Mga Krusada: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Tatak: Binago sa mobile Pagbabago sa web gamit mobile
Tatak: Binago sa mobile Pagbabago sa web gamit mobile
Linya 10:
Ang [[Unang Krusada]] (1096–1099) ay isang ekspedisyong militar ng [[Romano Katoliko]]ng Europa upang muling maibalik ang mga [[banal na lupain]] na nasakop ng mga Muslim sa [[Levant]] (632–661) na sa huli ay humantong sa muling pagkakabihag ng Herusalem noong 1099.<ref>Asbridge, Thomas (2004). The First Crusade: A New History. Oxford. ISBN 0-19-517823-8.</ref><ref>Baldwin, Marshall W. (1969). A History of the Crusades: The First Hundred Years. Madison, Wisconsin: University of Wisconsin Press. ISBN 978-0-299-04834-1.</ref><ref>Bartlett, Robert (1994). The Making of Europe: Conquest, Colonization and Cultural Change 950–1350. Princeton. ISBN 0-691-03780-9.</ref> Ito ay inilunsad ni Papa [[Urban II]] noong 27 Nobyembre 1095 na may pangunahing layunin ng pagtugon mula sa apela mula sa Emperador ng [[Imperyong Byzantine]] na si [[Alexios I Komnenos]] na humiling ng mga bolunterong kanluraning upang tulungan siya at patalsikin ang mga mananakop na [[dinastiyang Sejuq|Turkong Seljuk]] mula sa [[Anatolia]]. Ang karagdagang layunin ay sandaling naging pangunahing layunin na [[Kristiyanismo|Kristiyanong]] pananakop ng Herusalem at Banal na Lupain at pagpapalaya ng mga [[Silangang Ortodokso|Silangang Kristiyano]] mula sa pamumunong [[Islam]]iko. Sa panahon ng unang krusada, ang mga kabalyero at mga magsasaka mula sa iba't ibang mga banks ng Kanluraning Europa ay naglakbay sa lupain at dagat una ay sa [[Constantinople]] at pagkatapos ay tungo sa Herusalem bilang mga nagkukrusada. Ang mga magsasaka ay mas marami sa mga kabalyero. Ang mga magsasaka at mga kabalyero ay nahati sa dalawang magkakahiwalay na mga hukbo dahil ang mga magsasaka ay hindi mahusay na sinanay sa labanan gaya ng mga kabalyero. Ang kanilang hukbo ay nabigong makarating sa Herusalem. Ang mga kabalyero ay nakarating sa Herusalem at naglunsad ng pagsalakay sa siyudad. Kanila itong nasakop noong Hulyo 1099 at nang-masaker ng maraming mga Muslim at Hudyong mamamayan nito. Kanila ring itinatag ang mga [[estado ng nagkrusada]] na [[Kaharian ng Herusalem]], [[Kondado ng Tripoli]], [[Prinsipalidad ng Antioch]] at [[Kondado ng Edessa]]. Dahil ang Unang Krusada ay malaking nauukol sa Herusalem na isang siyudad na hindi napasailalim ng mga Kristiyano sa loob ng 461 taon, ang mga nagkrusad ay tumanggi na ibalik ang lupain sa kontrol ng [[Imperyong Byzantine]]. Ang Unang Krusada ay bahagi ng tugong Kristiyano sa mga pananakop ng Muslim. Ito ay sinundan ng [[Ikalawang Krusada]] hanggang [[Ikasiyam na Krusada]] ngunit ang mga nakamit dito ay tumagal sa kaunti sa 200 taon. Ito rin ang unang pangunahing hakbang tungo sa muling pagbubukas ng kalakalang internasyonal sa Kanluran simula ng pagbagsak ng [[Kanluraning Imperyo Romano]].
 
=== Ikalawang Krusada #idontwannafail ===
{{main|Ikalawang Krusada}}
Ang [[Ikalawang Krusada]] (1145–1149) ang ikalawang [[krusada]] na inilunsad mula sa Europa. Ang Ikalawang Krusada ay sinimulan bilang tugon sa pagbagsak ng [[Kawnti ng Edessa]] sa nakaraang taon ng mga pwersa ni [[Zengi]]. Ang Kawnti ay itinatag noong [[Unang Krusada]] (1096–1099) ni [[Baldwin I of Jerusalem|Baldwin ng Boulogne]] noong 1098. Bagaman ito ang unang itinatag na [[estado ng nagkrusada]], ito rin ang una na bumagsak. Ang Ikalawang Krusada ay inanunsiyo ni Papa [[Eugene III]] at ang una sa mga krusada na pinamunuan ng mga haring Europeo na sina [[Louis VII ng Pransiya]] at [[Conrad III ng Alemanya]] na may tulong ng isang bilang ng ibang mga maharlikang Europeo. Ang mga hukbo ng mga dalawang haring ito ay nagmartsa ng magkahiwalay sa buong Europa. Pagkatapos na tumawid sa teritoryong [[Imperyong Byzantine|Byzantine]] tungo sa [[Anatolia]], ang parehong mga hukbong ito ay magkahiwalay na natalo ng mga [[Turkong Seljuq]]. Ang pangunahing sangguniang Kristiyano sa Kanluran ng Krusadang ito na si [[Odo ng Deuil]] at ang mga sangguniang [[Kristiyanismong Syriac]] ay nag-angkin na sikretong hinarang ng Emperador ng [[Imperyong Byzantine]] na si [[Manuel I Komnenos|Manuel I Comnenus]] ang pagsulong mga nagkrusada partikular na sa Anatolia kung saan inakusahan na kanyang sinadyang utusan ang mga Turko na atakihin ang mga ito. Sina Louis at Conrad at mga natitirang mga hukbo nito ay dumating sa Herusalem at noong 1148 ay lumahok sa isang hindi mahusay na napayuhang pag-atake sa [[Damascus]]. Ang krusada sa silangan ay isang pagkabigo para sa mga nagkrusada at isang malaking pagkapanlo para sa mga Muslim. Ito ay kalaunang nagkaroon ng mahalagang impluwensiya sa pagsalakay sa Herusalem at naglunsad ng [[Ikatlong Krusada]] sa wakas ng ika-12 siglo. Ang tanging tagumpay ng Ikalawang Krusada ay ang isang pinagsamang pwersa ng mga 13,000 na nagkrusadang Flemish, Frisian, Norman, Ingles, Scottish, at Aleman noong 1147. Sa paglalakbay mula sa Inglatera sa pamamagitan ng barko tungo sa Banal na Lupain, ang hukbo ay huminto at tumulong sa mas maliit na 7,000 hukbong Portuges sa pagsalakay sa [[Lisbon]] na nagpatalsik sa mga naninirahan nitong mga [[Moor]].