Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Marxismo"

m
→‎top: gen fixes using AWB
m (Balarila)
m (→‎top: gen fixes using AWB)
Ang '''Marxismo''' ay isang pandaigdigang pananaw at pagsusuri ng lipunan na tumutuon sa ugnayan at hidwaan ng mga antas ng lipunan na gumagamit ng materyalistang interpretasyon ng takbo ng kasaysayan, at diyalektikong pananaw ng pagbabago ng lipunan. Gumagamit ng ekonomiko at sosyo-pulitikal na pag-uusisa ang metodolohiyang Marxista na siya namang ginagamit sa analisis at kritika ng pag-unlad ng [[kapitalismo]] at ang ginagampanan ng [[tunggalian ng uri]] sa sistematikong pagbabagong pang-ekonomiya.
 
Pinukaw ng dalawang [[Alemanya|Aleman]]g [[pilosopo]]—sina [[Karl Marx]] at [[Friedrich Engels]]—ang kaisipang Marxismo noong kalagitnaan hanggang huling-bahagi ng ika-19 na siglo. Ang mga analisis at metodolohiyang Marxista ay nakaimpluwensiya sa maraming ideolohiyang pulitikal sa kilusang panlipunan. Umiikot ang Marxismo sa isang teoryang pang-ekonomiya, sosyo-lohikal, metodong pilosopikal, at panghimagsikang pananaw ng pagbabago ng lipunan.<ref>[http://www.britannica.com/EBchecked/topic/551385/social-science/38930/Marxist-influences social science : Marxist influences – Britannica Online Encyclopedia]. {{en}}</ref>
 
Walang isang tiyak na teoryang Marxista. Ang Marxistang analisis ay ginagamit sa iba't-ibang paksa, nalilihis ang pag-unawa at nagbabago sa pagdaan ng panahon, na nagdudulot ng iba't-iba at minsa'y magkakasalungat na mga teoryang bumubungad na Marxismo.<ref>{{cite book |last= Wolff and Resnick|first= Richard and Stephen |title= Economics: Marxian versus Neoclassical |publisher=The Johns Hopkins University Press|date=Agosto 1987|isbn= 0-8018-3480-5|page = 130|quote= Marxian theory (singular) gave way to Marxian theories (plural).}} {{en}}</ref>
 
Itinataguyod ng Marxismo ang materyalistang pag-unawa ng pag-unlad ng lipunan, simula sa gawaing pang-ekonomiya na kinakailangan ng sangkatauhan upang matugunan ang mga materyal nitong pangangailangan. Ang anyo ng kaayusang pang-ekonomiya o paraan ng produksiyon ay nauunawaang batayan kung saan nagmumula o direktang naiimpluwensiyahan ang karamihan ng iba pang panlipunang penomena, gaya ng ugnayang panlipunan, sistemang pulitikal at legal, moralidad at ideolohiya. Habang humuhusay ang mga puwersa ng produksiyon (lalo na ang teknolohiya), ang mga kasalukuyang anyo ng kaayusang panlipunan ay nagiging kabilagtaran naman at siyang pumipigil sa lalo pang pag-unlad. Lumalabas ang kawalang-husayang ito sa mga kontradiksiyon sa lipunan sa anyo ng tunggalian ng uri.<ref name="ComparingEconomic">''Comparing Economic Systems in the Twenty-First Century'', 2003, by Gregory and Stuart. P.62, ''Marx's Theory of Change''. ISBN 0-618-26181-8. {{en}}</ref>
Ang mga pagkakaibang teoretikal na ito ay nagbunsod sa mga partidong sosyalista at komunista at kilusang pulitikal na magkaroon ng magkakaibang estratehiyang pulitikal upang matamo ang sosyalismo, at magsulong ng magkakaibang programa at polisiya. Isang halimbawa nito ay ang pagkahati ng mga sosyalistang rebolusyonaryo at [[repormista]] na lumitaw sa German Social Democratic Party (SPD) noong unang bahagi ng ika-20 siglo.
 
Ang Marxistang pag-unawa sa kasaysayan at ng lipunan ay ginagamit ng mga akademiko sa mga disiplina ng [[arkeolohiya]] at [[antropolohiya]],<ref>Bridget O'Laughlin (1975) ''Marxist Approaches in Anthropology'' Annual Review of Anthropology Vol. 4: pp. 341–70 (Oktubre 1975) {{doi|10.1146/annurev.an.04.100175.002013}}.<br />William Roseberry (1997) ''Marx and Anthropology'' Annual Review of Anthropology, Vol. 26: pp. 25–46 (Oktubre 1997) {{doi|10.1146/annurev.anthro.26.1.25}}{{en}}</ref> [[araling pangmidya]],<ref>S. L. Becker (1984) "Marxist Approaches to Media Studies: The British Experience", Critical Studies in Mass Communication, 1(1): pp. 66–80. {{en}}</ref> [[agham pampulitika]], [[teatro]], [[kasaysayan]], [[sosyolohiya]], [[kasaysayang pansining|kasaysayan]] at [[teoryang pansining]], [[araling pangkultura]], [[edukasyon]], [[ekonomiks]], [[heograpiya]], [[kritisismong pampanitikan]], [[estetika]], [[sikolohiyang kritikal]], at [[pilosopiya]].<ref>Manuel Alvarado, Robin Gutch, and Tana Wollen (1987) ''Learning the Media: Introduction to Media Teaching'', Palgrave Macmillan. {{en}}</ref>
 
== Mga sanggunian ==