Hesus na gagawin ni Pablo. Ayon sa Gawa 22:17-21, si Pablo ay tumungo sa Damasco at pagkatapos ay bumalik sa Herusalem kung saan ay sinabi sa kanya ni Hesus ang kanyang pangangaral sa mga [[hentil]].
 
May ilang iminungkahing mga paliwanag sa "pangitain" ni Pablo ni Hesus. Ayon kay D. Landborough sa kanyang papel na inilimbag sa ''[[Journal of Neurology, Neurosurgery, and Psychiatry]]'',<ref name="Landsborough">D. Landsborough, "St. Paul and Temporal Lobe Epilepsy," ''J Neurol Neurosurg Psychiatry'' 1987; 50; 659–64: [http://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC1032067/pdf/jnnpsyc00553-0001.pdf]</ref> ang karanasan ni Pablo na may maningning na liwanag, kawalan ng postura (si Pablo ay nasubasob), isang mensahe ng malakas na nilalamang panrelihiyon, at kalaunang pagkabulag ay nagmumungkahi ng isang pag-atke ng [[epilepsiya]] ng [[temporal lobe]] ng utak...Ang pagkabulag na sumunod ay maaaring isang [[Postictal state|post-ictal]]."<ref name="Landsborough"/> Maraming mga halimbawa sa kasaysayan ng mga indibidwal na nagkaroon ng masidhing mga mistikal na karanasan na kinikilala ngayon bilang mga sintomas ng sakit sa pag-iisip.<ref>http://news.bbc.co.uk/2/hi/science/nature/2865009.stm</ref> Ang isang karaniwang ulat mula sa mga indibidwal na may [[schizophrenia]] ay pagkakaroon ng isang uri ng delusyong relihiyoso na kinabibilangan ng paniniwalang sila ay mga [[diyos]] o [[mesiyas]], ang diyos ay nakikipag-usap sa kanila, sila ay nasasapian ng demonyo at iba pa.<ref>{{cite journal|last=Siddle|first=Ronald|author2=Haddock,|author3= Gillian,|author4= Tarrier,|author5= Nicholas,|author6= Faragher,|author7= E.Brian|title=Religious delusions in patients admitted to hospital with schizophrenia|journal=Social Psychiatry and Psychiatric Epidemiology|date=1 Marso 2002|volume=37|issue=3|pages=130–138|doi=10.1007/s001270200005|pmid=11990010}}</ref><ref>{{cite journal|last=Mohr|first=Sylvia|author2=Borras,|author3= Laurence,|author4= Betrisey,|author5= Carine,|author6= Pierre-Yves,|author7= Brandt,|author8= Gilliéron,|author9= Christiane,|author10= Huguelet,|author11= Philippe|title=Delusions with Religious Content in Patients with Psychosis: How They Interact with Spiritual Coping|journal=Psychiatry: Interpersonal and Biological Processes|date=1 Hunyo 2010|volume=73|issue=2|pages=158–172|doi=10.1521/psyc.2010.73.2.158}}</ref><ref>{{cite journal|last=Suhail|first=Kausar|author2=Ghauri, Shabnam|title=Phenomenology of delusions and hallucinations in schizophrenia by religious convictions|journal=Mental Health, Religion & Culture|date=1 Abril 2010|volume=13|issue=3|pages=245–259|doi=10.1080/13674670903313722}}</ref> Ang delusyong relihiyoso ay natagpuan na malakas na nauugnay sa pagiging hindi matatag ng ''temporolimbic'' ng utak.<ref>{{cite journal |doi=10.1111/j.1399-5618.2009.00737.x |title=The International Society for Bipolar Disorders (ISBD) consensus guidelines for the safety monitoring of bipolar disorder treatments |year=2009 |last1=Ng |first1=Felicity |last2=Mammen |first2=Oommen K |last3=Wilting |first3=Ingeborg |last4=Sachs |first4=Gary S |last5=Ferrier |first5=I Nicol |last6=Cassidy |first6=Frederick |last7=Beaulieu |first7=Serge |last8=Yatham |first8=Lakshmi N |last9=Berk |first9=Michael |journal=Bipolar Disorders |volume=11 |issue=6 |pages=559–95 |pmid=19689501}}</ref> Sa isang 2012 papel na inilimbag sa ''[[Journal of Neuropsychiatry and Clinical Neurosciences]]'', iminungkahi na ang karanasan ni Pablo ay maaaring maunawaan bilang isang pagkabulag na sikoheniko. Ito ay nangyari sa kabuuang konteksto ng ibang mga karanasang pandinig at pang-paningin na maaaring sanhi ng [[disorder ng mood]] na nauugnay sa mga sintomas na sikotikong spektrum.<ref>Murray, ED.; Cunningham MG, Price BH. (1). "The role of psychotic disorders in religious history considered". J Neuropsychiatry Clin Neuroscience 24 (4): 410–26. doi:10.1176/appi.neuropsych.11090214. [[pmid:23224447|PMID 23224447]]</ref>
 
===Pangangaral===
Linya 57:
 
