Tagagamit:Kkiske95/Tokugawa Yoshinobu: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Kkiske95 (usapan | ambag)
Inilikha sa pagsalin ng pahinang "Tokugawa Yoshinobu"
Kkiske95 (usapan | ambag)
Inilikha sa pagsalin ng pahinang "Tokugawa Yoshinobu"
Linya 9:
 
== Kabataan ==
Ipinanganak sa Edo si Tokugawa Yoshinobu bilang Matsudaira Shichirōmaro<ref>Takano, ''Tokugawa Yoshinobu'', p. 26. Sons of the lord of Mito did not bear the name Tokugawa unless they themselves became the next lord.</ref>, ang ikapitong anak na lalaki ng ''[[Daimyo|daimyō]]'' ng Mito na si Tokugawa Nariaki. Isa ang kanilang pamilya sa ''gosanke'', ang tatlong pangunahing sangay ng angkang Tokugawa na maaaring pagpilian ng uupo bilang ''shōgun.'' Bahagi rin ang ina niyang si Prinsesa Arisugawa Yoshiko ng pamilyang Arisugawa-no-miya, isang sangay ng angkang imperyal; bunga nito, si Yoshinobu ay kamag-anak ni Emperador Ninkō, na nanungkulan noong panahong iyon. Pitong buwang gulang si Shichirōmaro nang siya ay ihatid sa Mito noong 1838 upang ipag-aral. Doon siya tinuruan sa panitik at sining pandigma, pati na sa mga saligan ng politika at pamamahala sa paaralan ng dominyong iyon, ang Kōdōkan.<ref>Takano, p. 28.</ref>
[[Talaksan:Tokugawa_yoshinobu.jpg|thumb|308x308px| Si Yoshinobu na naka-damit panseremonya ]]
Sa pag-uudyok ng kanyang ama, inampon si Shichirōmaro ng pamilyang Hitotsubashi upang mabigyan ng mas malaking tsansang maluklok sa pagka-''shōgun''<ref>Takano, p. 38.</ref> at pinangalangang Akimune. Isa naman ang mga Hitotsubashi sa ''gosankyō'', ang tatlong karagdagang sangay ng angkang Tokugawa. Noong 1847, naging pinuno si Akimune ng pamilya nang siya ay maging ganap na binata at mabigyan ng kanyang ranggo sa korteng imperyal. Muli rin siyang nagpalit ng pangalan, ngayon bilang Yoshinobu.<ref>Takano, p. 48.</ref> Nang mamatay ang ika-13 ''shōgun'' na si Iesada noong 1858, ininomina si Yoshinobu bilang kasunod nito sa puwesto,<ref>Borton, ''Japan's Modern Century'', p. 40.</ref> dahil sa diumanong galing at bisa niya sa pangangasiwa sa kanyang angkan. Subalit, nanalo ang kalaban nitong panig na pinamunuan ni Ii Naosuke. Nailuklok sa puwesto ang kanilang kandidato na si Tokugawa Yoshitomi, na siyang nanungkulan bilang ika-14 na ''shōgun'' na si Iemochi.<ref>Borton, pp. 39–40.</ref> Di naglaon, sa gitna ng Purgang Ansei, inilagay sa ''house arrest'' si Yoshinobu at ang iba niyang mga taga-suporta.<ref>Takano, pp. 12–13.</ref> Bukod pa rito, pinagbitiw si Yoshinobu mula sa pagkapinuno ng pamilyang Hitotsubashi.
 
