Hindi nakikilalang mga tagagamit
→Pinagmulan
(I added better and easy to understand content) Tatak: Binago sa mobile Pagbabago sa web gamit mobile |
|||
Nang unang lumitaw ang konsepto o diwa noong ika-18 at ika-19 daantaon sa Europa, may pahiwatig ito bilang isang proseso ng [[paglilinang ng halaman]] o pagpapainam, katulad ng [[agrikultura]] o [[hortikultura]]. Noong ika-19 daantaon, ito ay naging tumutukoy muna sa pag-inam o pagpino o pagdalisay ng isang indibidwal, natatangi na sa pamamagitan ng [[edukasyon]], at pagkaraan ay tumukoy na sa pagsasakatuparan ng [[nasyonalismo]], katulad ng mga adhikain o mga mithiing pambansa. Noong kalagitnaan ng ika-19 daantaon, ilang mga siyentipiko ang gumamit sa katagang "kultura" upang tukuyin ang isang pandaigdigang kakayahan ng tao. Para kay [[Georg Simmel]], isang [[sosyologo]]ng Aleman na [[hindi positibista]], ang kalinangan ay tumutukoy sa "ang paglilinang ng mga indibidwal sa pamamagitan ng ahensiya ng panlabas na mga anyo na dumaan sa [[obhetipikasyon]] sa loob ng kurso ng kasaysayan".<ref>Levine, Donald (patnugot) 'Simmel: On individuality and social forms' Chicago University Press, 1971. pahina 6.</ref>
Noong ika-20 daantaon, umahon ang "kalinangan" bilang isang diwa na nakapagitna o naging pangunahin sa larangan ng [[antropolohiya]], na nagsasangkot ng lahat ng mga kababalaghan o penomenong pantao na hindi puro mga kinalabasan ng henetika ng tao. Katulad ito ng katagang "kultura" sa antropolohiyang Amerikano na may dalawang kahulugan: (1) ang umunlad na kakahayan ng tao upang uri-uriin at katawanin ang mga karanasan sa pamamagitan ng mga [[sagisag]], at gumalaw na may imahinasyon at malikhain; at (2) ang namumukod-tanging mga kaparaanan ng tao na namumuhay sa iba't ibang mga bahagi ng mundo na nag-uri at kumatawan sa kanilang mga karanasan, at kumilos na ayon sa pagiging malikhain nila. Pagkalipas ng [[Ikalawang Digmaang Pandaigdig]], ang katawagan ay naging napakahalaga, bagaman mayroong dalawang magkaibang mga kahulugan, sa ibang mga disiplinang katulad ng [[araling pangkalinangan]], [[sikolohiyang organisasyonal]], ang [[sosyolohiya ng kalinangan]] at [[araling pampamamahala]]. weh?
== Etimolohiya ==
|