Kinansela ang pagbabagong 1782010 ni 112.206.35.198 (Usapan)
MrJaroslavik (usapan | ambag) m (Ibinalik ang mga pagbabago ni 152.32.109.67 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni 112.206.35.198) Tatak: Rollback SWViewer [1.4] |
(Kinansela ang pagbabagong 1782010 ni 112.206.35.198 (Usapan)) Tatak: Undo |
||
|iso3=fil
}}
Ang '''wikang Filipino'''<ref name=Gabby>[http://www.gabbydictionary.com/history.asp "Filipino language,"] Simborio, Sharen. ''History of the Filipino language'', Gabby's Dictionary, Gabby Dictionary.com, nakuha noong 27 Setyembre 2008</ref> ay ang [[pambansang wika]] at isa sa mga [[opisyal na wika]] ng [[Pilipinas]]—ang [[Wikang Ingles|Ingles]] ang isa pa—ayon sa Saligang Batas ng 1987. Isa itong [[mga wikang Awstronesyo|wikang Awstronesyo]] at ang ''[[de facto]]'' ("sa katotohanan") na pamantayang bersiyon ng [[wikang Tagalog]], bagaman ''[[de jure]]'' ("sa prinsipyo") itong iba rito. Noong 2007, ang wikang Filipino ay ang [[Katutubong wika|unang wika]] ng 28 milyon na tao<ref>"Världens 100 största språk 2007" [The World's 100 Largest Languages in 2007],''Nationalencyklopedin'' (Nationalencyklopedin), 2007</ref>, o mahigit kumulang isangkatlo ng populasyon ng Pilipinas. 45 milyon naman ang nagsasabing ikalawang wika nila ang wikang Filipino<ref>[[ethnologue:fil|Filipino]] at [[:en:Ethnologue|Ethnologue]] (18th ed., 2015)</ref>. Ang wikang Filipino ay isa sa mga 185 na [[Mga wika sa Pilipinas|wika ng Pilipinas]] na nasa ''Ethnologue''<ref>[http://www.ethnologue.com/country/PH "Philippines"]. ''Ethnologue.''</ref>. Ayon sa [[Komisyon sa Wikang Filipino]], ang wikang Filipino ay "ang katutubong wika, pasalita at pasulat, sa [[Kalakhang Maynila]], ang Pambansang Punong Rehiyon, at sa iba pang sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo."<ref>Pineda, Ponciano B.P.; Cubar, Ernesto H.; Buenaobra, Nita P.; Gonzalez, Andrew B.; Hornedo, Florentino H.; Sarile, Angela P.; Sibayan, Bonifacio P. (13 May 1992). "Resolusyon Blg 92-1" [Resolution No. 92-1]. ''Commission on the Filipino Language'' (in Tagalog). Retrieved 05 April 2015.</ref> Ang gustong makamit ng wikang Filipino ay ang pagiging ''pluricentric language'', o ang wikang may iba't ibang bersiyon depende sa lugar na kung saan ito'y ginagamit.<ref>[http://www.lawphil.net/statutes/repacts/ra1991/ra_7104_1991.html Commission on the Filipino Language Act 1991], Section 2</ref> May mga "lumilitaw na ibang uri ng Filipino na hindi sumusunod sa karaniwang balarila ng Tagalog" sa [[Lungsod ng Dabaw|Davao]]<ref>Rubrico, Jessie Grace U. (2012), ''[http://www.academia.edu/2283970/Indigenization_of_Filipino_The_Case_of_the_Davao_City_Variety Indigenization of Filipino: The Case of the Davao City Variety]'', Kuala Lumpur, Malaysia: University of Malaya</ref> at [[Lungsod ng Cebu|Cebu]]<ref>Constantino, Pamela C. (22 August 2000). [http://www.emanila.com/pilipino/various/ntu_tagalog.htm "Tagalog / Pilipino / Filipino: Do they differ?]". Translated by Antonio Senga. Darwin, Northern Territory, Australia: Northern Territory University. Retrieved 07 April 2015.</ref>, na bumubuo sa tatlong pinakamalaking metropolitanong lugar sa Pilipinas kasama ng Kalakhang Maynila.
[[Talaksan:Tagalosphere.png|thumb|Ang mapa na sinasalita sa Tagalog ng mga Pilipino sa buong mundo]]
|