Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Kompuwesto"

m
walang buod ng pagbabago
m (orthography: -nsya- > -nsiya- using AWB)
m
Ang '''kompuwestong kimikal''' o '''chemical compound''' ay isang [[kemikal na sustansiya]] na binuo mula sa dalawa o higit pang [[elementong kimikal]], na may tiyak na proporsyon na nagtatakda sa kayarian nito at pinagsasama sa isang inilarawang kaayusang pang-espasyo ng mga [[kawing kimikal]] . Halimbawa, ang [[tubig]] ([[Idroheno|H]]<sub>2</sub>[[Oksiheno|O]]) ay isang kompuwesto na binubuo ng dalawang atomo ng [[idroheno]] sa bawat isang atomo ng [[oksiheno]]. Sa pangkahalatan, ang tiyak na rasyon (''ratio'')tagway na ito ay dapat na manatiling matatag dahil sa katangiang pisikal at hindi dahil sa arbitraryong pag-aayos ng tao. Ito ang dahilan kung bakit ang ang mga materyal na gaya ng [[tanso]], ang [[superkonduktor]] na [[YBCO]], ang [[semikonduktor]] na ''[[aluminum galium arsenide]]'' o [[tsokolate]] ay itinuturing na mga ''[[mixture]]'' o ''[[alloy]]'' at hindi kompuwesto.
 
Ang katangitanging likas ng isang kompuwesto ay ang pagkakaroon nito ng [[pormulang kimikal]]. Inilalarawan ng pormula ang ratio ng mga atomo sa isang sustansiya, at ng bilang ng mga atomo sa isang molekula ng sustansiya (kaya ang pormula ng ''[[ethene]]'' ay [[Carbon|C]]<sub>2</sub>[[Hydrogen|H]]<sub>4</sub> hindi [[Carbon|C]][[Hydrogen|H]]<sub>2</sub>). Hindi ipinapakita ng pormula kung ang isang kompuwesto ay binubuo ng mga [[molekula]]; halimbawa, ang ''[[sodium chloride]]'' (karaniwang asin, [[Sodium|Na]][[Chlorine|Cl]]) ay isang [[kompuwesto ioniko]].
3,627

edit