Wikang Hapones: Pagkakaiba sa mga binago
Content deleted Content added
Tagasalinero (usapan | ambag) mNo edit summary |
Tagasalinero (usapan | ambag) Inihalintulad sa bersyong Ingles (Hindi pa tapos ang pagsasalinwika). |
||
Linya 43:
=== Lumang Hapones ===
Dahil sa mga dagdag na pantig, itinuring na mas malaki ang sistema ng patinig ng Lumang Hapones kaysa sa Makabagong Hapones – marahil na naglaman ito ng hanggang walong patinig. Ayon kay [[Shinkichi Hashimoto]], nagmumula ang mga dagdag na pantig sa Man'yōgana mula sa pagkakaiba ng mga patinig ng mga kinukuwestyong patinig.<ref>大野 晋 (1953)『上代仮名遣の研究』(岩波書店) p.126</ref> Nagpapahiwatig ng mga pagkakaibang ito na may sistema ng walong patinig ang Lumang Hapones,<ref>大野 晋 (1982)『仮名遣いと上代語』(岩波書店) p.65</ref> kumpara sa limang patinig ng mga sumusunod na Hapones. Dapat umikli ang sistema ng patinig sa pagitan ng mga tekstong ito at ang pag-imbento ng mga ''[[kana]]'' (''[[hiragana]]'' at ''[[katakana]]'') noong unang bahagi ng ika-9 siglo. Ayon sa pananaw na ito, kahawig ang sistema ng walong patinig ng sinaunang Hapones sa mga sistema ng mga pamilya ng wikang Uraliko at [[Altaic language|Altaiko]].<ref>有坂 秀世 (1931)「国語にあらはれる一種の母音交替について」『音声の研究』第4輯(1957年の『国語音韻史の研究 増補新版』(三省堂)</ref> Gayunman, hindi tiyak na tiyak na ang paghahalili ng mga pantig ay sumasalamin sa pagkakaiba sa mga patinig sa halip ng mga katinig – sa panahong iyon, ang tanging hindi mapag-aalinlangang katotohanan ay magkaibang pantig sila. Ipinapakita ng mas bagong muling pagbubuo ng sinaunang Hapones ang kapansin-pansing pagkakatulad sa mga wikang Timog-Asyano, lalo na sa mga [[Mga wikang Austronesyo|wikang Austronesyo]].<ref name="Alexander">{{Cite book|last=Alexander|first=Vovin|chapter=Proto-Japanese beyond the accent system|pages=141–156|chapter-url=https://www.academia.edu/19253123/Proto-Japanese_beyond_the_accent_system|title=Proto-Japanese: Issues and Prospects|editor1-first=Bjarne|editor1-last=Frellesvig|editor2-first=John|editor2-last=Whitman|publisher=John Benjamins|year=2008|series=Current Issues in Linguistic Theory|isbn=978-90-272-4809-1}}</ref>
Walang /h/ ang Lumang Hapones, ngunit sa halip nito, may /ɸ/ (nakapreserba sa modernong ''fu'', {{IPA|/ɸɯ/}}), na muling ibinuo sa mas maagang */p/. Mayroon ding simbolo ang Man'yōgana para sa {{IPA|/je/}} na ipinagsama sa {{IPA|/e/}} bago natapos ang panahong ito. Napapanatili ang mga iilang hayto ng mga elementong bararila ng Lumang Hapones sa modernong wika – ang katagang paari na ''tsu'' (pinalitan ng modernong ''no'') ay nakapreserba sa mga salita tulad ng ''matsuge'' ("pilikmata", lit. "buhok ng mata"); modernong ''mieru'' ("maging tahaw") at ''kikoeru'' ("maging mapapakinggan") na nagpapanatili ng posibleng [[Mediopassive voice|mediopasibong]] hulaping -''yu(ru)'' (''kikoyu'' → ''kikoyuru'' (ang anyong atributibo na dahan-dahang pumalit sa anyong payak simula sa huling panahong Heian) > ''kikoeru'' (tulad ng lahat ng pandiwang shimo-nidan sa makabagong Hapones)); at nananatili ang paaring katagang ''ga'' sa sadyang arkaikong pananalita.
