Scorpion I: Pagkakaiba sa mga binago

m
Kawing
m (Bot: Migrating 20 interwiki links, now provided by Wikidata on d:q318613 (translate me))
m (Kawing)
 
}}
 
Si '''Scorpion I''' ang unang hari ng [[Itaas na Ehipto]] sa [[Panahong protodinastiko ng Ehipto]]. Ang kanyang pangalan ay maaaring tumutukoy sa [[diyosa]]ng alakdan na si [[Serket]]. Siya ay pinaniniwalaang nabuhay sa [[Thinis]] na isa o dalawang mga siglo bago ang pamumuno ng mas kilalang [[Haring Scorpion]] ng [[Nekhen]] at pinagpapalagay na unang tunay na hari ng Itaas na Ehipto. Sa kanya nabibilang ang libinang U-j na natagpuan sa sementeryo ng hari sa [[Abydos]] kung saan ang mga haring Thinite ay inilibing. Ang libingang ito ay pinagnakawan sa sinaunang panahon ngunit dito ay natagpuan ang maraming mga maliliit na plakang [[garing]] na ang bawat isa ay may butas upang pagtalian ng isang bagay at minamarkahan ng isa o higit pang uring [[hieroglipong]] inukit na mga larawan na pinaniniwalaang mga pangalan ng mga bayan . Dalawa sa mga plakang ito ay tila ang pangalan ng mga bayang Deltang [[Bubastis]] at [[Buto]] na nagpapakita sa mga hukbo ni Scorpion na nakapasok sa Deltang Nilo. Maaring ang mga pananakop ni Scorpion ang nagpasimula ng sistemang [[Hieroglipo]] ng Sinaunang Ehipto sa pamamagitang ng pagsisimula ng pangangailangan sa pagtatago ng mga talaan sa pagsulat. <ref name=channel5_scorpion_king>''Secrets of Egypt'', [[Five (TV channel)|Channel 5]] TV program 2/8, "Scorpion King," 20 November 2008.</ref> Ang isang kamakailang 5,000 taong gulang na grafitto ay natuklasan na may mga simbolo rin ni Scorpion at nagpapakita ng kanyang pagkapanlo sa pinunong protodinastiko na posibleng ang hari ng [[Naqada]]. Ang natalong hari o pangalan ng lugar sa grafitto ay ulo ng toro na isang markang matatagpuan rin sa U-j.<ref name=channel5_scorpion_king/> Ang libingan ni Scorpion ay kilala sa arkeolohiya para sa posibleng ebidensiya ng sinaunang pag-inom ng [[alak]]. Natuklasan ng mga arkeologo ang dose dosenang mga inangkat na seramikong garapon na naglalaman ng labing dilaw na umaayon sa alak at pinetsahan ng mga 3150 BCE. Ang mga buto ng ubas, mga balat at tuyong pulpo ay natagpuan rin.<ref>{{cite news |last=Kaufman |first=Marc |title=Ancient winemaking operation unearthed |newspaper=The Washington Post |date=January 11, 2011 |url=http://www.washingtonpost.com/wp-dyn/content/article/2011/01/10/AR2011011006227.html }}</ref>
==Mga sanggunian==
{{reflist}}
12,370

edit