Kubo: Pagkakaiba sa mga pagbabago

No change in size ,  2 year ago
walang buod ng pagbabago
(Kinansela ang pagbabagong 1742166 ni 130.105.196.199 (Usapan))
Tatak: Undo
No edit summary
Ang '''bahay [[kubo]]''' (Ingles: ''nipa hut'') o '''kubo''' lamang ay isang katutubong bahay na ginagamit sa Pilipinas. Ang katutubong bahay ay gawa sa kawayan na itinatali na magkasama, na may isang binigkis na bubong gamit ang dahon ng [[Nypa fruticans|nipa]] / [[Arecaceae|anahaw]]. Ang bahay kubo ay ang pambansang [[bahay]] ng [[Pilipinas]]. Ang bahay kubo ay gawa sa [[kawayan]] na pinagtali at mga [[nipa]].<ref name=Flavier>{{cite-Flavier|Bahay kubo, ''Glossary of Filipino Terms and Phrases}}</ref> Angkop ito laban sa [[hangin]] at [[ulan]]. Ngunit ito ay madaling masira sa mga [[bagyo]] at madaling palitan.
 
Ang bahay kubo ay ang kauna-unahang bahay ng mga katutubong Pilipino bago dumating ang mga Espanyol. Sila ay ginagamit pa rin sa araw na ito, lalo na sa mga mabukid na lugar. Iba't-ibang disenyo ng arkitektura ang makikita sa iba't-ibang tribo sa bansa, kahit na lahat ng mga ito ay sumusunod sa pagiging tiyakad bahay, kamukha sa mga matatagpuan sa kalapit na bansa tulad ng [[Indonesia|Indonesia,]] [[Malaysia|Malaysia,]] [[Palau|Palau,]] at ang Mga IslaPulo ng Pasipiko.
 
Parisukat ang hugis ng mga sinaunang bahay kubo. Ang mga ito ay may apat na dingding at may isa o dalawang silid. Ang mga dingding nito ay yari sa kahoy at pawid,o kawayan at pawid. Ang iba naman ay ginagamitan ito ng kogon sa halip na pawid. Ang haligi ay yari sa malalaki at matitigas na kahoy. Ang mga ito ay nakabaon nang may tatlong talampakan ang ilalim sa lupa at nakapatongsa malaking patag na bato. Nilalagyan din ng bato ang paligid ng haligi upang maging matatag ito. Mga maiikling poste na umaabot sa sahig ang inilalagay sa ilalim ng bahay bilang dagdag suporta.
90

edit