Adolesente: Pagkakaiba sa mga pagbabago

m
walang buod ng pagbabago
(dagdag)
mNo edit summary
{{split|Childhood|Adolescence}}
Ang '''kabataan''', na tinatawag ding '''tinedyer''', '''tin-edyer''', '''adolesente''', o '''lalabintaunin''' ay ang panahon, edad, o gulang na nasa pagitan ng pagiging isang [[bata]] o [[kilaw (gulang)|kilaw]] at hustong [[adulto]], o kaya ang yugto ng panahon kung kailan ang isang tao ay biyolohikal o pisikal na adulto subalit emosyonal o makapandamdaming hindi pa husto ang [[maturidad]]. Ang mga edad na itinuturing na bahagi ng '''adolesensiya''' ay iba-iba ayon sa [[kultura]]. Halimbawa, sa [[Estados Unidos]] ang adolesensiya ay nagsisimula sa bandang edad na 13. Ang kataguriang ''tinedyer'' o ''tin-edyer'' ay nagmula sa Ingles na ''teenager'', pinaiiksing ''teen'', ay nagmula sa mga Ingles na salitang ''thirteen'' (labintatlo) hanggang ''nineteen'' (labinsiyam). Ang ''tinedyer'' o ''tin-edyer'' ay katumbas ng katagang ''lalabintaunin''. Ang adolesensiya ay kultural at hindi tumutukoy sa isang pirming yugto ng panahon. Ang salitang ''adolesensiya'' ay nagbuhat sa [[wikang Kastila]]ng ''adolescencia'', na nagbuhat naman sa [[wikang Latin|Latin]]g ''adolescere'', isang [[pandiwa]]ng may kahulugang "paglaki". Sa panahong ito, ang katawan, damdamin, at katayuang akademiko ng isang tao ay nagbabago ng malaki at marami.