Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Wikang Hapones"

Inihalintulad sa bersyong Ingles (Hindi pa tapos ang pagsasalinwika).
(Inihalintulad sa bersyong Ingles (Hindi pa tapos ang pagsasalinwika).)
(Inihalintulad sa bersyong Ingles (Hindi pa tapos ang pagsasalinwika).)
}}
 
Ang '''wikang Hapones'''<ref name=JETE/> o '''wikang Hapon'''<ref name=JETE>{{cite-JETE|Wikang Hapón, Wikang Haponés, Nippongo}}</ref> o '''wikang Niponggo''' o '''wikang Nihonggo''' {{nihongo|'''Japanese'''|日本語||''Nihongo'' {{IPA-ja|ɲihoŋɡo||Ja-nihongo.ogg}}}} ay isang [[East Asian language|wikang Silangang Asya]] na sinasalita ng mahigit sa 128 milyong katao, karamihan sa bansang [[Hapon (bansa)|Hapon]], kung saan ito ang [[pambansang wika]]. Miyembro ito ng mga wikang [[Japonic languages|HaponicaHaponika]] (o Hapones-[[Ryukyuan languages|Ryukyuense]]), at pinagtatalunan ang [[Classification of the Japonic languages|kanyang relation]] sa mga ibang wika, tulad ng [[Wikang Koreano|Koreano]]. Pinangkat ang wikang Hapones sa pamilya ng wika tulad ng [[Ainu languages|Ainu]], [[Austroasiatic languages|Austroasyatika]], at ang [[Altaic languages|Altaika]] (basa ang papel), ngunit wala sa mga panukalang ito ang nakakuha ng malawakang pagtanggap.
 
Kaunti lang ang alam natin tungkol sa prehistorya ng wika, o kung kailan ito unang lumitaw sa Hapon. Itinala ng mga Tsinong dokumento mula sa ika-3 siglo ang mga iilang salitang Hapones, ngunit hindi lumitaw ang mga makabuluhang teksto hanggang ang ika-8 siglo. Noong [[Heian|panahong Heian]] (794–1185), malaki ang impluwensya ng [[Wikang Tsino|Tsino]] sa [[Sino-Japanese vocabulary|bokabularyo]] at [[ponolohiya]] ng [[Old Japanese|Lumang Hapones]]. Kalakip sa [[Late Middle Japanese|Huling Gitnang Hapones]] (1185–1600) ang mga pagbabago sa tampok na nagpalapit nito sa modernong wika, at ang unang paglitaw ng mga [[Gairaigo|Europeong salitang-hiram]]. Lumipat ang karaniwang dayalekto mula sa rehiyon ng [[Kansai]] patungo sa rehiyon ng [[Edo]] ([[Tokyo]] sa kasalukuyan) sa panahong [[Early Modern Japanese|Maagang Modernong Hapones]] (unang bahagi ng ika-17 siglo–gitnang bahagi ng ika-19 na siglo). Kasunod ng wakas sa 1893 ng[[Sakoku|kinusang pagkawakaak ng Hapon]], lumaki nang lumaki ang daloy ng salitang hiram mula sa wikang Europeo. Partikular na naging madalas ang paghiram sa Ingles, at lumaganap ang [[Wasei-eigo|mga salitang Hapones mula sa ugat na Ingles]].
 
Walang [[Genetic relationship (linguistics)|relasyong henetiko]] ang Hapones sa [[Wikang Tsino|Tsino]],<ref name=":0">{{cite book|title=Handbook to Life in Medieval and Early Modern Japan|first=William E.|last=Deal|publisher=Infobase Publishing|year=2005|isbn=978-0-8160-7485-3|page=242|quote=Japanese has no genetic affiliation with Chinese, but neither does it have any clear affiliation with any other language.|url=https://books.google.com/books?id=OKr3XPabVQIC&pg=PA242}}</ref> ngunit malawakan ang paggamit nito ng [[Chinese characters|titik-Tsino]], o {{Nihongo|''[[kanji]]''|漢字}}, sa kanyang sistema ng pagsulat, at [[Sino-Japanese vocabulary|hiniram]] ang malaking bahagi ng kanyang talasalitaan [[Sino-Japanese vocabulary|mula sa Tsino]]. Kasama ng ''kanji'', ang [[Japanese writing system|Hapones na sistema ng pagsulat]] ay, una sa lahat, gumagamit ng dalawang [[Syllabary|papantig]] (o [[Mora (linguistics)|pamora]]) na sulat, {{Nihongo|''[[hiragana]]''|ひらがな o 平仮名}} at {{Nihongo|''[[katakana]]''|カタカナ o 片仮名}}. Limitado ang paggamit ng [[Latin script|sulat-Latin]], tulad ng inangkat na akronima, at halos ginagamit ng [[Japanese numerals|sistema ng pagbilang]] ng [[Arabic numerals|bilang-Arabe]] sa tabi ng tradisyonal na [[Chinese numerals|bilang-Tsino]].
 
