Bulkan: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Tagasalinero (usapan | ambag)
→‎Katangian ng bulkan: Inihalintulad sa bersyong Ingles (Hindi pa tapos ang pagsasalinwika).
Tagasalinero (usapan | ambag)
Inihalintulad sa bersyong Ingles (Hindi pa tapos ang pagsasalinwika).
Linya 61:
 
=== Submarinong bulkan ===
{{Main|Submarinong bulkan}}Ang mga '''submarinong bulkan''' ay karaniwang tampok ng sahig ng karagatan. Sa mababaw na tubig, nagpaparamdam ang mga aktibong bulkan sa pagsabog ng singaw at mabatong labi pataas mula sa ibabaw ng karagatan. Sa kalaliman naman, pinipigil ng napakabigat na timbang ng tubig sa ibabaw ang eksplosibong pagkaputok ng singaw at gasbuhag; gayunman, maaari silang matuklas ng mga [[Hydrophone|hidropono]] at pag-iibang kulay ng tubig dahil sa mga [[Volcanic gas|bulkanikong buhag]]. Ang [[Pillow lava|lavang malaunan]] ay karaniwang produkto ng pagsabog ng mga submarinong bulkan at kakikitaan ng makapal na pagkakasunod-sunod ng pahinto-hintong kimpal na hugis-unan na nabubuo sa ilalim ng tubig. Kahit ang mga malalaking submarinong pagsabog ay maaaring hindi makaistorbo sa ibabaw ng tubig dahil sa mabilisang paglamig at mas mataas na balintang ng tubig (kumpara sa hangin) na kadalasang nagiging sanhi ng bulkanikong pasingawan na nagbubuo ng matarik na tukod sa sahig ng karagatan. Karaniwan ang mga [[Hydrothermal vent|pasingawang hidrotermal]] malapit sa mga bulkang ito, at [[Black smoker|sumusuporta ang ilan ng mga kakaibang ekosistema]] ayon sa mga natunaw na mineral. Sa paglipas ng panahon, maaaring lumaki nang lumaki ang mga nabuo ng mga submarinong bulkan na umuusli sila sa ibabaw ng tubig bilang mga bagong pulo o lumulutang na [[Pumice raft|balsang buga]].
 
Noong 2018, natuklas ang mararaming senyas-[[Sismolohiya|lindol]] ng mga ahensyang nagsusubaybay ng [[Earthquake|lindol]] sa buong mundo noong Mayo at Hunyo. Lumikha sila ng isang kakaibang malahuning tunog at iilan sa mga senyas na natuklas noong Nobyembre sa taong iyon ay tumagal nang hanggang 20 minuto. Ipinakita ng isang kampanyang [[Oceanographic|oseanograpo]] noong May 2019 na ang mga dating misteryosong malahuning tunog ay dahil sa pagbuo ng submarinong bulkan sa baybayin ng [[Mayotte]].<ref>{{cite web|language=en|title=Origin of mystery humming noises heard around the world, uncovered|author=Ashley Strickland|website=CNN|date=10 Jan 2020|url=https://www.msn.com/en-us/news/technology/origin-of-mystery-humming-noises-heard-around-the-world-uncovered/ar-BBYN2oY?ocid=spartanntp}}</ref>
Linya 69:
 
=== Bulkang putik ===
{{Main|Bulkang putik}}Ang mga '''bulkang putik''' o '''domo de-putik''' ay mga pormasyong nabuo ng dunilabasang likido at gasbuhag, ngunit mayroong iilang proseso na maaaring maging sanhi ng ganitong aktibidad. Ang mga pinamalaking istraktura ay 10 kilometro sa diyametro at umaabot ng 700 metro.
 
== Epekto ng mga bulkan ==
[[Talaksan:Volcanic_injection.svg|left|thumb|Eskematikong larawan ng pagbuga ng bulkan ng mga erosol at buhag]]
[[Talaksan:Mauna_Loa_atmospheric_transmission.png|thumb|Talangguhit ng radyasyong solar mula 1958–2008 na nagpapakita kung paano nababawasan ang radyasyon pagkatapos ng mga malaking pagsabog ng bulkan]]
[[Talaksan:SO2_Galapagos_20051101.jpg|right|thumb|Konsentrasyon ng [[Sulfur dioxide|dioksido de-asupre]] sa itaas ng [[Sierra Negra (Galápagos)|Bulkang Sierra Negra]], [[Kapuluan ng Galapagos]], noong isang pagsabog sa Oktubre 2005]]
Mayroong iba't ibang [[Types of volcanic eruptions|uri ng pagsabog ng bulkan]] at naiuugnay na aktibidad: [[Phreatic eruptions|preatikong pagsabog]] (likha ng singaw), eksplosibong pagsabog ng lavang mataas sa [[Silica|silika]] (hal. [[Rhyolite|riolita]]), mabagal na pagsabog ng lavang mababa sa silika (hal. [[basalto]]), [[Pyroclastic flow|piroklastikong daloy]], [[lahar]] (daloy ng labi) at paglabas ng [[karbon dioksido]]. Lahat ng mga aktibidad na ito ay maaaring maging panganib sa mga tao. Kadalasang sumasama ang mga lindol, [[Hot spring|maiinit na bukal]], [[Fumarole|pumarola]], [[Mud pot|lawang putik]] at [[geyser]] sa aktibidad ng bulkan.
 
