Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Port Moresby"

walang buod ng pagbabago
Ang '''Port Moresby'''}} ({{IPAc-en|ˈ|m|ɔər|z|b|i}}; [[Tok Pisin]]: ''Pot Mosbi''), tintukoy din bilang '''Lungsod ng Pom''' o pinapayak sa '''Moresby''', ay ang kabisera at ang pinakamalaking lungsod ng [[Papua New Guinea]] at pinakamalaking lungsod sa Timog Pasipiko sa labas ng [[Australya]] at [[Bagong Zealand]]. Matatagpuan ito sa pampang ng Gulpo ng Papua, sa timog-kanlurang baybayin ng [[Tangway]] ng Papua sa [[Bagong Guinea]]. Umusbong ang lungsod bilang sentro ng kalakaran sa ikalawang bahagin ng [[ika-19 na dantaon]]. Noong [[Ikalawang Digmaang Pandaigdig]], ito ang pangunahing layon para sakupin ng puwersa ng Imperyal na Hapon noong 1942–43 bilang isang yugto ng pahahanda at baseng panghihimpawid upang tanggalin ang Australya mula sa [[Timog-silangang Asya]] at sa [[mga Amerika]].
 
Noong 2020, mayroon itong isang populasyon na 383,000.<ref>{{cite web|last=|first=|date=|year=|title=CIA World Factbook|url=https://www.cia.gov/library/publications/the-world-factbook/geos/pp.html|url-status=live|archive-url=|archive-date=|access-date=Oktubre 8, 2020|website=|language=en}}</ref> Ang lugar kung saan tinatag ang lungsod ay pinanirahan ng mga taong Motu-Koitabu sa mga nagdaang siglo. Si Kapitan [[John Moresby]] ng Hukbong-Dagat na Royal ang unang Briton na nakita ang pook noong 1973. Ipinangalan ang lugar bilang pagpaparangal sa kanyang ama, ang Almirante ng Armada na si Sir [[Fairfax Moresby]].