Naging talamak ang kapabayaan at pamumulitika sa pamahalaang Tokugawa sa pamumuno ni Ii. Nang siya ay paslangin noong 1860, ibinalik si Yoshinobu bilang pinuno ng pamilyang Hitotsubashi, at kalauna'y itinalaga bilang {{Nihongo|tagapagtanggol ng ''shōgun''|将軍後見職|shōgun kōken-shoku}}.<ref>Murray, ''Japan'', p. 362; Kobiyama, ''Matsudaira Katamori no shōgai'', p. 75; Bolitho, ''Collapse of the Tokugawa Bakufu'', p. 9.</ref> Kasabay nito, naluklok din ang dalawa niyang pinakamalapit na kaalyado, sina Matsudaira Yoshinaga at Matsudaira Katamori, sa matataas na posisyon: si Yoshinaga bilang {{Nihongo|tagapangasiwang politikal|政治総裁職|seiji sōsai-shoku}},<ref>Kobiyama, p. 75.</ref> at si Katamori bilang {{Nihongo|punong tagapagtanggol ng Kyoto|京都守護職|Kyoto shugoshoku}}.<ref>Takano, pp. 132–133.</ref> Sama-sama nilang nagsagawa ng mga hakbang upang sugpuin ang kaguluhan sa paligid ng Kyoto, at nagtipon ng mga kaalyado upang kalabanin ang mapaghimagsik na dominyo ng Chōshū. Naging mahalaga silang tagapagtaguyod ng ''kōbu gattai'', ang pagkakasundo ng shogunato at kortekorteng imperyal.<ref>Kobiyama, pp. 84–87; Totman, p. 45; Takano, p. 20.</ref>
 
Noong 1864, hinirang si Yoshinobu bilang {{Nihongo|pinuno para sa pagtatanggol sa palasyong imperyal|禁裏御守衛総督|kinri go-shuei sōtoku}}. Noong taon ding iyon, tinalo niya ang puwersa ng Chōshū sa binansagang Insidenteng Kinmon sa tulong ng koalisyon ng mga dominyo ng Aizu at Satsuma.<ref>See ''Japan 1853–1864, Or, Genji Yume Monogatari'', trans. by Ernest Mason Satow. (Tokyo: Naigai Shuppan Kyokai), for more.</ref>
 
== ''Shōgun'' (1866–1867) ==
[[Talaksan:JulesBrunet.jpg|thumb| Ang misyong militar ng Pransya sa [[Hapon]], na inanyayahan ni Tokugawa Yoshinobu para sa modernisasyon ng kanyang hukbo, noong 1867 ]]
Pagkamatay ni Tokugawa Iemochi noong 1866, napili si Yoshinobu na humalili sa kanya, at naging ika-15 ''shōgun''.<ref>Borton, p. 63.</ref> Nag-iisa siya sa mga ito na ni minsang nanungkulan mula sa Edo; ni hindi siya nakatapak sa Kastilyo ng Edo bilang ''shōgun''.<ref>Tokugawa, ''Tokugawa yonbyakunen no naishobanashi'', vol. 2, p. 162.</ref> Sa kanyang pagkaupo, agad siyang nagsimula ng mga malawakang pagbabago upang maireporma at palakasin ang pamahalaang Tokugawa. Halimbawa nito ang paghingi ng tulong mula sa Ikalawang Imperyong Pranses, sa pamamagitan ng pagsagawa ng armeriya sa Yokosuka sa pangangasiwa ni Léonce Verny, at ang pagpapadala ng isang misyong militar upang imodernisa ang mga hukbo ng shogunato.<ref>Sims, ''French Policy Towards the Bakufu and Meiji Japan, 1854–95'', p. 236.</ref>
 
Pinalakas ang mga hukbong katihan at dagat, parehong binuo sa ilalim ng mga Tokugawa, sa tulong ng mga Ruso, pati na ng Misyong Tracey mula sa ''Royal Navy'' ng Inglatera. Nakalakap din ang pamahalaan ng armas at kagamitan mula sa Estados Unidos.<ref>Treat, ''Japan and the United States: 1853–1921'', p. 89</ref> Naging pananaw ng marami na patungo na sa panibagong lakas at kapangyarihan ang shogunatong Tokugawa. Subalit, bumagsak din ito paglaon ng kulang isang taon.
 
