Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Tom Sawyer"

m
fixed CS1 errors
m (Bot: Migrating 14 interwiki links, now provided by Wikidata on d:q944203 (translate me))
m (fixed CS1 errors)
 
Si '''Thomas "Tom" Sawyer''' ay ang tauhan sa pamagat at bidang tauhan sa nobelang ''[[Ang mga Pakikipagsapalaran ni Tom Sawyer]]'' (1876) na isinulat ni [[Mark Twain]]. Lumitaw siya sa tatlong iba pang mga nobela ni Twain: ''[[Ang mga Pakikipagsapalaran ni Huckleberry Finn]]'' (1884), ''[[Tom Sawyer Abroad|Si Tom Sawyer sa Ibayong-Dagat]]'' (1894), at ''[[Tom Sawyer, Detective|Si Tom Sawyer, ang Detektibo]]'' (1896). Lumitaw din si Sawyer sa hindi bababa sa tatlong pang mga hindi natapos na akda ni Twain, ang ''Si Huck at Tom sa Piling ng mga Indiyan'' (''Huck and Tom Among the Indians''), ''Burol ng Bahay-Paaralan'' (''[[Schoolhouse Hill]]''), at ''Ang Sabwatan ni Tom Sawyer'' (''Tom Sawyer's Conspiracy''). Habang ang tatlong hindi natapos na mga akda ay nailathala pagkaraan ng kamatayan ni Mark Twain, tanging ang ''Tom Sawyer's Conspiracy'' lamang ang mayroong buong balangkas, dahil sa itinigil ni Twain ang natitirang dalawang mga akda pagkaraang matapos niya ang ilang mga kabanta.
 
Ang pangalan ng tauhang likhang-isip ay maaaring hinango magmula sa bumberong masayahin at marangyang nagngangalang Tom Sawyer na kakilala ni Twain sa [[San Francisco, California]], habang si Twain ay naghahanapbuhay bilang isang tagapamahayag sa ''San Francisco Call''.<ref>{{cite web|url=http://www.sfmuseum.net/hist10/sawyer.html |title=Biography of Tom Sawyer - 1900 |publisher=Sfmuseum.net |date=1996-09-01 |accessdate=2012-07-24}}</ref><ref name=graysmith>{{cite web |url=http://www.smithsonianmag.com/history-archaeology/The-Adventures-of-the-Real-Tom-Sawyer-169773916.html |work=[[Smithsonian (magazine)|Smithsonian]] |title=The Adventures of the Real Tom Sawyer |date=OctoberOktubre 2012 |author=Robert Graysmith |accessdate=OktubteOktubre 1, 2012}}</ref> Dating nakikinig si Twain kay Sawyer ng mga kuwento hinggil sa kaniyang kabataan, na pinakikinggang mabuti ni Twain ang mga kapilyuhan ni Sawyer at kung minsan ay itinatala pa niya ito sa kaniyang kuwaderno. Sinabi ni Twain kay Sawyer na isang araw ay ilalagay niya ang pangalan ni Sawyer sa mga pabalat ng isang aklat. Pumayag si Sawyer sa kabilang ng kundisyon na hindi sisirain ni Twain ang pangalan at dangal ni Sawyer.<ref name=graysmith/> Ayon kay Twain, umusbong ang tauhang si "Tom Sawyer" magmula sa tatlong mga tao, sa paglaon ay nakilala bilang sina John B. Briggs (na namatay noong 1907), William Bowen (na namatay noong 1893) at kay Twain;<ref name=graysmith/> subalit sa paglaon ay binago ni Twain ang kaniyang kuwento na nagsasabing ang tauhang si Sawyer ay talagang galing lamang sa kaniyang guni-guni, subalit ayon kay Robert Graysmith, ang "dakilang maglalaan" na si Twain ay mahilig na magpanggap na ang kaniyang mga tauhan ay umusbong nang buo na magmula sa kaniyang malikhaing isipan."<ref name=graysmith/>
 
== Paglalarawan ng tauhan ==
13,349

edits