=== Bulkanikong buhag ===
Ang mga konsentrasyon ng mga iba't ibang [[Volcanic gas|bulkanikong buhag]] ay maaaring umiba nang lubha mula sa bawat bulkan. Sa karaniwan, ang [[Water vapor|singaw ng tubig]] ay ang pinakalikas na bulkanikong buhag, at sinusundan ito ng [[Carbon dioxide|dioksido de-karbon]]<ref>{{cite journal|last1=Pedone|last7=Ilyinskaya|doi=10.5194/se-5-1209-2014|pages=1209–1221|issue=2|volume=5|date=2014|journal=Solid Earth|title=Tunable diode laser measurements of hydrothermal/volcanic CO2 and implications for the global CO2 budget|first7=E.|first6=B.|first1=M.|last6=Bergsson|first5=V.|last5=Francofonte|first4=F.|last4=Grassa|first3=G.|last3=Giudice|first2=A.|last2=Aiuppa|bibcode=2014SolE....5.1209P}}</ref> at [[Sulfur dioxide|dioksido de-asupre]]. Kabilang sa mga ibang pangunahing bulkanikong buhag ang [[Hydrogen sulfide|sulpuro de-idrohino]], [[Hydrogen chloride|kloruro de-idrohino]], at [[Hydrogen fluoride|ploruro de-idrohino]]. Matatagpuan din ang mga mararaming minor at kaunting buhag sa mga nilabas ng bulkan, tulad ng [[idrohino]], [[Carbon monoxide|monoksido de-karbon]], [[Halocarbon|halokarbon]], mga organikong balangkap, at mga maigahing kloruro metaliko.
 
Ang mga malalaking, eksplosibong pagsabog ay nagbubuga ng singaw ng tubig (H<sub>2</sub>O), dioksido de-karbon (CO<sub>2</sub>), dioksido de-asupre (SO<sub>2</sub>), kloruro de-idrohino (HCl), ploruro de-idrohino (HF) at abo (durog na bato at [[Pumice|buga]]) patungo sa [[Stratosphere|himpapayaw]] mula 16–32 kilometro (10–20&nbsp;mi) sa itaas ng ibabaw ng lupa. Nanggagaling ang pinakamabuluhang epekto ng mga pagbuga mula sa komberson ng dioksido de-asupre sa [[Sulfuric acid|asido sulpuriko]] (H<sub>2</sub>SO<sub>4</sub>) na kumokondensa sa himpapayaw para makabuo ng mga pinong [[Aerosols|erosol]] [[Sulfate|de-sulpato]]. Ang nilabas na SO<sub>2</sub> mismo ng dalawang magkaibang pagsabog ay sapat para ikumpara ang kanilang potensyal na epekto sa klima.<ref>{{cite journal|last1=Miles|first1=M.G.|last2=Grainger|first2=R.G.|last3=Highwood|first3=E.J.|title=The significance of volcanic eruption strength and frequency for climate|journal=Quarterly Journal of the Royal Meteorological Society|date=2004|volume=130|issue=602|pages=2361–2376|doi=10.1256/qj.03.60|url=http://eodg.atm.ox.ac.uk/eodg/papers/2004Miles1.pdf|bibcode=2004QJRMS.130.2361M}}</ref> Pinapataas ng mga erosol ang [[albedo]] ng Daigdig —ang kanyang pagpapaaninag ng radyasyon mula sa [[Araw (astronomiya)|Araw]] pabalik sa kalawakan—at sa gayon ay pinapalamig ang mas mababang atmospera o himpapawid; gayunman, sumisipsip din sila ng init na nagpakinang mula sa Daigdig, at sa gayon ay pinapainit ang [[Stratosphere|himpapayaw]]. Ang mga iilang pagsabog sa nakaraang siglo ay naging sanhi ng pagbaba sa katamtamang temperatura sa ibabaw ng Daigdig nang hanggang kalahating digri (Fahrenheit) mula isa hanggang tatlong taon; marahil ang dioksido de-asupre mula sa pagsabog ng [[Huaynaputina]] ay naging sanhi ng [[Russian famine of 1601–1603|Rusong taggutom ng 1601–1603]].<ref>{{cite web|author=University of California – Davis|title=Volcanic Eruption Of 1600 Caused Global Disruption|date=April 25, 2008|work=ScienceDaily|url=https://www.sciencedaily.com/releases/2008/04/080423135236.htm}}</ref>
 
== Talasanggunian ==