== Digmaang Boshin (1868–69) ==
Dahil sa kanilang takot sa muling pagpapalakas ng shogunatong Tokugawa sa ilalim ng isang malakas at marunong na pinuno, nagsanib-puwersa ang mga samurai mula sa mga dominyo ng Satsuma, Chōshū, at Tosa upang labanan ito. Bunga ng kanilang pagtataguyod ng {{Nihongo|2=尊皇攘夷|3=sonnō jōi|4="pamitaganan ang Emperador, palayasin ang mga barbaro"}} at takot sa isang bagong ''shōgun'' na patuloy na aagawin ang kapangyarihan ng Emperador, naglayon silang pabagsakin ang shogunato sa kani-kanilang paraan. Higit na moderado ang katayuan ng Tosa; nagmungkahi lamang ito ng kompromiso kung saan magbibitiw si Yoshinobu bilang ''shōgun'', ngunit mamumuno pa rin siya ng isang konsehong pampamahalaan na bubuuin ng iba't ibang mga ''daimyō''. Upang makamit ito, nanawagan kay Yoshinobu ang ''daimyō'' ng Tosa na si Yamanouchi Toyonori, pati na ang kanyang tagapayo na si Gotō Shōjirō, upang magbitiw.<ref name="b962">Beasley, ''The History of Modern Japan'', p. 96.</ref>
 
Noong ika-9 ng Nobyembre, 1867, ipinarating ni Yoshinobu sa Emperador ang kanyang pagbibitiw. Matapos ang 10 araw, pormal siyang bumabâ sa puwesto at tuluyan nang ibinalik ang kapangyarihang mamahala sa Emperador.<ref>Takano, p. 256.</ref> Nilisan din niya ang Kyoto at nagtungo ng Osaka. Subalit, habang sang-ayon ang Satsuma at Chōshū sa isang konseho ng mga ''daimyō'', tutol ang mga ito na si Yoshinobu ang mamuno nito.<ref name="b962" /> Lihim silang nakakuha ng ediktong imperyal<ref name="b964">Beasley, ''The History of Modern Japan'', p. 96.</ref> na nanawagan ng puwersa laban kay Yoshinobu (na natuklasan ding huwad)<ref name=":0">Yamakawa, ''Aizu Boshin Senshi'', pp. 7–9.</ref> at nagpadala sa Kyoto ng napakaraming sundalo mula sa Satsuma at Chōshū. Sa isang pagpupulong sa korteng imperyal, tinanggalan din si Yoshinobu ng lahat ng titulo at ari-arian,<ref>Beasley, p. 97; Yamakawa, ''Aizu Boshin Senshi'', p. 148–151.</ref> bagama't wala siyang ginawa na maaaring isipin na marahas o kriminal. Hindi rin isinama sa pagpupulong na ito ang sinumang maaaring tumutol dito.<ref name=":0" /> Mariing tumutol si Yoshinobu sa mga pangyayari at sumulat ng isang liham protesta na ipapadala dapat sa korteng imperyal.<ref>Totman, p. 416. For a copy of the original text of the message, see Yamakawa, pp. 89–90.</ref> Sa pag-uudyok ng mga pinuno ng Aizu, Kuwana, at iba pang mga dominyo, at bunga rin ng dami ng mga sundalong Satsuma at Chōshū sa Kyoto, ipinahatid niya ang kanyang liham sa pamamagitan ng isang malaking puwersa ng sundalo.<ref>Totman, p. 417.</ref>
 
Nang makatuntong sa labas ng Kyoto ang mga sundalong Tokugawa, hinarang ang mga ito at inatake ng puwersang Satsuma at Chōshū. Dito nagsimula ang Labanan sa Toba–Fushimi, ang unang engkuwentro ng Digmaang Boshin.<ref>Sasaki, pp. 23–24; Bolitho, pp. 420–422.</ref> Bagama't higit na nakararami ang puwersang Tokugawa, iniwan sila ni Yoshinobu at tumakas patungo sa Edo nang malaman niya na itinaas na ng Satsuma at Chōshū ang bandilang imperyal.<ref>Kobiyama, p. 124.</ref> Inilagay niya ang kanyang sarili sa boluntaryong pagkakapiit, at ipinarating sa korteng imperyal ang kanyang pagsuko. Subalit, napagkasunduan na aampunin at gagawing pinuno ng angkang Tokugawa ang batang Tayasu Kamenosuke, na pinuno lamang ng isang sangay ng pamilya nito.<ref>Griffis, ''The Mikado: Institution and Person'', p. 141.</ref> Pagdating ng ika-11 ng Abril, ibinigay sa hukbong imperyal ang Kastilyo ng Edo,<ref>Takano, p. 267.</ref><ref>{{cite book|title=Tokyo, an administrative perspective|url=https://books.google.com/books?id=DoBzAAAAIAAJ|accessdate=9 April 2011|year=1958|publisher=Tokyo Metropolitan Government|page=21}}</ref> at nailigtas ang lungsod mula sa matinding labanan.
 
