Hotdog: Pagkakaiba sa mga pagbabago

2,427 byte added ,  2 year ago
m
Ibinalik ang mga pagbabago ni 61.9.107.156 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni Lam-ang
No edit summary
Tatak: Pagbabagong biswal Binago sa mobile Pagbabago sa web gamit mobile
m (Ibinalik ang mga pagbabago ni 61.9.107.156 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni Lam-ang)
Tatak: Rollback
[[Talaksan:Hotdog.PNG|right|thumb|300px|Lutong hotdog na nakapaloob sa tinapay at pinatungan ng [[mustasa]].]]
 
Ang '''hotdog''' ay isang uri ng lutung-lutong [[cure|inasnan at pinatuyo]] o/at [[tinapa]]ng (pinausukuan) [[mamasa-masa|mahalumigmig]] na [[langgonisa]] na may malambot at pantay na [[texture|habi]] at lasa. Karaniwang itong ipinapaloob, habang mainit pa, sa isang malambot na hinating-tinapay na halos kasinghaba ng langgonisang ito, at maaaring lagyan o hindi ng mga sahog at pampalasa. Ang nagiging produkto ay karaniwang tinatawag na '''hotdog'''.
 
Ang kabuuang panlasa at sahog ng hotdog ay may malaking pagkakaiba ayon sa rehiyon at sariling kagustuhan, gayon din ang mga hinahalo dito. Ang kabuuang lasa at anyo nito ay may pagkakapareho sa ibang produktong karne mula sa bologna na simple at halos walang lasa, hanggang sa Alemang bockwurst na mas maanghang na uri.
 
Ang hotdog ay tradisyunal na gawa sa karne ng baka, baboy, o ang pinaghalo nito. Ang kosher ay kadalasang purong-baka. Di-tulad ng ng karamihang langgonisa na maaaring luto o di-luto, ang hotdog ay laging niluluto bago ibenta. Maliban na lamang kung ito ay panis na, ang hotdog ay maaaring ligtas na kainin nang wala nang karagdagang pagluluto. Ito ay pinapainit bago ihain. Mayroong hotdog at longganisang pang-''vegetarian'', gawa sa ''meat analogue'', sa mga lugar na sikat ang hotdog.
 
Tinatawag ding ''frankfurter'' ,o ''frank'' para mas maikli, ang hotdog. Mula ito sa lungsod ng Frankfurt, Germany kung saan nagmula ang longganisa sa tinapay, hawig sa hotdog, ngunit gawa sa purong karneng-baboy. Isa pang bansag ng hotdog ay ''wieners'' o ''weenies'' na tumutukoy naman sa lungsod ng Vienna, Austria, na sa Aleman ay ''Wien'', tahanan ng longganisang gawa sa pinaghalong karne ng baka at baboy. Ang hotdog ay tinatawag ding ''tube steak''. Sa mga bansang nagsasalita ng Aleman, maliban sa Austria, ang hotdog ay karaniwang tinatawag na ''Wiener'' o ''Wiener Würstchen''("maliit na longganisa"). Sa Alemang Switzerland, tinatawag itong ''Wienerli'', samantalang sa Austria, ang ngalang ''Frankfurter'' at ''Frankfurter Würstel'' ay ginagamit.
 
Sa United Kingdom, ang mga hotdog ay minsang gawa sa longganisang Briton, niluluto sa pamamagitan ng pag-ihaw o pagprito. Kapag inihanda gamit ang frankfurter, maaari itong i-benta bilang istilong Aleman o istilong Amerikanong hot dog.
 
Sa Pilipinas, ang hotdog ay impluwensiyang Amerikano.
 
== Kasaysayan ==
50

edit