Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Distritong pambatas ng Bulacan"

walang buod ng pagbabago
Ang mga '''Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Bulacan''', [[Distritong pambatas ng Bulacan#Unang Distrito|Una]], [[Distritong pambatas ng Bulacan#Ikalawang Distrito|Ikalawa]], [[Distritong pambatas ng Bulacan#Ikatlong Distrito|Ikatlo]] at [[Distritong pambatas ng Bulacan#Ikaapat na Distrito|Ikaapat]] ang mga kinatawan ng [[Mga lalawigan ng Pilipinas|lalawigan]] ng [[Bulacan]] sa [[Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas|mababang kapulungan]] ng [[Pilipinas]].
 
== Kasaysayan ==
Ang lalawigan ng Bulacan ay nahahati sa dalawang [[Distritong pambatas ng Pilipinas|distritong pambatas]] hanggang 1972. Bahagi ito ng [[Gitnang Luzon|Ikatlong Rehiyon]] mula 1978 hanggang 1984 at mula 1984 hanggang 1986 nakapaghalal ito ng 4 na assemblymen at-large. Muli itong nahati sa apat na distritong pambatas noong 1986.
Ang Bulacan ay dating nahahati sa dalawang [[Distritong pambatas ng Pilipinas|distritong pambatas]] mula 1907 hanggang 1972.
 
Noong panahon ng [[Ikalawang Republika ng Pilipinas|Ikalawang Republika]], nagpadala ng dalawang assembymen at-large ang lalawigan sa [[Kapulungang Pambansa ng Pilipinas#Kapulungang Pambansa ng Ikalawang Republika|Kapulungang Pambansa]]. Nang manumbalik ang Komonwelt, napanatili ng lalawigan ang dalawang [[Distritong pambatas ng Pilipinas|distritong pambatas]] nito noong 1945.
 
Hiniwalay ang noo'y munisipalidad ng [[Valenzuela]] mula sa lalawigan upang buuin ang [[Kalakhang Maynila]] sa bisa ng Presidential Decree Blg. 824 noong Nobyembre 7, 1975.
 
Bahagi ito ng kinakatawan ng [[Gitnang Luzon|Rehiyon III]] sa Pansamantalang Batasang Pambansa, mula 1978 hanggang 1984. Mula 1984 hanggang 1986, nagpadala ng apat na assemblymen at-large ang lalawigan sa Regular Batasang Pambansa.
 
Sa ilalim ng bagong Konstitusyon, hinati ang lalawigan sa apat na [[Distritong pambatas ng Pilipinas|distritong pambatas]] noong 1987.
 
Sa bisa ng Batas Pambansa Blg. 9230 na naipasa noong Disyembre 18, 2003, hiniwalay ang [[San Jose del Monte|Lungsod ng San Jose del Monte]] mula sa [[Distritong pambatas ng Bulacan#Ikaapat na Distrito|ikaapat na distrito]] upang bumuo ng [[Distritong pambatas ng San Jose del Monte#Solong Distrito|sariling distrito]] na nagsimulang maghalal ng kinatawan noong eleksyon 2004. Nananatiling bahagi ang lungsod sa [[Distritong pambatas ng Bulacan#Ikaapat na Distrito|ikaapat na distrito]] ng Sangguniang Panlalawigan.
 
Layunin ng Batas Pambansa Blg. 9591 na naaprubahan noong Mayo 1, 2009 na ihiwalay ang [[Malolos|Lungsod ng Malolos]] mula sa [[Distritong pambatas ng Bulacan#Unang Distrito|unang distrito]] upang bumuo ng sariling distrito. Kagaya ng San Jose del Monte, mananatiling bahagi ng unang distrito ng Sangguniang Panlalawigan ang Malolos. Ngunit noong Enero 25, 2010, idineklara ng [[Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas|Korte Suprema]] na paglabag sa Konstitusyon ang pagbuo sa Distritong Pambatas ng Malolos, pinangangatwirang hindi umabot ang lungsod sa minimum na pangangailangan sa populasyon. Ngayon nananatiling bahagi ng [[Distritong pambatas ng Bulacan#Unang Distrito|unang distrito]] ang lungsod.
 
== Unang Distrito ==
1,115

edit