Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Mga wika sa Pilipinas"

walang buod ng pagbabago
Sa mga [[katutubong wika]] sa kapuluang [[Pilipinas]], ang mga sumusunod ang pinakamalaki at malimit gamitin bilang pangunahing wika sa kaniya-kaniyang rehiyon sa bansa:
 
*'''''[[Wikang Tagalog|Tagalog]]''''': Wikang batayan ng [[Wikang Filipino|Filipino]]. Pangunahing wika ng mga naninirahan sa katimugang bahagi ng [[Luzon]]. Sinasalita ng 24% ng kabuuang bilang ng mga Pilipino sa buong kapuluan. Taal na gamit sa mga lalawigan ng [[Cavite]], [[Laguna]], [[Bataan]], [[Batangas]], [[Rizal]], [[Quezon]] (kilala rin sa tawag na [[CALABARZON]]). Ginagamit rin ito sa mga lalawigan ng [[Mindoro]], [[Marinduque]], [[Romblon]], at [[Palawan]] (kilala rin sa tawag na [[MIMAROPA]]). Ito rin ang pangunahing wika ng [[Pambansang Punong Rehiyon]] na siyang kabisera ng bansa.
*'''[[Wikang Iloko|Ilokano]]''': Kilala rin sa tawag na "Iloko." Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Hilagang Luzon lalo na sa kabuuan ng [[Rehiyon I]] at Rehiyon II, at ilang bahagi ng Rehiyon III.
*'''[[Wikang Sebuwano|Cebuano]]''': Ang pinakakilala at pinakamalawig na wikang "Bisaya." Pangunahing wika ng lalawigan ng [[Lalawigan ng Cebu|Cebu]], [[Silangang Negros]], [[Lalawigan ng Bohol|Bohol]], [[Lalawigan ng Leyte|Leyte]], [[Timog Leyte]], at malaking bahagi ng [[Mindanao]]. Tinatayang sinasalita ng 27% ng kabuuang populasyon ng bansa.
*[[Hiligaynon]]: Isang wikang Bisaya na tinatawag ding Ilonggo batay sa pinakakilalang [[diyalekto]] nito mula sa [[Lungsod ng Iloilo]]. Pangunahing wika ng [[Kanlurang Visayas]] lalo na sa [[Iloilo]], [[Capiz]], [[Guimaras]], kabuuan ng [[Negros Occidental]], at sa timog-silangang Mindanao tulad ng [[Lungsod ng Koronadal]].
*'''[[Wikang Waray|Waray]]''': Isang wikang Bisaya na tinatawag ding Waray-Waray. Pangunahing wika ng [[Silangang Visayas]] partikular sa buong pulo ng [[Samar]], hilagang-silangang [[Leyte]], at ilang bahagi ng [[Biliran]]. Sinasalita sa [[Lungsod ng Tacloban]].
*'''[[Wikang Kapampangan|Kapampangan]]''': Pangunahing wika ng mga naninirahan sa [[Gitnang Luzon]] partikular na sa [[Pampanga]], timog [[Tarlac]], at iilang bahagi ng [[Bulacan]] at [[Bataan]].
*'''[[Wikang Bikol|Bikol]]''': Pangunahing wika (''lingua franca'') ng mga naninirahan sa [[Tangway ng Bicol]] sa timog-silangang Luzon. Sinasalita sa mga lungsod ng [[Naga]] at [[Lungsod ng Legazpi|Legazpi]].
*'''[[Wikang Pangasinan|Pangasinan]]''': Malimit ding tawagin sa maling pangalan na ''Panggalatok.'' Isa sa mga pangunahing wika ng [[Lalawigan ng Pangasinan]].
*'''[[Wikang Maranao|Meranao]]''': Isa sa mga pinakamalaking wika ng mga [[Moro]]. Pangunahing sinasalita sa [[Lungsod ng Marawi]] at buong [[Lanao del Sur]], at ilang bahagi ng [[Lanao del Norte]].
*'''[[Wikang Maguindanao|Maguindanao]]''': Isang pangunahing wika ng mga [[Moro]] at ng [[Autonomous Region of Muslim Mindanao]]. Sinasalita sa [[Lungsod ng Cotabato]].
*'''[[Wikang Kinaray-a|Kinaray-a]]''': Isang wikang Bisaya. Pangunahing sinasalita sa pulo ng [[Panay]] partikular sa [[Lalawigan ng Antique|Antique]] at ilang bahagi ng [[Lalawigan ng Capiz]] at [[Iloilo]] tulad ng [[Lungsod ng Passi]].
 
== Pambansang Wika ng Pilipinas ==
8,338

edit