== Kasaysayan ==
 
=== Prehistorya ===
Ang Proto-Haponika, ang iisang ninuo ng wikang Hapones at mga wikang Ryukyuense, ay pinaniniwalaang idinala sa Hapon ng mga dayuhan mula sa kontinental na Asya o sa mga malalapit na kapuluang Pasipiko noong mga unang hanggang gitnang bahagi ng ika-2 siglo BK ([[Yayoi|panahong Yayoi]]) na pumalit sa mga wika ng orihinal na mamamayang [[Jōmon people|Jōmon]],<ref>{{cite news|url=https://www.nytimes.com/2011/05/04/world/asia/04language.html|title=Finding on Dialects Casts New Light on the Origins of the Japanese People|first=Nicholas|last=Wade|work=[[The New York Times]]|date=4 May 2011|accessdate=7 May 2011}}</ref> kabilang ang ninuno ng modernong [[wikang Ainu]]. Napakakaunti ang kaalaman tungkol sa Hapones ng panahong ito. Dahil hindi pa napakilala ang pagsusulat tulad ng "Kanji" na naging "Hiragana" at "Katakana", dalawang sistema ng pagsusulat,<ref name=":02" /> mula sa Tsina, walang direktang ebidensya, at anumang bagay na maaaring makilala tungkol sa panahong ito ay dapat batay sa muling pagbubuo ng [[Old Japanese|Lumang Hapones]].
[[Talaksan:Genryaku_Manyosyu.JPG|alt=Page from the Man'yōshū|right|thumb|Isang pahina mula sa ''[[Man'yōshū]]'', ang pinakalumang antolohiya ng klasikong [[Japanese poetry|panulaang Hapones]]]]
 
=== Lumang Hapones ===
{{main|Lumang Hapones}}Ang Lumang Hapones ay ang pinakalumang napatunay na yugto ng wikang Hapones. Sa pagkalat ng [[Budismo]], naangkat ang Tsinong sistema ng pagsusulat sa Hapon. Ang mga pinakalumang teksto na nahanap sa Hapon ay nakasulat sa [[Classical Chinese|Klasikong Tsino]], ngunit maaaring sadya silang basahin sa wikang Hapones sa pamamagitan ng pamamaraang [[kanbun]]. Ipinapakita ng iilan sa mga Tsinong tekstong ito ang mga impluwensya ng bararilang Hapones, tulad ng pag-aayos ng mga salita (halimbawa, ang paglalagay ng pandiwa pagkatapos ng layon). Sa mga magkahalong tekstong ito, paminsan-minsang ginamit ang mga [[Chinese characters|Tsinong titik]] sa ponetikang paraan para kumatawan sa mga [[Japanese particles|katagang Hapones]]. Pinepetsahan ang pinakalumang teksto, ang ''[[Kojiki]]'', sa maagang ika-8 siglo, at isinulat nang buo sa sulating Tsino. Magkakasabay ang wakas ng Lumang Hapones sa wakas ng [[Nara|panahong Nara]] noong 794. Ginamit ng Lumang Hapones ang sistema ng pagsulat na [[Man'yōgana]], na gumagamit ng ''kanji'' para sa kanilang halagang ponetika at semantiko. Ayon sa sistemang Man'yōgana, maaaring ibuo muli ang Lumang Hapones na nagkaroon ng 88 natatanging pantig. Gumamit ang mga tekstong isinulat sa Man'yōgana ng dalawing magkakaibang ''kanji'' para sa mga pantig na binibigkas ngayon bilang {{lang|ja|き ki, ひ hi, み mi, け ke, へ he, め me, こ ko, そ so, と to, の no, も mo, よ yo and ろ ro}}.<ref>Shinkichi Hashimoto (February 3, 1918)「国語仮名遣研究史上の一発見―石塚龍麿の仮名遣奥山路について」『帝国文学』26–11(1949)『文字及び仮名遣の研究(橋本進吉博士著作集 第3冊)』(岩波書店)。</ref> (May 88 ang ''Kojiki'', ngunit 87 lamang ang mayroon sa mga sumusunod na teksto. Tila agarang nawala ang pagkakaiba sa mo<sub>1</sub> at mo<sub>2</sub> pagkatapos ng komposisyon nito.) Umikli itong pangkat sa 67 sa [[Early Middle Japanese|Maagang Gitnang Hapones]], ngunit nadagdagan ito sa pamamagitan ng impluwensyang Tsino.
 