Kasama ni Kamenosuke (na pinangalanang Tokugawa Iesato), lumipat si Yoshinobu sa Shizuoka. Ilang siglo rin ang nakaraan, doon din nagretiro ang tagapagtatag ng shogunatong Tokugawa na si Tokugawa Ieyasu. Ginawang ''daimyō'' ng bagong-likhang Dominyo ng Shizuoka si Iesato, ngunit pagkalipas ng ilang taon ay tinanggalan din ng kapangyarihang ito nang tuluyang tinanggal ang mga dominyo.
[[Talaksan:Yoshinobu_Tokugawa_2.jpg|thumb| Si Tokugawa Yoshinobu na naka-unipormeng pang-korte ]]
Marami rin sa mga ''hatamoto'', mga samurai na direktang nanilbihan sa mga Tokugawa, ang inilipat sa Shizuoka, ngunit marami sa mga ito ay hindi nakahanap ng pangsustento sa sarili. Naging sanhi ito ng karamihan upang kamuhian si Yoshinobu; para sa iba, umabot ito sa pagnanais na patayin siya.<ref>Tokugawa Munefusa, ''Tokugawa yonbyakunen no naisho banashi'', vol. 1, p. 131</ref> Nabatid ito ni Yoshinobu, at sa kanyang takot na mapaslang ay binago ang pagkakaayos ng kanyang tulugan upang malito ang sinumang maaaring pumatay sa kanya.
 
== Katandaan ==
Naging tahimik ang buhay ni Yoshinobu mula sa kanyang pagreretiro. Nahilig siya sa maraming larangan, tulad ng ''oil painting'', pamamana, pangangaso, potograpiya, at pagbibisikleta.<ref>Tokugawa, pp. 136–138.</ref> Sa kasalukuyan, ilan din sa kanyang mga retrato ay inilimbag ng kanyang apo sa tuhod na si Yoshitomo.<ref>For an example of Yoshinobu's photography, see: Tokugawa Yoshitomo, ''Tokugawa Yoshinobu-ke e yōkoso'', p. 73.</ref>
 
Noong 1902, pinahintulutan ng Emperador Meiji si Yoshinobu na muling itatag ang kanyang pamilya bilang sangay ng angkang Tokugawa. Ginawaran din ito ng pinakamataas na titulong noblesa, ang prinsipe (''kōshaku''), dahil sa kanyang tapat na paglilingkod sa Hapon.<ref>Takano, p. 273.</ref> Naging miyembro rin siya ng ''House of Peers'' dahil dito, at kalauna'y nagbitiw din noong 1910. Namatay si Tokugawa Yoshinobu noong ika-21 ng Nobyembre, 1913, 4:10 ng hapon, at inilibing sa Sementeryong Yanaka sa Tokyo.
 
Noong ika-9 ng Enero, 1896, ikinasal ang kanyang ikasiyam na anak na si Tsuneko, at si Prinsipe Fushimi Hiroyasu, pinsan nina Emperador Shōwa at Emperatris Kōjun, at pamangkin ni Prinsipe Kan'in Kotohito.
Linya 64:
* ''Keiō (1865–1868)''
* ''[[Panahong Meiji|Meiji]] (1868–1912)''
 
== Mga tala ==
{{Reflist|2}}
 
== Mga sanggunian ==
 
<nowiki>
[[Kategorya:Mga pinagmulan sa wikang Hapones ng CS1 (ja)]]