[[Talaksan:Genji_emaki_01003_001.jpg|alt=Two pages from Genji Monogatari emaki scroll|right|thumb|Dalawang pahina mula sa isang ika-12 siglong balumbong [[emaki]] ng ''[[Ang Kuwento ni Genji]]'' mula sa ika-11 siglo]]
=== Maagang Gitnang Hapones ===
Ang Maagang Gitnang Hapones ay ang Hapones ng [[Heian|panahong Heian]], mula 794 hanggang 1185. Nakikita sa Maagang Gitnang Hapones ang makabuluhang impluwensya ng wikang Tsino sa tinigan ng wika – nagiging multinigin ang pagtatangi ng haba para sa mga katinig at patinig, at may mga idinagdag na katinig na labyalisado (hal. ''kwa'') at palatalisado (hal. ''kya'').{{Citation needed|date=February 2011}} Napasama ang interbokalikong /ɸ/ sa /w/ sa pagsapit ng ika-11 siglo. Nakikita sa wakas ng Maagang Gitnang Hapones ang simula ng mabagal na paglilipat ng anyong atributibo (''rentaikei'' sa Hapones) patungo sa di-sabaylong anyo (''shūshikei'') para sa mga uri ng pandiwa kung saan magkaiba ang dalawa.
=== Huling Gitnang Hapones ===
Sumasaklaw ng Huling Gitnang Hapones ang mga taon mula 1185 hanggang 1600, at karaniwang inihihiwalay sa dalawang seksyon, halos magkatumbas sa [[Kamakura period|panahong Kamakura]] at [[Muromachi period|panahong Muromachi]], ayon sa pagkabanggit. Ang mga huling anyo ng Huling Gitnang Hapones ay ang mga unang inilarawan ng mga di-katutubong sanggunian, sa sitwasyong ito, ang mga [[Kapisanan ni Hesus|Heswita]] at [[Franciscano|Franciscanong]] misyonero; at sa gayon ay nagkaroon ng mas mabuting dokumentasyon ng tinigan ng Huling Gitnang Hapones kumpara sa mga dating anyo (halimbawa, ang ''[[Arte da Lingoa de Iapam]]''). Kabilang sa mga ibang pagbabago sa tunog, ipinagsama ang {{IPA|/au/}} sa {{IPA|/ɔː/}}, di-kayaga ng {{IPA|/oː/}}; ipinakilala muli ang {{IPA|/p/}} mula sa Tsino; at ipinagsama ang {{IPA|/we/}} sa {{IPA|/je/}}. Nagsimulang lumitaw ang mga anyo na mas kilala ng mga nananalita ng Makabagong Hapones – nagsimulang bawasin ang pangatnig pangwakas -''te'' sa pandiwa (hal. ''yonde'' mula sa mas maagang ''yomite''), natanggal ang -k- sa huling pantig (''shiroi'' kumpara sa mas naunang ''shiroki''); at umiiral ang mga iilang anyo kung saan pinanatili ng makabagong pamantayang Hapones ang dating anyo (hal. ''hayaku'' > ''hayau'' > ''hayɔɔ'', kung saan may ''hayaku'' lamang ang makabagong Hapones, ngunit nakapreserba ang alternatibong anyo sa karaniwang pagbati ''o-hayō gozaimasu'' "magandang umaga"; nakikita rin itong pangwakas sa ''o-medetō'' "pagbati!" mula sa ''medetaku'').
Nasa Huling Gitnang Hapones ang mga unang salitang hiram mula sa wikang Europeo – kabilang sa mga karaniwang salita ngayon na hiniram ng Hapones sa panahong ito ang ''pan'' ("tinapay") at ''tabako'' ("tabakao", "sigarilyo" ngayon), kapwa mula sa [[Wikang Portuges|Portuges]].
== Distribusyong heograpikal ==
|