Dahil sa mga dagdag na pantig, itinuring na mas malaki ang sistema ng patinig ng Lumang Hapones kaysa sa Modernong Hapones – marahil na naglaman ito ng hanggang walong patinig. Ayon kay [[Shinkichi Hashimoto]], nagmumula ang mga dagdag na pantig sa Man'yōgana mula sa pagkakaiba ng mga patinig ng mga kinukuwestyong patinig.<ref>大野 晋 (1953)『上代仮名遣の研究』(岩波書店) p.126</ref> Nagpapahiwatig ng mga pagkakaibang ito na may sistema ng walong patinig ang Lumang Hapones,<ref>大野 晋 (1982)『仮名遣いと上代語』(岩波書店) p.65</ref> kumpara sa limang patinig ng mga sumusunod na Hapones. Dapat umikli ang sistema ng patinig sa pagitan ng mga tekstong ito at ang pag-imbento ng mga ''[[kana]]'' (''[[hiragana]]'' at ''[[katakana]]'') noong unang bahagi ng ika-9 siglo. Ayon sa pananaw na ito, kahawig ang sistema ng walong patinig ng sinaunang Hapones sa mga sistema ng mga pamilya ng wikang Uraliko at [[Altaic language|Altaiko]].<ref>有坂 秀世 (1931)「国語にあらはれる一種の母音交替について」『音声の研究』第4輯(1957年の『国語音韻史の研究 増補新版』(三省堂)</ref> Gayunman, hindi tiyak na tiyak na ang paghahalili ng mga pantig ay sumasalamin sa pagkakaiba sa mga patinig sa halip ng mga katinig – sa panahong iyon, ang tanging hindi mapag-aalinlangang katotohanan ay magkaibang pantig sila. Ipinapakita ng mas bagong muling pagbubuo ng sinaunang Hapones ang kapansin-pansing pagkakatulad sa mga wikang Timog-Asyano, lalo na sa mga [[Mga wikang Austronesyo|wikang Austronesyo]].<ref name="Alexander">{{Cite book|last=Alexander|first=Vovin|chapter=Proto-Japanese beyond the accent system|pages=141–156|chapter-url=https://www.academia.edu/19253123/Proto-Japanese_beyond_the_accent_system|title=Proto-Japanese: Issues and Prospects|editor1-first=Bjarne|editor1-last=Frellesvig|editor2-first=John|editor2-last=Whitman|publisher=John Benjamins|year=2008|series=Current Issues in Linguistic Theory|isbn=978-90-272-4809-1}}</ref> Walang {{IPAslink|h}} ang Lumang Hapones, ngunit sa halip nito, may {{IPAslink|ɸ}} (nakapreserba sa modernong ''fu'', {{IPA|/ɸɯ/}}), na muling ibinuo sa mas maagang *{{IPAslink|p}}. Mayroon ding simbolo ang Man'yōgana para sa {{IPA|/je/}} na ipinagsama sa {{IPA|/e/}} bago natapos ang panahong ito.
 
Napapanatili ang mga iilang hayto ng mga elementong bararila ng Lumang Hapones sa modernong wika – ang katagang paari na ''tsu'' (pinalitan ng modernong ''no'') ay nakapreserba sa mga salita tulad ng ''matsuge'' ("pilikmata", lit. "buhok ng mata"); modernong ''mieru'' ("maging tahaw") at ''kikoeru'' ("maging mapapakinggan") na nagpapanatili ng posibleng [[Mediopassive voice|mediopasibong]] hulaping -''yu(ru)'' (''kikoyu'' → ''kikoyuru'' (ang anyong atributibo na dahan-dahang pumalit sa anyong payak simula sa huling panahong Heian) > ''kikoeru'' (tulad ng lahat ng pandiwang shimo-nidan sa modernong Hapones)); at nananatili ang paaring katagang ''ga'' sa sadyang arkaikong pananalita.
 
== Distribusyong heograpikal ==
3,627

edit