Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Carlos P. Garcia"

m
Ibinalik ang mga pagbabago ni 120.29.100.105 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni MagicJulius00
m (Ibinalik ang mga pagbabago ni 120.29.100.105 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni MagicJulius00)
Tatak: Rollback
 
Nagwagi siya sa halalang pampanguluhan noong Nobyembre 1957. Upang makuha ang pagkapanalo sa 1957 halalan, pinili niya si [[Diosdado Macapagal]] mula sa oposisyong [[Partido Liberal (Pilipinas)|Partido Liberal]] na maging kasamang tatakbo bilang pangalawang pangulo.
====Ekonomiya====
Bilang Pangulo, nagpanatili siya ng isang striktong programa ng paghihigpit upang maalis ang korupsiyon. Sinikap niyang pigilan ang yumayabong na [[itim na pamilihan]] at sinikap na pagsiglahin ang ekonomiya. Ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ay nasa 4.54 %. Kanyang ipinatupad ang patakarang "Pilipino Muna" upang wakasan ang pananaig ng mga dayuhan sa ekonomiya ng Pilipinas. Ang lahat ng mga imbestor na dayuhan na karamihan ay mga Amerikano ay nilimitahan sa kaunti sa 51 porsiyentong interes sa mga kompanyang domestiko. Sinimulan rin niya ang paglayo sa buong pagsalalay sa Estados Unidos bilang guarantor ng seguridad ng Pilipinas at naghanap ng bagong orientasyon tungo sa ibang mga bansang Asyano. Ang mga patakarang ito ay hindi nagustuhan ng mga Amerikano. Sinikap rin ni Garcia na buhayin ang mga katutubong sining pangkultura upang pagtibayin ang pagkakakilanlang pambansa ng mga Pilipino.
 
Habang nasa kapangyarihan, ang Pamahalaan ni Garcia ay nakipag-usap sa mga pinuno ng Estados Unidos upang mailipat sa kontrol ng Pilipinas ang mga hindi na ginagamit na base militar ng Amerika. Sa kalaunan ay naging labis ang pagiging maka-Pilipino ni Garcia at ang pagsira sa kanya ay pinasimulan sa mga pahayagan, sa himpapawid sa tulong ng CIA samantalang pinaboran naman ng mga Amerikano si [[Diosdado Macapagal]] upang manalo sa halalan noong 1961.
 
===1961 halalan ng pagkapangulo===
Noong 1961, sa gitna ng isang bumagal na ekonomiya at mga alegasyon ng korupsiyon, si Garcia ay natalo sa halalan ng pagkapangulo sa kanyang pangalawang pangulong si [[Diosdado Macapagal]]. Pagkatapos ng pagkatalo, siya ay nagretiro na sa pultika ngunit noong 1971 ay hinikayat siya ni [[Ferdinand Marcos]] na mamuno sa isang bagong kumbensiyong konstitusyonal na lilikha ng [[Saligang Batas ng Pilipinas ng 1973]] ngunit namatay siya bago pa makuha ang posisyon.