Manuel Roxas: Pagkakaiba sa mga pagbabago

m
Ibinalik ang mga pagbabago ni 120.29.75.115 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni Jsnueva1022
m (Ibinalik ang mga pagbabago ni 120.29.75.115 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni Jsnueva1022)
Tatak: Rollback
 
===Misyong OsRox===
Si Roxas kasama ni [[Sergio Osmeña]] ay nanguna sa isang kampanya na tinatawag na [[Misyongmisyong OsRox]] (1931) para sa pagkilala ng Estados Unidos ng kalayaan ng Pilipinas at pamumuno sa sarili ng Pilipinas. Nakamit ng Misyongmisyong OsRox ang pagpasa ng Kongreso ng Estados Unidos ng [[Hare–Hawes–Cutting Act]] na nangangakong magbibigay ng kalayaan sa Pilipinas pagkalipas ng 10 taon ngunit ito ay itinakwil ng Senado ng Pilipinas sa panghihimok ni [[Manuel L. Quezon]]. Si Quezon ay nanguna sa isang misyon noong 1934 upang makuha ang pagpasa ng Kongreso ng Estados Unidos ng [[Batas Tydings–McDuffie]] na pinagtibay ng Senado ng Pilipinas.
 
===Senado===
Noong 1945, si Roxas kasama ng ibang mga kasapi ng gabinete ng Ikalawang Republika ay dinakip ni Heneral [[Douglas MacArthur]]. Si Roxas ay pinalaya, pinatawad at ibinalik ni MacArthur sa ranggong Brigadier Heneral sa General Headquarters ng Hukbong Amerikano sa Seksiyong Intelihensiya samantalang ang ibang nadakip na sina [[Jose Yulo]], [[Antonio delas Alas]], [[Quintin Paredes]] at [[Teofilo Sison]] ay ibinilanggo upang litisin dahil sa pakikipagsabwatan sa mga Hapones. Inangkin ni MacArthur na si Roxas ay inosente at tumulong sa kilusang gerilyang laban sa Hapon. Noong 1948, pinatawad ni Pangulong Roxas ang mga dinakip na sinasabing kasabwat ng mga Hapones.
 
Noong 1946 halalan ng pagkapangulo, hiniling ni Roxas ang suporta ng [[Hukbalahap]] (Hukbong Bayan Laban sa Hapon/es) ngunit dahil sa paniniwalang si Roxas ay nakipagtulungan sa mga Hapones at malapit na nauugnay sa mga mayayamang nagmamay-ari ng lupain, kanilang sinuportahan si [[Sergio Osmeña]]. Pagkatapos manalo ni Roxas sa halalan, noong 1948, kanyang inihayag ang parehong [[PKM]] at [[Hukbalahap]] na mga "ilegal na organisasyon" at inutos ang pagdakip ng mga kasapi nito dahil sa "pagpapabagsak ng pamahalaan sa pamamagitan ng dahas" at "pagtatatag ng kanilang sariling pamahalaan sa tulong ng dahas at takot".
 
===Pangulo ng Pilipinas===
Pagkatapos mapalaya ng mga Amerikano ang Pilipinas mula sa pananakop ng mga Hapones, ang [[Komonwelt ng Pilipinas]] ay ibinalik sa Pilipinas noong Pebrero 27, 1945 kung saan Pangulo si [[Sergio Osmeña]].
 
Nanalo si Roxas sa 1946 halalan ng pagkapangulo noong Abril 23,1946 na may 54 porsiyento ng kabuuang boto laban kina [[Sergio Osmeña]] ng P[[Partidopartido Nacionalista|artido Nacionalista]] at Hilario Moncada ng P[[Partidopartido Modernista|artido Modernista]]. Si Roxas ay tumakbo sa ilalim ng [[Partido Liberal (Pilipinas)|Partido Liberal]] na kanyang itinatag pagkatapos humiwalay sa [[Partido Nacionalista]]. Si Roxas ay nagsilbing pangulo ng [[Komonwelt ng Pilipinas]] mula Mayo 28,1946 hanggang Hulyo 4,1946 nang makamit ng Pilipinas ang kalayaan mula sa Estados Unidos.
 
Noong 21 Hunyo 1946, si Roxas ay humarap sa Kongreso ng Estados Unidos upang himukin ang pagpasa ng dalawang batas na ipinasa ng Kongreso ng Estados Noong 30 Abril 1946: ang [[Batas Tydings–McDuffie]] at ang [[Bell Trade Act]] na parehong ipinasa ng Kongreso ng Estados Unidos.