Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Marijuana"

838 byte removed ,  1 year ago
spam
m (clean up citations using AWB)
(spam)
Ang mekanismo ng marijuana sa tao ay naunawaan lamang bago matapos ang ika-20 siglo. Ang THC ng marijuana ay umaasal sa dalawang uri ng mga [[cannabinoid receptor]] sa tao na CB1 receptor at CB2 receptor na parehong G-Protein coupled receptor. Ang CB1 receptor ay matatagpuan sa utak at sa ilang mga peripheral tissue at ang CB2 receptor ay matatagpuan sa mga peripheral tissue gayundin sa mga selulang neuroglial. Ang mga cannabinoid receptor ay pinapagana ng mga cannabinoid na maaaring nalilikha mula sa loob ng katawan ng tao (endocannabinoid) o ipinakilala sa katawan ng tao gaya ng pagkonsumo ng marijuana o ibang mga sintetiko nito.
 
==Epekto==
 
Ang ''cannabidiol,'' isa sa 104 na iba't-ibang kemikal na nasa marijuana, ay mayroong epektong ''pleiotropic'' na nangangahulugang ang epekto nito ay maaring iba-iba sa bawat isang tao<ref>''"[https://cannafinest.com/cbd-oil-can-help-you-live-a-healthier-life/ What is CBD?]" Canna Finest.'' Hinango noong 29 Abril 2019.</ref>.<ref>''"[https://cbd-oil360.co.uk/cbd-oil-effects/ CBD Oil Effects in Humans.]" CBD Oil 360.'' Hinango noong 23 Enero 2019.</ref> Ang mga kanais nais na epekto nito ay relaksasyon at katamtamang ''euphoria'' (pakiramdam na "high"). Ang mga hindi kanais nais na epekto nito ang nabawasang panandaliang memorya, tuyong bibig, huminang kakayahan ng paggalaw, pamumula ng mga mata.
 
Kabilang din sa mga epekto ang pagbilis nang tibok ng puso, mataas na gana sa pagkain, at pagbaba nang presyon ng dugo.
 
==Pagiging adiktibo==
50

edit