===Ikatlong paglalakbay ng pangangaral===
Sinimulan ni Pablo ang kanyang ikatlong paglalakbay ng pangangaral sa pamamagitan ng paglalakabay sa buong rehiyon ng Galacia at Phrygia upang palaksin, turuan at sawayin ang mga mananamplataya. Pagkatapos ay tumungo siya sa Efeso at nanatili roon sa halos tatlong taon. Siya ay isinalaysay na nagsagawa ng mga [[milagro]], [[faith healing|nagpagaling ng mga tao]] at [[eksorsismo|nagpalayas ng mga demonyo]].<ref>"Paul, St." Cross, F. L., ed. The Oxford dictionary of the Christian church. New York: Oxford University Press. 2005</ref> Nilisan niya ang Efeso pagkatapos ng isang pag-atake mula sa isang platero na humantong sa isang kaguluhang pabor kay [[Artemis]] na kinasasangkutan ng buong siyudad.<ref name="ODCC self">"Paul, St" Cross, F. L., ed. The Oxford dictionary of the Christian church. New York: Oxford University Press. 2005</ref> Sa kanyang pananatili sa Efeso, siya ay sumulat ng apat na mga liham sa Corinto<ref name="McRay 2007 54">{{cite book|last=McRay|first=John|title=Paul His Life and Teaching|year=2007|publisher=Baker Academic|location=Grand Rapids, MI|isbn=10: 0-8010-3239-3 (pbk.)|pages=54}}</ref> na ang dalawa ay nawawala. Ang mga ito 1) isang liham na tinukoy sa {{bibleverse|1|Corinto|5:9}}, 2) [[1 Corinto]], 3) liham na tinukoy sa {{bibleverse|2|Corinto|2:3-4}} at 4) [[2 Corinto]].
 
Si Pablo ay dumaan sa Macedonia tungo sa Achaea at nagpatuloy sa Syria ngunit binago ang kanyang mga plano at naglakbay pabalik sa Macedonia dahil ang mga Hudyo ay nagbalak ng masama sa kanya. Sa panahong ito, pinagpapalagay na malamang dumalaw si Pablo sa Corinto sa loob ng tatlong buwan.<ref name="ODCC self"/> Kanya ring dinalaw ang [[Illyricum (Roman province)|Illyricum]]. Dinalaw ni Pablo at kanyang mga kasama ang ibang mga siyudad sa kanilang paglalakbay pabalik sa Herusalem gaya ng Philippi, Troas, Miletus, [[Rhodes]], at [[Tyre, Lebanon|Tyre]]. Tinapos ni Pablo ang kanyang paglalakbay sa isang paghinto sa [[Caesarea]] kung saan siya at kanyang mga kasama ay nanatili kay Felipe ang Ebanghelista bago dumating sa Herusalem.<ref>[http://www.biblestudy.org/maps/pauls-third-journey-map.html Biblestudy.org]</ref> Pagkatapos niyang dumating sa Herusalem sa wakas ng kanyang ikatlong paglalakbay ng pangangaral, siya ay nasangkot sa isang malalang pakikipag-alitan sa ilang mga Hudyong Asyano (malamang na [[Romanong Asya]]). Ang alitang ito ay kalaunang humantong sa kanyang pagkadakip at pagkabilanggo sa Caesarea sa loob ng tinatayang isang taon at kalahati. Sa huli, sina Pablo at ang kanyang mga kasama ay naglayag sa Roma kung saan si Pablo ay nilitis para sa kanyang inaakusang mga krimen. Ayon sa ''[[Mga Gawa]]'', si Pablo ay nangaral sa Roma sa loob ng dalawang taon mula sa kanyang inuupahang tahanan habang hinihintay ang kanyang paglilitis. Hindi isinaad sa Bagong Tipan kung anong nangyari pagkatapos ng panahong ito ngunit ang ilang mga kalaunang sanggunian ay nag-aangkin na si Pablo ay pinalaya ni Emperador [[Nero]] at nagpatuloy na mangaral sa Roma. Posible ring naglakbay si Pablo sa ibang mga bansa gaya ng [[Espanya]] (batay sa {{bibleverse||Roma|15:23-28}}) at Britanya. Ayon kina [[Crisostomo]],<ref>[[s:Nicene and Post-Nicene Fathers: Series I/Volume XIII/On Timothy, Titus, and Philemon/On 2 Timothy/2 Timothy 4:9-13|Chrysostom on 2 Tim.4:20]] (Nicene and Post-Nicene Fathers, Series I Volume XIII)</ref> [[Cirilo]]<ref>[[s:Nicene and Post-Nicene Fathers: Series II/Volume VII/S. Cyril/Lecture 17|Cyril on Paul and gifts of the Holy Ghost]] (Nicene and Post-Nicene Fathers, Series II Volume VII, Lecture 17, para.26)</ref> at [[Pragmentong Muratorian]], si Pablo ay naglakbay sa Espanya. Ang kapitulo 29&nbsp;ng Mga Gawa ng Sonnini Manuscript ngunit hindi kasama sa kanon ng Bagong Tipan ay nagdedetalye ng paglalakbay ni Pablo sa Britanya kung saan ay nangaral siya sa isang lipi ng mga Israelita sa Bundok Ludgate sa lugar ngayon ng [[Katedral ni San Pablo]].
Linya 96:
 
== Mga sanggunian ==
{{reflist}}|refs=
<ref name=Biblia2>{{cite-Biblia2|'''(a)''' ''Paul, apostle to the Gentiles'', ''The Acts of the Apostles'', pahina 786; at '''(b)''' ''The Conversion of St. Paul'', ''Great Paintings Inspired by the New Testament'', pahina 860}}</ref>
 
<ref name=NBK>{{cite-NBK|'''(a)''' Saint Paul, pahina 99; Holidays, Saint Paul's Day, Enero 25, pahina 159}}</ref>
}}
 
{{Mga Alagad ni Hesus}}